Chapter 52

54 12 7
                                    

that man is..

kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni travis. sa backseat ako umupo at katabi ko si azi. grabe ang kaba ko kanina. akala ko kung ano na ang nangyari sakanya sa pasabog na'yon. isa lang palang paputok na ayon kay travis. hindi ko alam kung bakit mayroon ng ganon ang Travis na'to.

gusto kong lumabas kasama si azi. wala rin daw gagawin si travis kaya sinamahan nalang din niya kami. pumunta kami sa lagi kong tinatambayan para magpahangin. hinawakan ko ang tali ni azi ng maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. lumabas na'ko at sinundan si azi.

tumatahol siya.

"azi!" boses ni Austin. kung ganon nandito na-naman siya.

"hi avria, buti naman at naisipan mong lumabas kasama si azi." aniya. sumunod ako kay azi ng maramdaman ko ang paghila nito. umupo ako sa may bench.

"thank you pala sa pagbigay kay azi, tama ka matalinong aso nga siya." nakangiti kong sabi. hinaplos haplos ko ang balahibo ni azi.

"i told you. good job azi."

"anong ginagawa mo rito ulit? hindi ba may pasuk kapa?" tanong ko.

"yahh, kakahatid ko lang sa gf ko sa school niya. i was about to go ng mahagilap ng mata ko si azi."

ngumiti lang ako

"btw sorry pala dahil sa gf ko. she just seemed shocked."

"okay lang, tsaka kasalanan ko rin naman eh. kahit naman ako magiging ganun din ang reaction ko." sabi ko.

nawala sa isipan kong kasama ko pala si travis. nasa'n ang kumag na'yon. binaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko kung saan ako nagmula. kahit naman na wala akong makita.

"I'll introduce you to her if ever na magkita ulit tayo." sabi niya.

"maganda yan para makilala ko rin siya. nang saganon ay mapanatag ang loob niya na hindi ako threat sa relasyon ninyo." tumawa ako.

"travis?" tawag ko sa kalagitnaan kong pakikipag usap kay Austin.

"iyong lalaki bang kasama mo?"

"kanina pa siya nakatayo don. tinitingnan ang kalawakan ng dagat."

nagpaalam nasi Austin dahil kailangan nadaw niyang pumasok. tahimik lang akong nakaupo dito kasama si azi. ninanamnam ang simoy ng hangin. naamoy ko kaagad ang pabango ni travis. umupo ito sa tabi ko.

"saan kayo nagkakilala?" biglaan niyang tanong. I'm sure naman si Austin itong tinutukoy niya. ngumiti ako bago sumagot.

"nong unang lumabas kami ni azria. mabait naman siya actually mukhang marami ngang babae ang nagkakandarapa sakanya eh. gwapo ba siya?"

"well, mas gwapo ako." barumbado niyang sabi. kung nakakakita lang sana ako naku! nginiwian ko lang siya. minabuti ko nalang ituon ang sarili ko sa harapan.

"kailangan nadin nating umuwi. dumating sina luke sa bahay with their grandfather. gusto ka makita ng lolo nila."

nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"ha? bakit raw?"

"iwan. also mom and dad are there. maybe something urgent that needs to be put together."

Avianna POV

dalawang araw palang yong nakalipas simula nong dumating sina kuya luke. ngayon na'yong araw kung saan kasalukuyang sinusuri ng lolo nila si sissy avria. they're currently in hospital where mommy is one of the head administrator.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now