Chapter 10

65 11 0
                                    

unedited story: expected the typographical and grammatical errors.

KINABUKASAN..

maaga na'kong pumasok sa school. nagpasya nalang akong maglakad. maaga pa naman kaya sasakto din ako sa pagdating. really luke? tss hindi manlang ako sinundo dito. o baka hindi pa 'yon gising. hindi manlang niya ako tinawagan. hindi ko alam kung paano kami mag-kakaayos kung ganito nalang 'to.

sinisipa sipa ko nalang ang bawat bato na nadadaanan ko. hindi ko na alam kung gaano kalayo na ang nalakad ko. hindi manlang ako nakaramdam ng pagod. umiinit na 'yong araw kaya medyo pinagpapawisan na ako.

malapit na ata ako sa school nila yhosh pero saakin malayo pa. kainis wala manlang dumaan na taxi.

tumabi tabi ako sa gilid ng kalsada ng may marinig akong malakas na busina ng sasakyan. hindi na'ko lumingon. nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang nakatingin sa daang niyayapakan. umaasa akong siya ito pero hindi. pumantay sa'kin ang Ferrari na kotseng 'to.

"ma le-late kaniyan sa school amazona!" hindi ko na siya pinansin. nagpatuloy parin ako sa paglalakad. nakasunod parin siya sa'kin.

"sumakay kana! ngayon lang ako nagmagandang loob, kaya huwag kanang mag-inarte diyan!" inis ko siyang nilingon. napangiwi pa'ko dahil naka shades pa'to. nangunot ang noo ko nang lingonin ko ang nakaupo sa front seat. Marga.

tiningnan ko ang oras. wala na din akong oras para maglakad. no choice ako kundi ang sumakay. tulala lang akong naka dungaw sa labas. maya maya naramdaman kong tumigil na ito sa pagtakbo. pero hindi na'ko kumibo.

"labas" si yhosh, tumingin ako sa harapan. do'n ko lang napagtanto na nasa harapan na kami ng school nila. kung nasa mood lang ako, makikipag bangayan ako sa lalaking 'to maihatid lang ako hanggang sa school ko. papasakayin ako tapos maglalakad lang din ako hanggang school. buset

bubuksan ko na sana ang pinto nitong sasakyan nang magsalita nanaman ang depungal na ito.

"labas ka na muna marga,I'll take this broken woman to their school first" seryosong sambit nito. napangiwi pa ako sa inusal niya. tss ediwow

matapos makalabas ni marga, ay pinaharurot na ulit ni yhosh ang sasakyan. wala pang limang minutos ay nasa harapan na kami ng school ko. wala na akong sinabing salita. bumaba na'ko atsaka sinarado na ang pinto ng sasakyan niya. at naglakad na papasuk sa campus.

wala sa sariling naglakad ako dito sa hallway. dumeretso ako sa locker ko. naiwan ko dito 'yong physics note ko. malamang hindi pa'ko nakapag review kagabi dahil naiwan ko ito. kahit dala ko naman 'to wala parin akong gana mag review. pero kahit papaano ay nakinig naman ako sa discussion ni ma'am Karol. ngayong araw na'yong oral recitation namin. sana talaga may ma-isagot ako.

"omg girl i can't believe it. I thought that woman was going to change. I don't know why she looked like me. I'm not flirty duh"

"still magka--"

"shut up! I don't want to hear that"

napalingon ako sa babaeng papalapit habang nag-uusap. I greeth my teeth in anger. kumukulo na ang dugo ko kapag nakikita ko ang babaeng'to.

natigilan naman sila nang mapansin ako. hindi pamilyar sa'kin ang kasama niyang 'to. dahil sa galit nilapitan ko siya at sinampal ng malakas sa mukha. muntik na naman siyang mawala sa balanse dahil sa taas ng takong na suot suot nito. buti nalang at nahawakan siya ng kasama niya.

"Omg okay kalang?" tanong sakanya nong kasama niya.

"ang landi mo!" iyan lang ang salitang lumabas sa bibig ko. muli ko sana siyang lalapitan para sabunutan pero biglang namagitan sa'min ang kasama niya

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now