Chapter 41

64 11 3
                                    

necklace..

nandito kami ngayon sa gym. kakatapos namin mag practice. grabe nakakauhaw!

kasalukuyan kaming nakatipon nitong mga gonggong na'to. pinag-uusapan na namin ang isang school na papasukan kuno namin. at yon ay sa luna university. si gab ang nakaisip na don daw kami mag college dahil maganda daw ang school nayon.

"amelsa kamusta na pala ang about sa fam mo?" napatingin naman kami lahat kay amelsa ng tanongin siya ni kyle

"ahm hindi ko alam eh, nagsisimula palang ako alamin ang mga nagaganap. hindi kasi sa'min sinasabi nina tito ang mga nangyayari eh" sagot ni amelsa. tumango lang si kyle at nagpatuloy sa pagkagat don sa hawak-hawak niyang burger amp.

kasalukuyan kaming lumalamon ngayon dito. nakaupo kami sa may dulo nitong gym. sa pinaka taas. bigla tuloy akong lumutang. parang may similarities kasi yong kwento sa'kin ni tita at ni amelsa

hindi kaya.. yong tinutukoy na kaibigan ng mommy ni amelsa at si mommy ay iisa?

bigla akong nagulantang dahil sa isipin iyon. impossible eh tanging kilala ko lang na bestfriend ni mommy ay si tita rafa noe. but what if totoo ang mga hinala ko? na iisa nga si mommy at ang kaibigan ng mommy ni amelsa.

hindi!

talagang konektadong konektado ang kwento ni tita at amelsa! wala sa sariling napatitig ako kay amelsa. kung totoo ang kutob ko na iisa ang mga nangyari sa fam ni amelsa at sa fam ko. kung ganon ang t-tatay ni amelsa ang talagang tunay na pumatay kay mommy? at sa mommy niya?

kung dati ay naniniwala ako sa mga kinwento ni amelsa, ngayon naman nag-aalinlangan ako kung maniniwala ba ako. kilala ko si daddy, hindi siya tanga para ikulong ang taong inosente.

"Avria okay kalang ba?" bumalik ako sa ulirat ng tapikin ni gab ang kaliwa kong balikat

"ha? ahh oo napagod lang ako" palusot ko

"kanina kapa lutang avie tila ang lalim ng iniisip mo. may probs ba?" tanong sa'kin ni amelsa. umiling lang ako tsaka ngumiti

"wala naman. never pa'kong dinadapuan ng problema noe" haha sana nga eh no

"lahat ng tao may kanya-kanyang problema friend seguro galing ka sa ibang planeta" tinaponan ko lang ng masamang tingin ang kero na'to

matapos naming magsipahinga ay muli kaming bumalik sa pwesto namin ng muling ipatawag nina prof ang lahat ng studyanteng nandidito.

dalawang oras ang lumipas matapos ang practice namin. kinuha na namin ang mga gamit namin sa kanya-kanya naming room at sabay-sabay nang lumabas sa campus.

napangiwi ako ng makita kong si Azria ang sumundo sa'kin.

"Hi sister avria! ako na ang nag-prisintang sumundo sa'yo, ang boyfriend mo ay pinag stay ko nalang sa bahay. do'n nalang kayo magkita" masaya niyang wika. binalingan niya itong mga kasamahan ko tsaka niya sila kinawayan habang nakangiti.

"Hi guys kukunin ko na muna si avria sainyo ah babye!" hinila na niya ako papasuk sa kotse niya. nakita ko pang bahagyang ngumiti ang azria na'to kay kero. halata sa mukha ni kero na naweweirduhan siya sa kapatid kong 'to. pshhh without knowing na magkapareho lang sila

"ingat!" sabi nila ng paandarin na ni azria itong puti niyang kotse.

"gusto kita makasamang mag mall ngayon sissy. susulitin ko ang mga oras ko rito kasama ka, you know uuwi din kami kaagad kasi nga may school pa'ko" taka ko naman siyang nilingon

Ang Bespren Kong Amazona Où les histoires vivent. Découvrez maintenant