Chapter 33

58 12 2
                                    

new home..

umupo ako sa couch nilang 'to na nasa sala. kasing lawak din nang sala na'to ang kina yhosh. ang pinagkaiba lang ay 'yong desenyo at anggulo

agaw-pansin itong napakalaki nilang chandelier na nakasabit sa gitna nitong bahay nila. katulad sa bahay nina yhosh, may pangalawang palapag pa ito. may nakita kasi akong hagdan, hindi ko alam kung saan patungo iyon.

nasa'n kaya ang depungal na'yon?

"wala ka bang planong magpalit ng damit?" napatingin ako kay Travis ng sumulpot ito sa kung saan. baka sa kusina. may dala kasi itong dalawang mug

"magpalit ka muna. ito kape oh"  agad ko naman kinuha ang kape na'yon at hinigop. sobrang lamig na kasi ang bumabalot sa katawan ko. muli ko itong nilapag sa table. narinig kong marahang tumawa si travis kaya pinangunotan ko ito ng noo.

"buti pala pinalamig ko. kundi baka napaso kaniyan" sabi nito, kasalukuyan din niyang hinahalo ang hawak-hawak niyang isang mug. mukhang mainit pa ito dahil sa singaw ng asbok na kumakawala ro'n

"papaano kayo nagkakilala ni yhosh? mukhang sa ina-asta niya ngayon rito sa pamamahay mo parang matagal na kayong magkakilala ah?" pagsisimula ko sa usapan

"long story" mababang sagot nito. ediwow!

"wala akong nakikitang tao sa bahay na'to. ikaw lang ba ang nakatira rito?" muli kong tanong. bumuntong hininga ito tsaka umupo sa couch.

"Oo ako lang"

"seryoso?!" agad kong sambit. pano banaman, ang laki² ng bahay tapos siya lang ang nakatira?!

"yap, ako lang pero mukhang ngayon hindi na ata" wika nito tsaka ako binalingan. ngumiti pa ito sa'kin kaya nailang ako

"eh nasa'n ba ang mga pamilya mo?  yong parents mo?"  masyado na atang personal itong mga pinag tatanong ko!

"sa malayo" mababa nanaman niyang sagot

napatingin ako kay yhosh nang sumulpot nadin ito.  naka sout na'to ng black hoodie.

"magpalit kana amazona, gumagabi nadin.uuwi nadin ako" sabi nito

"wait what iiwan mo'ko rito?!" hindi makapaniwalang tanong ko. sabay silang tumawa ni travis kaya nainis ako

"ano ba iniisip mo amazona?  na titira din ako rito?"  mapanuya niyang sabi.

"sigurado kabang mapagkakatiwalaan ang travis na'to? baka mamaya--"

"husssh shut up amazona. ikaw nanga makikitira manghuhusga kapa" hindi nalang ako umimik

"pasensiya hehe, sige nanga  may tiwala ako sayo eh" saad ko tsaka ko muling inilipat ang paningin kay travis

"okay lang sayo na dumito muna ako? kahit panandalian lang"

"anytime, as long as you want" sambit nito. tila inaantok pa dahil nagsimula na itong humikab

"maiwan ko na muna kayo. talagang inaantok na'ko"  sambit nito tsaka tumayo.

kami nalang naiwan ng depungal na'to dito sa sala.

"kung umasta kayo sa isa't isa parang ang tagal niyong magkakilala ah ? tell me magka-ano ano kayo?" taas kilay kong tanong dahilan para mapangiwi siya

totoo naman kasi!  tingnan mo ang travis na'yon bigla biglang umalis. hindi ba niya inisip na maaaring may makapasuk na magnanakaw sa bahay na'to?  basta basta lang niya itong pinagkakatiwala

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now