CHAPTER 03

12.2K 385 26
                                    

CHAPTER 03

Alas tres na nang magising mula sa masarap at mahimbing na pagkakatulog si Argo. Kinurap-kurap pa niya ang kanyang mata nang batiin siya ng malapad na dibdib ng kanyang kuya OJ. Naka-unan parin siya sa dibdib nito, nakakandong sa binti nito, at nakayakap sa matipuno nitong katawan. Bukod doon, nakapalibot rin ang kamay nito sa kanyang bewang.

Tumingala siya at nakitang nakapikit ito at mahimbing ang tulog. Ramdam niya ang malakas at malamig na hangin pero salamat sa mainit nitong katawan, nababalanse nito ang lamig. Muli niyang ipinilig ang ulo sa dibdib nito at pinakinggan ang payapang pag pintig ng puso nito. Nakaka-kalma pero kailangan na nilang gumising. Alas tres na. Uwian na nila.

"Kuya OJ." pag gising niya rito. Niyugyog pa niya ang balikat nito. Iniwasan niyang mahawakan ito sa dibdib dahil parang napaka-intima nito sa kanyang paningin.

"Umm?" untag nito ng hindi dumidilat. Mas niyakap siya nito ng mahigpit.

"Gising na kuya OJ."

Nagmulat ito ng mata. Bahagya pa itong natigilan at napatitig sa kanyang mukha bago ito nag iwas ng tingin at mabilis na inalis ang nakapalibot nitong kamay sa kanyang bewang na parang napaso ito.

"Alis na. Ang bigat mo." pagsusuplado na naman nito sa kanya. Umalis siya sa pagkaka-kandong rito. Pagka alis niya ay tumayo at bahagyang tumalikod ito sa kanya.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag kambyo nito bago nito kinuha ang hinubad na polo at isinuot.

"Ummm... salamat nga pala, kuya OJ." medyo pinamumulahan ng pisngi niyang usal pero kagaya ng inaasahan niya, hindi ito kumibo.

Nang mabutones na nito ang polo. Hinarap siya nito. "Nagugutom ka ba?" tanong nito.

"Hindi, pero gusto kong mag merienda, kuya OJ." tugon niya at nginitian ang nakatatandang kapatid.

"Sumunod ka." anito at naunang maglakad.

Mabilis niyang kinuha ang bag at sumunod rito. Napaka mainipin nitong tao at ayaw nito sa mabagal. Muli silang naglakad patungo sa parking lot. Hindi niya maipaliwanag pero wala siyang pagsisising naramdaman na lumiban sa klase. Nakatulog siya ng mahimbig at sa katawan pa ng kanyang kuya OJ.

Nakaramdam siya ng kilig. Hindi niya alam kung saan galing iyon basta kinikilig siya. Alam niyang namumula ang pisngi niya ngayon kaya yumuko siya para itago.

Nauna itong sumampa sa motorsiklo at sumunod siya. Isinuot niya ang helmet nitong iniabot at otomatikong pumalibot ang kamay niya sa katawan nito. Muli na naman niyang nadama ang brusko at mainit na katawan ng kanyang kuya OJ.

Napa singhay siya. Isa lang ang kanyang masasabi. Maswerte ang magiging nobya nito pero sa edad nitong dise-syete, wala pa itong may ipinakikilala sa kanilang mga magulang. May naririnig siyang mga balita sa kanilang eskwelahan pero pawang mga espekulasyon at kuro-kuro lamang ang mga iyon.

Muli siyang binalot ng kakaibang saya, galak at kaba habang pinahaharurot nito ang motorsiklo. Muli siya nitong dinala sa hilera ng mga food stall malapit sa kanilang eskwelahan.

"Betamax!" masaya niyang usal nang huminto sila sa tapat ng barbecuehan ni Aling Nena. Nakangiti silang binati ng may edad na babae.

"Kagaya parin ang akin, Aling Nena." usal ng kanyang kuya nang maupo ito.

"Ang sa nobyo mo?" tanong ni Aling Nena na nagpalaki sa kanyang mata sa gulat. Mabilis na namula ang kanyang mukha sa hiya.

Halatang nagulat rin ang kanyang kuya OJ. Kung naapektuhan man ito, hindi nito iyon ipinahalata. "Kapatid ko siya, Aling Nena. Tatlong stick ng betamax ang sa kanya."

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon