CHAPTER 11

10.2K 313 44
                                    

CHAPTER 11

Tahimik na bumangon ng kanyang higaan si Argo kinaumagahan. Ramdam niya parin ang hiya sa kanyang ginawa kagabi. Nagtatanong siya kung bakit ba naman kasi naisipan niyang pisilin at laruin ang utong ng kanyang kuya OJ na parang natural lamang iyon na gawin. Pinamulahan siya ng pisngi at napa singhay.

Iniligpit niya ang kanyang higaan. Hindi naging maganda ang tulog niya kagabi, pakiramdam niya ay parang may kulang. Parehong-pareho iyon sa pakiramdam niya noong bata kapag natutulog nang wala sa kanyang tabi ang malaking teddy bear na iniregalo sa kanya ng kanyang papa.

Tumayo na siya at patingkayad na sinilip ang kanyang kuya OJ sa higaan nito. Halos mapatili siya nang makitang nakatitig ito sa kanya at may kunot ang noo. "May kailangan ka?" tanong nito sa bagong gising na boses. Magaspang iyon, malalim, at buong-buo.

Nag iwas siya nang tingin. "Ah eh... Wala, kuya OJ." nag iinit ang pisngi niyang ani.

"Umakyat ka rito." utos nito.

Napalingon siya sa higaan nito at nanlalaki ang matang umusal. "Huh?"

"Umakyat ka rito. Bilis." anito sa aburidong boses.

Napa kagat labi na lamang siya at kinakabahang pumanhik sa higaan nito. Bahagya itong umusog para bigyan siya ng puwang na makahiga sa tabi nito. Pagapang siyang tumabi ng higa rito.

Napalunok siya nang tumagilid ito ng higa at ginamit ang kamay pang tukod sa ulo nito. Ramdam niya sa kanyang likod ang init ng kutson nito at mas amoy niya ang kanyang kuya OJ sa higaan nito. Gusto niyang pumikit at damhin ang pakiramdam na napapalibutan ng mga bagay na nagpapa alala sa kanya sa kanyang kuya OJ.

"Nakatulog ka ng maayos?" tanong nito sa kanya.

Kagat labi siyang umiling. Ngayon ay alam na niya kung ano ang kulang. Wala sa sarili siyang yumakap sa kanyang kuya OJ at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagka estatwa nito pero wala siyang magawa. Nangulila siya kagabi sa init ng katawan at sa amoy nito.

Rinig niya ang pag ungot nito at umayos ng higa. Para siyang bata na mas yumakap sa hubad baro nitong katawan, mas idinikit niya rin ang kanyang sarili sa katawan nito para mas lukubin siya ng init. Ilang sandali lamang ay halos hindi na niya ramdam ang lamig ng kanilang aircon at ng umaga. Inamoy niya rin na parang adik ang tagiliran ng kanyang kuya OJ. Napangiti siya at hindi namalayan na muling nakatulog sa tabi nito.

"Hoy. Gising." rinig niyang ani ng kanyang kuya OJ.

"Ayoko pa." reklamo niya at ipinagpatuloy ang pagyakap sa katawan nito. Humalik pa siya sa mainit nitong katawan pero dahil nanlalaban pa ang tulog niyang diwa ay hindi niya iyon napansin.

"Ughhh..." rinig niyang pag ungot nito. "Sinusubok mo talaga ang pag titimpi ko, Argo." anito.

Muli siyang humalik sa mainit nitong balat. Parang ayaw na niyang umalis sa tabi nito at humiga na lamang kasama ang kanyang kuya OJ sa higaan nito.

"Argo. Gumising ka na. Ihuhulog talaga kita sa higaan ko." rinig niyang inis nitong usal at hinila pa ang kanyang tenga.

Doon na siya tuluyang gumising. Binati siya nang gwapo nitong mukha pero masama ang tingin na ipininupukol sa kanya.

"Maliligo na ako. Dikit ng dikit. Parang tuko." reklamo nito at bumangon. Napasimangot na lamang siya at muling ipinikit ang mata at kinuha ang unan nito at iyon ang niyakap at inamoy. "Pag labas ko na hindi ka pa bumabangon, sasamain ka talaga sa akin." banta nito.

Narinig niya ang pag bukas at sara ng pinto ng kanilang paliguan at mabilis iyong nasundan ng paglagaslas ng tubig. Pumikit muna siya ng ilang sandali.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon