CHAPTER 09

10.7K 324 50
                                    

CHAPTER 09

"Kamutin mo ng ayos. Sa ibaba. Yan... Diyan." Napa-buntong hininga na lamang siya habang kinakamot ang likod ng kanyang kuya OJ. Hindi siya makapaniwalang nag text ito sa kanya na pumunta sa abandonadong gusali para lamang ipakamot ang likod nito.

Halos nag madali siyang lumabas ng kanyang classroom matapos mag-bell dahil sa halos isang linggo, ngayon na lamang ulit siya pinapunta nito sa rooftop. Na-miss ang tumambay roon kasama ang bugnuting nakatatandang kapatid. Ang kubo na kanilang kinakainan, ang kabilang kubo na tinutulugan nila kapag hapon, at ang malamig at malakas na hangin.

"Sa taas naman." utos nito kaya itinaas niya ang kamay at kinamot ang parteng itinuturo nito. Hubad baro na naman ito. Pakiwari niya ay may problema ito sa pagsusuot ng damit. Ikinibit balikat na lamang niya ang iniisip. Natutuwa rin naman siya kapag nakikita ang maganda nitong katawan.

"Ok na, kuya OJ?" tanong niya. Nangangalay na ang kamay niya. Halos sampung minuto na niyang kinakamot ang likod. Hindi niya alam kung anong pinagmulan ng kati nito at hindi mawala-wala.

"Ok na." anito. Hindi na siya umaasa ng pasasalamat mula rito. Kinuha na lamang niya ang kanyang hand sanitizer at nag lagay sa kanyang kamay.

Umayos ito nang upo at kumunot ang noo nito nang makita siyang nagdi-disinfect ng kamay. "Arte naman nito. Makati lang ang likod ko, pero walang sakit." depensa nito.

Napayuko na lamang siya sa hiya. Inaamin niyang medyo nakaka-offend nga naman talaga ang ginawa niya pero sanay siyang palaging naglilinis ng katawan.

"Kumain ka na." utos nito sa kanya. Sumandal ito sa upuan at saglit na bumaba ang paningin niya sa katawan nito. Namula ang kanyang mukha sa kilig. Hindi siya makapaniwalang pamilyar na siya sa init at amoy ng katawan nito dahil sa halos tatlong magkakasunod na gabi siyang natutulog na nakayakap dito. Parang hindi na nga niya siguro kayang matulog ng mahimbing kapag hindi naamoy ang lalaking-lalaki nitong amoy at kapag hindi nakaunan sa braso nito at hindi nakayakap sa brusko at mainit nitong katawan.

Napabalik huwisyo siya at nag iwas ng tingin. Kinuha niya sa kanyang bag ang lunchbox. "Kumain ka na ba, kuya OJ?" tanong niya rito.

Hindi ito tumugon. Pumikit lamang ito at umayos nang pagkakasandal sa upuan.

Napa singhay na lamang siya. Binuksan niya ang kanyang lunchbox at hindi na nagulat na makita na ulam nila kagabi ang ipinabaon sa kanya ng kanyang mama, kahit kaninang umaga, ang inalmusal nilang pamilya ay ang natira nilang ulam kagabi.

Tahimik siyang nag simulang kumain. Pa minsan-minsan ay sinisipat niya ang mahubog nitong katawan na may mga butil ng pawis pero mabilis rin siyang nag iiwas ng tingin dahil natatakot siyang mahuli nito at dahil narin sa kakaibang pakiramdam na ginagawa ng kakisigan nito sa kanyang sikmura. Ngayon niya lamang napagtanto na pasok sa salitang "tall, dark, and handsome" ang kanyang kuya OJ.

Namula ang kanyang mukha nang makitang halos kalahati na ng kanyang kanin ang naubos niya pero hindi pa niya nagagalaw ang kanyang ulam. Naiburo na lamang niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad dahil sa hiya. Hindi siya makapaniwalang ginawa niyang ulam ang imahe ng nakakatakam na katawan ng kanyang kuya OJ.

"Hoy! Anong nangyari?" rinig niyang tanong nito. Nahimigan niya ang pag aalala sa boses nito. Nag iwas siya ng tingin, nakaburo parin ang kanyang mukha sa mga palad. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang buong mukha. "Humarap ka nga!" utos nito.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat kaya yumuko lamang siya para itago ang hiyang nararamdaman.

"Puta. Anong problema?" usal nito at hinawakan nito ang magkabilang palapulsuhan at ipinag hiwalay. Natigilan ito nang tumambad ang namumula niyang pisngi, napakagat labi pa siya at pinigil na huwag mapa-iyak. "May nakain ka ba?" tanong nito.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon