CHAPTER 04

11.8K 402 54
                                    

CHAPTER 04

Mabilis na napabangon ng higa si Argo nang magising siya na nakadapa sa hubo't hubad na katawan ng kanyang kuya OJ. Mabilis na namula ang kanyang mukha nang mapasadahan ng tingin ang mukha nito pababa sa maganda nitong katawan patungo sa naghuhumindig nitong pagkalalake.

Napalunok siya at mabilis na nag iwas ng tingin. Nakita na niya ito noong hindi niya sinasadyang mahuli ito na nagma-mariang palad pero ngayon na mas nakita niya iyon ng malapitan. Hindi niya maitatangging pinagpala ang kanyang kuya OJ sa parteng iyon.

Dala ng kaba at pagkataranta. Kinuha niya ang kumot sa tabi at itinakip iyon sa hubad na katawan ng kanyang kuya OJ. Tahimik at maingat siyang bumaba sa higaan nito. Tumingin siya sa orasan at napansing alas kwatro pa lamang ng madaling araw.

Naupo siya sa kanyang higaan at naihilamos na lamang ang kamay sa kanyang mukha sa sobrang hiya at inis sa kanyang sarili. Naalala niya ang kanyang munting drama kagabi. Sobrang nag panic at natakot siya sa kulog at kidlat na natataranta siyang umakyat sa higaan nito at yumakap sa kanyang nakakatandang kapatid dahil sa takot.

Noon ay sa kanyang papa niya siya kumakaripas nang takbo pero kagabi, sa hindi niya malamang dahilan, sa kanyang kuya OJ siya nagtungo upang maghanap ng kaligtasan.

Napa ungot siya sa inis. Gusto niyang umiyak. Hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang kanyang kuya OJ mamaya.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at bumaba. Nabigla siya nang maabutan niya ang kanyang mama sa kusina na abalang-abala sa pagluluto. Nakayakap sa likod nito ang kanyang papa.

"Magandang umaga, mama at papa." bati niya.

Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Halatang nabigla ang mama niya dahil namula ang pisngi nito habang napa ngiti naman ang kanyang papa nang makita siya nito.

"Maaga atang nagising ang prinsesa namin." anito at bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang mama.

"Gusto mong mag almusal na anak?" tanong naman ng kanyang mama.

"Naalimpungatan lang po kaya bumaba na ako." aniya. Naupo siya sa hapag at tinabihan siya ng kanyang papa, may tasa ng umuusok na kape sa harap nito.

"Hindi ka natakot kagabi?" nag aalala nitong tanong sa kanya. "Binuksan ko ang pinto namin para sa iyo pero himala at hindi ka tumatakbong pumasok sa kwarto namin."

Medyo nag init ang kanyang pisngi. "Ayos lang po, pa. Tumabi na lang ako kay kuya OJ." pag kumpisal niya.

Nakita niyang napangiti ang kanyang mama habang kumunot naman ang noo ng kanyang papa. Tiningnan pa siya nito bago nagsalita.

"Hindi ka naman sinupladuhan ng kuya mo?" anito.

"Oscar," pakikisali narin ng kanyang mama.

Umiling siya. "Hindi naman po."

Alam niyang alam ng kanyang magulang na medyo naging malayo silang dalawang magkapatid sa isa at isa. Nahahalata iyon ng mga ito sa kung papaano makitungo sa kanya ang kanyang kuya OJ.

"Hmmm... Mag almusal ka na, anak. May nailuto na ang mama mo." ani ng kanyang papa kalaunan.

"Huwag na, pa. Sasabay na lang ako sa inyo mamaya. Iinom lamang talaga ako ng tubig kaya ako bumaba." aniya at tumayo. Nagtungo siya sa kanilang ref at kinuha ang pitsel ng tubig roon at nagsalin sa baso.

Matapos niyang uminom ng tubig ay muli siyang pumanhik ng kanilang kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog ng kanyang kuya OJ kaya naman napag desisyonan niyang maligo na. Matapos maligo ay nagbihis na siya. Inihanda niya narin ang uniporme ng kanyang kuya OJ.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon