CHAPTER 31

8K 220 19
                                    

Chapter 31

"Hindi mo na dapat iyon ginawa, kuya OJ." mahina niyang usal bago nagpahid ng luha na tumakas sa kanyang mata. Naka upo sila ngayon sa buhanginan habang dinadama ang preskong hangin at pinagmamasdan ang kalmadong dagat. Tanghaling tapat na at salamat sa lilim ng puno ng niyog ay hindi niya dama iyon. "Ayokong napapa away ka, kuya OJ."

"Hindi dapat gawin ang alin, Argo? Ang ipagtanggol ka? Putang ina. Harap-harapan kang binastos ng gagong iyon at kung sa tingin mong hahayaan ko lamang iyon puwes nagkakamali ka. Wala akong pakialam kung mapa-away ako sa napakaraming tao. Ako ang makakaharap ng mananakit sa iyo." usal nito at ramdam na naman niya ang galit nito dahil sa pag kuyom nito ng kamao.

Hinawakan niya ang kamao nito at hinaplos iyon. "Protektahan mo ako, kuya OJ pero huwag mong daanin sa dahas ang lahat ng bagay."

"Wala na akong pakialam sa mabuting usapan oras na nasasaktan ka, Argo. Tandaan mo iyan. Walang pwedeng manakit sa iyo lalo na kapag nasa tabi mo ako." seryoso nitong usal habang titig na titig sa kanyang mukha.

Siya na ang nag iwas ng tingin. Naniniwala naman siya na po-protektahan siya nito sa lahat ng bagay at napatunayan na nito iyon sa kanya sa kanilang paglalagi sa mumunti nilang tahanan. Ito ang pinagkukunan niya ng lakas at nagiging sandalan sa araw-araw. Sa bwat gabi na natutulog siya dahil sa pagkapagod at pagkahilo, nananalangin siya na sana ay magising pa siya na nakayakap sa katawan nito. Alagang-alaga rin siya nito at ito rin ang nagpapasaya sa kanya. Sa sobrang saya niya sa piling nito ay nakakadama siya ng ganang muling lumaban. Na muling sumugal sa buhay.

"Hayaan mo akong protektahan ka sa paraan na kaya ko. Hayaan mo rin na ako ang lumaban para sa iyo. Mahalaga ka sa akin, Argo at gagawin ko ang lahat mapanatili kang ligtas." anito.

Namula ang kanyang pisngi at napuno ng kakaibang bugso ng damdamin ang kanyang dibdib dahil sa mga salita nito. Kagat labi niya itong hinarap. Lumuhod siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat at hinalikan ito. Natigilan ito sa simula pero mabilis ring gumanti kalaunan.

Napakapit na lamang siya sa damit nito nang simulan nitong angkinin ang kanyang mga labi. Halos wala na silang pakialam na nasa labas sila. Ang kanilang mga atensyon ay nasa labi na ng bawat isa at sa kakaibang bugso ng init at damdamin niyong dala.

Ibinuka niya ang kanyang bibig at hinayaan itong halugbugin ang loob ng kanyang bibig. Nagpaubaya na siya rito at hinayaan itong kontrolin ang kanilang paghahalikan. Senswal pero mabagsik kung humalik ang kanyang kuya OJ. Ramdam niya ang pagkalinga roon pero hindi maitatago ang nararamdaman nitong pangangailangan para sa kanya. At iniiwan siyang naghahabol ng hininga sa bawat halik nito.

"Mahal na mahal kita, Argo." kumpisal nito nang pakawalan ang kanyang labi. Hingal lamang siyang napatitig sa gwapo nitong mukha. "Aalagaan kita sa abot ng aking makakaya."

Napaluha na lamang siya. Napakapit siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagtambol niyon. Hindi naman na kaila sa kanya iyon. Ilang ulit na iyong ikinumpisal ng kanyang kuya OJ pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng tuwa at saya sa bawat sandaling naririnig niya iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa para mapa ibig ito pero masaya siya. Mapagmahal ang kanyang kuya OJ at maswerte siya na siya ang makatatanggap ng pagmamahal nito.

Tumayo siya at hinawakan ang kamay nito. Hinila niya ito papasok sa kanilang mumunting bahay at iginiya patungo sa kanilang mumunting paliguan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa pero may nagtutulak sa kanyang gawin iyon.

Napansin niyang napalunok at natigilan ito nang hawakan niya ang laylayan ng suot nitong tshirt pero hindi siya nito pinigilan nang hilain niya iyon paitaas hanggang sa dibdib nito. Hindi na niya napagilan na himasin ang mahulma nitong kalamnan sa tiyan. Para siyang napaso sa init ng balat nito pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Gusto niyang himasin ang bawat parte ng katawan ng kanyang kuya OJ. Gusto niya itong mapaligaya.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon