CHAPTER 16

9.5K 306 83
                                    

CHAPTER 16

Napa kagat labi siya. Kinabahan siya sa narinig mula rito. "Kuya OJ, baka patayin tayo ni mama at papa kapag ginawa natin iyon." nanlalaki ang mata niyang usal.

"Mas lalo tayong mapapatay kapag hindi kapa nag bihis." anito sa aburidong boses. "atsaka hindi pa kita ngayon itatanan kaya bilisan mo na diyan." pagmamadali nito sa kanya.

Tumango na lamang siya. Kahit papaano ay parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan na hindi talaga siya nito itatanan. Kumuha siya ng maong na short at tshirt at nagbihis sa loob ng kanilang CR.

"Ano iyan?" tanong nito at pinasadahan ng tingin kanyang buong katawan. Pansin niyang nagtagal ito sa kanyang binti. Napatikhim pa ito at napalunok.

"Huh?" tanong niya rito.

"Mag hubad ka na lang kaya." inis nitong usal. "Lalabas tayo at sasakay ng motorsiklo. Lalamigin ka sa suot mong iyan."

Napakagat labi siya at kumuha na lamang ng pantalon at isinuot iyon. Nag suot rin siya ng medyas at sapatos. Muli nitong pinasadahan ng kanyang tingin ang kabuohan at hindi na nag komento. Ibig sabihin ay pumasa na rito ang kanyang suot.

"Huwag kang gumawa ng ingay sa ibaba. Nabuksan ko na ang pinto sa likod at doon tayo dadaan paikot. Ipinarada ko na sa kanto ang motor ni papa." anito. May iniabot rin ito sa kanyang helmet na tinanggap niya.

Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa kanilang gagawin. Hindi lamang sila tatakas sa kalagitnaan ng gabi, ipinuslit rin ng kanyang kuya OJ ang motorsiklo ng kanilang papa. Natatakot man dahil baka mahuli sila at mapagalitan, masaya naman siya dahil kasama niya ang kanyang kuya OJ na gagawin iyon.

"Sunod." anito. Sumunod siya ritong lumabas ng kanilang kwarto. Isinarado niya sa kanyang likod ang pinto ng kanilang kwarto at bumaba ng hagdan kasunod nito. Mahina at dahan-dahan ang kanilang mga hakbang. Habang tumatagal ay mas lumalakas ang kanyang kabang nararamdaman. Nang marating nila ang ibaba ng kanilang hagdan ay naglakad sila patungo sa kanilang kusina. Nilagpasan pa nila ang kanilang washing room at pantry area hanggang sa marating nila ang pinto palabas ng kanilang bahay.

Kagaya nga nang sinabi ng kanyang kuya OJ. Nakabukas na ang pinto roon kaya wala silang kahirap-hirap na lumabas. Tahimik nitong isinarado ang pinto at muling nagpatiuna patungo sa kanilang gate. Umikot sila sa kanilang bahay bago narating ang gate sa harap. Bahagya naring naka-awang ang maliit na gate na pasukan at labasan nila.

"Bilis." mahina nitong utos. Itinulak nito nang mas malawak ang gate pabukas at nauna na siyang lumabas. Maingat nitong isinaradoang gate bago tumango. Napangiti siya. Gusto niyang yakapin ang kanyang kuya OJ sa kakaibang galak pero pinigil niya ang sarili.

Tahimik siyang naglakad sa tabi nito. Hanggang sa marating nila ang motorsiklo ng kanilang ama na nakaparada. Nauna itong sumampa sa motorsiklo. "Angkas na."

Napangiti siya. Isinuot niya muna ang helmet na ibinigay nito bago sumampa sa motorsiklo. Wala siyang inhibisyon na yumakap kaagad katawan nito. Kagat labi niyang dinama ang init at tigas ng katawan nito. Kahit na may suot itong jacket ay ramdam parin niya ang sumisingaw na init ng makisig nitong pangangatawan.

"Ibaba mo ang pagkapit mo." utos nito.

Bahagya niyang ibinaba ang kanyang pagkakayakap. Mula ilalim ng dibdib nito ay ibinaba niya sa bewang nito.

"Baba pa." muli nitong utos.

"Ummm..." namula ang kanyang pisngi. Kapag ibinaba pa niya ang kanyang kamay ay baka iba na ang mayakap niya rito. "Okay na ito, kuya OJ." naiilang niyang ani.

"Pampa init lang sana eh." rinig niyang bulong nito. Napa iling na lamang siya. Kahit siya ay yumayakap sa katawan nito para hindi ginawin. Ramdam niya ang lamig na dala ng gabi na nanunuot sa kanyang kalamnan. Nagsisisi siya dahil hindi siya nagdala ng jacket pero masaya parin dahil nandiyan ang kanyang kuya OJ para bigyan siya ng init na kinukomporta siya.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon