CHAPTER 06

10.9K 352 61
                                    

CHAPTER 06

Tahimik na pinanood ni Argo na itayo ng kanyang kuya OJ ang kanilang tent. Minsan ay iniiwas niya ang kanyang tingin sa pawisan nitong katawan na mas nagiging kaakit-akit sa ilalim ng tirik na araw. Sa bawat pag galaw rin nito ay mas humuhulma ang mga masel nito sa katawan. Gusto niya itong pag suotin ng damit pang itaas upang hindi siya ma-distract pero baka ma-angilan siya nito dahil ito ang gumagawa ng lahat ng trabaho habang siya ay prenteng nakatayo lamang sa ilalim ng puno.

Hindi niya maiwasang mamangha sa bilis nitong mag trabaho at parang walang kahirap-hirap lamang rito imani-obra ang mga bakal na magsisilbing haligi ng kanilang tent. Maging ang mabigat at makapal na cover ng kanilang tent ay yakang-yaka lamang rin nito kung tupiin at hilain. Hindi naman siya nagtataka kung bakit. Alam niyang hindi lamang palamuti ang magandang pangangatawan nito.

Napakagat labi siya at nag iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng hiya sa isiping pinagpapatasyahan niya ang kanyang nakatatandang kapatid. Naiinis rin siya sa kanyang sarili dahil may parte sa kanyang isip ang libang na libang at natutuwa habang pinapanood itong magtrabaho ng hubad baro, pawisan, at pwersado.

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Nag init ang kanyang pisngi sa mga pinag-iisip. Palagian naman niyang nakikita ang katawan ng kanyang kuya OJ dahil sa pagiging likas nitong hubadero pero iba ang nararamdaman niya ngayon. May binubuhay sa kanyang isipan at damdamin ang pawisan nitong katawan habang nakabilad sa araw.

"Tubig! Hoy, Argo! Sinabi kong tubig!"

Napabalik sa huwisyo siya nang marinig ang sigaw na iyon ng kanyang kuya OJ. Natataranta niyang kinuha sa kanyang bag ang isang bote ng tubig at tumungo sa kinatatayuan nito at inabot rito ang bote ng mineral.

Kunot ang noo at halos magsalubong ang kilay siya nitong tiningnan. "Ano ba kasing iniisip mo ha?" angil nito at hinablot sa kanyang kamay ang bote ng mineral at inisang lagok ang laman niyon.

Napalunok siya habang pinapanood itong uminom ng tubig. May ilang patak ng tubig ang tumagas mula sa bibig nito pababa sa baba at bumagsak sa dibdib at tiyan nitong pawisan. Dahil sa moreno nitong kulay, mas pansin niua kung paano tumulo sa nangingintab nitong kakisigan ang patak ng tubig. Nag iwas na siya ng tingin bago pa siya mahuli nito.

"Oh!" anito at ibinalik sa kanya ang wala ng lamang bote. "Pagtayo na nga lang ang ginagawa mo, hindi mo pa magawa ng maayos."

"Sorry, kuya OJ." aniya.

"Bumalik ka na doon. Baka masunog pa ang balat mo, mahal na prinsesa." pang uuyam nito. Namumula ang mukha na lamang siyang tumalikod at bumalik sa ilalim ng puno.

Hindi na niya binigyang pansin ang pagsusuplado nito. Sanay na siya sa pagiging bugnutin nito at naiintindihan naman niya dahil pagod ito sa pagtatrabaho at kanina, ito pa ang nagbuhat nang halos isang oras ng mabibigat nilang mga dalahin.

Ilang minuto pa ang lumipas at naitayo na nito ang kanilang mumunting tent. Inilatag nito ang mala banig na sapin at sunod ang kanilang magsisilbing higaan. Ipinasok nito sa kanilang tent ang mga bag, mabilis rin itong lumabas at naglakad patungo sa kanya.

Sinubukan niyang huwag mapatingin sa kanyang kuya OJ pero parang may sariling isip ang kanyang mga malalanding mata at pinasadahan ng malagkit na titig ang walang pang itaas nitong katawan paakyat sa seryoso nitong mukha.

Sumilong rin ito sa puno at tumayo sa kanyang tabi. Tahimik nitong pinagmasdan ang itinayo nitong tent habang siya naman ay pasimpleng napa-pikit. Samyo niya ang pawisan nitong katawan. Napakagat labi siya. Hindi iyon mabaho para sa kanyang pang amoy. Mas naaakit pa nga siya sa maskulino nitong aroma. Lalaking-lalaki.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon