CHAPTER 29

7.3K 215 40
                                    

Chapter 29

"Anong daddy OJ!?" nanlalaking mata na tanong ng kanyang kuya OJ sa apat na taong gulang na bata na ikinangiti niya. Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha sa mukha para hindi ito mag alala sa kanya. "Daddy mo mukha mo."

"Kuya OJ naman eh. Pati bata pinapatulan." natatawa niyang usal. "Halika rito, Aiden at baka bugahan ka ng apoy ni Daddy OJ diyan."

Mabilis namang lumapit sa kanya si Aiden. Pinaupo niya ang bata sa isang kahoy na upuan. "Dito lang muna kayo ah. Tutulungan ko lang si Daddy OJ na magluto ng almusal natin tapos ihahatid ko na kayo sa mama n'yo at sigurado ako na tumakas na naman kayong dalawa." nakangiti niyang usal at ginulo pa ang buhok ng dalawa.

"Okay po ate Argo." ani Arken.

Nakyutan siya sa dalawa dahil nanahimik ang mga ito habang nakaupo sa kanilang maliit na hapag-kainan. Naaalala niya noong maliit pa sila ng kanyang kuya OJ. Ganoong-ganoon ang kanilang ginagawa kapag naghihintay sa mga baked goods ng kanyang mama. Natatawa rin siya noon dahil ginugulo ng kanyang papa ang mama niya na ikina iinis naman ng huli.

"Ang kyut nila, kuya OJ."

Nilingon naman ng kanyang kuya OJ ang dalawang bata. "Sarap kutusan noong isa." anito at itinuro si Arken.

"Kuya OJ! Huwag mo ngang patulan ang bata." pag saway niya rito at hinawakan ito sa braso. Hindi pa siya nakuntento at yumakap pa rito.

"Huwag mo ngang ipakita sa mga bata na patay na patay ka sa akin. Baka kung ano isipin ng mga iyan." anito na ikinapula ng kanyang pisngi. Bumitaw siya sa pagkakayakap.

"Sorry."

Umungot na lamang ito at kinuha ang maliit na cooler na may lamang mga isda at supot ng mga tocino, hotdog at longganisa. "Anong ipapakain natin sa mga bubwit?" tanong nito habang namimili.

"Ummm... Hotdog na lang, kuya OJ." aniya.

Kinuha naman nito ang supot ng hotdog at inabot sa kanya. "Balatan mo. Marunong ka naman sigurong mag prito, 'di ba?" tanong nito na tinugunan niya nang pagtango. "Pwede ka na pala asawahin eh."

Namula na naman ang kanyang pisngi sa kilig.

"Itong bangus naman ang para sa atin."

Magkatabi sila sa maliit nilang lababo habang inihahanda ang aalmusalin nila ng mga bata. Hindi niya alam pero ganado siyang kumilos lalo pa at may naghihintay na mga bata. Ginunting niya ang supot ng hotdog at binalatan ang mga iyon at itinabi sa isang plato.

Ang kanyang kuya OJ naman ay naghiwa ng sibuyas, kamatis, bawang at luya. Pino nito iyong ni-chop. Ang likod ng bangus naman ay hiniwa nito hanggang sa magkaroon ng parang bulsa iyon at doon nito inilagay ang mga pampalasang hiniwa. Nilagyan pa nito iyon ng kaunting asin bago ibinalot gamit ang foil.

"Mai-inlab ka na naman sa akin kapag natikman mo ito." mayabang nitong ani at kinindatan pa siya. Inilagay nito iyon sa isang plato. "I-prito mo na ang ulam ng mga bubwit. Sa labas ko na lang ito iihawin."

Tumango na lamang siya. Pagkalabas nito ay kumuha siya ng isang maliit na kawali at isinalang sa portable nilang kalan. May ihawan at lutuan silang gawa sa clay sa labas ng kanilang tahanan at iyon ang ginagamit ng kanyang kuya OJ kapag nagluluto ito.

Matapos uminit ng kawali ay nilagyan niya iyon ng kaunting mantika at prinito ang hotdog. Nabigla pa siya nang lumapit sa kanya si Arken at Aiden. "Doon lang kayo sa lamesa at baka matalsikan kayo ng mantika." aniya at binuhat si Aiden at hinila ang kamay ni Arken.

Nginitian niya ang dalawa bago binalikan ang pini-pritong hotdog at nang maluto iyon ay inilagay niya sa isang plato. Sandali siyang lumabas at sinilip ang kanyang kuya OJ na abala sa pagpaypay sa uling ng iniihaw nito.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon