CHAPTER 33

6K 186 17
                                    


Chapter 33

Mahigpit ang pagkaka-kapit ni Argo sa katawan ng kanyang kuya OJ habang tinatahak nila ang madilim na daan patungo sa kanilang bahay. Uuwi na sila. Babalik na sila sa bahay kung saan alam niyang naghihintay ang dalawang taong kahit na anong kamalian ang gawin nila ay buong puso at nakabukas ang mga bisig na tatanggapin sila.

Natatakot at kinakabahan man siya sa kung anong haharapin nila, buo na ang kanyang pasya na bumalik. Umaasa na lamang siyang may magulang pa silang babalikan at may bahay pa silang matutuluyan.

Isinubsob na lamang niya ang kanyang mukha sa malapad na likod ng kanyang kuya OJ at hinayaan ang suot nitong jacket na punasan ang kanyang mata na hindi niya namamalayan ay lumuluha na.

Nabigla siya nang ihinto ng kanyang kuya OJ ang motorsiklo nito sa tabi ng daan. Hinubad muna nito ang suot nitong helmet bago ito lumingon sa kanya. Mabilis naman siyang bumitaw sa pagkakayakap at nagpunas ng luha gamit ang likod ng kanyang kamay at hinarap ang kanyang kuya OJ.

Kahit na tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa kanila. Kitang-kita niya naman ang gwapong mukha nito na kahit na seryoso ang ekspresyon ay bumabakas pa rin ang pag aalala sa kanya. Nginitian niya ito ng matamis at hinalikan sa pisngi.

"Huwag kang mag alala, kuya OJ. Ok lang ako." pagpapaliwanag niya. Inunahan na niya ito para hindi na mag alala pa sa kanyang pag iyak. "Masaya lang siguro ako at kinakabahan kasi uuwi na tayo kela mama at papa. Sobrang nami-miss ko na sila. Pati na rin si Betamax."

Tumango naman ito. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong nito na tinugunan niya ng pag iling.

"Ayos lang ako, kuya OJ. Nakayakap naman ako sa'yo." bukod sa makapal ang suot niyang jacket na may hood, sapat na rin ang init na bigay ng katawan ng kanyang kuya OJ para panatilihin siyang mainit kahit na malamig ang gabi at ang malakas na hangin na humahampas sa kanila habang nakasakay sa motorsiklo.

"Medyo malayo pa tayo. Mag sabi ka lang kung inaantok o pagod ka na at maghahanap kaagad tayo ng inn." untag nito. Tumango na lamang siya at muling humalik sa pisngi ng kanyang kuya OJ at yumakap sa bewang nito. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa likod nito at nakangiting dinama ang komporteng dala ng init ng brusko nitong katawan.

Nabigla siya nang hawakan ng kanyang kuya OJ ang kamay niya at iginiya iyon pababa sa harapan ng pantalon nito. Mabilisan siyang pinamulahan ng pisngi nang madama ang bumubukol nitong alaga kahit na hindi pa iyon gising. "Kuya OJ..." untag niya at inalis ng kamay sa harap nito.

"Pampa-init." kaswal lamang nitong usal habang siya naman ay parang hinog na kamatis na ang pisngi dahil sa hiya. Isinubsob na lamang niya ang mukha sa likod nito. Nagpapasalamat siya at gabi na at walang kahit isang sasakyan ang dumadaan. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng kanyang kuya OJ bago nito muling patakbuhin ang motorsiklo.

Muli niyang ipinilig ang ulo sa likod nito at yumakap sa bewang. Sumagi sa kanyang isip ang dalawang bulilit na napalapit na sa kanya, maging sa kanyang kuya OJ. Mami-miss niya ang dalawa pero nangako siyang babalik siya at makikipag laro sa dalawa oras na gumaling siya. Ang dalawa ang isa sa mga rason kung bakit siya muling lalaban. Ang dalawa ang nagmulat sa kanyang mata na mapalad siya at hindi niya dapat sayangin iyon. Maraming may sakit ang naghahangad na mapunta sa kanya kalagayan na may kakayahan ang pamilya na ipagamot siya. Nagpakabulag siya sa takot pero ngayong malinaw na niyang nakikita ang lahat, itatama niya ang bagay na dapat itama at magsisimula siya sa paghingi ng pasensya sa kanyang mga magulang.

Muli siyang napalunok at pinigil ang luha na nagbabadya na namang pumatak. Hindi siya dapat matakot dahil nangako ang kanyang kuya OJ na sasamahan siya sa lahat ng bagay, na lagi lamang itong nasa likod niya na handa siyang suportahan at ipaglaban. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang nito. Mahal na talaga niya ang kanyang kuya OJ.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon