CHAPTER 24

8K 250 22
                                    

Chapter 24

Nang magkamalay siyang muli, inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Wala na sila cottage, iyon ang kanyang unang naisip. Muli siyang binati ng pamilyar na kulay puting pintura ng mataas na pader at ceiling, pamilyar rin ang amoy ng malinis na kwarto at ng disinfected na unan, bedsheet at higaan. Ang aircon sa may pinaka gilid na parte ng may kalakihang kwarto, ang bintana sa kanyang gilid na may blinds pero alam niya at tanda pa niya ang garden na tanaw mula roon.

Napa pikit siya at hindi niya napigilan ang isang patak ng luha na lumandas sa kanyang pisngi. Ito ang isa sa pinaka kinakatakutan niya. Ang muling bumalik sa hospital at sa kwartong iyon kung saan iginugol niya ang kanyang kabataan ng pagod at nanghihina sa walang katapusang chemo at operasyon. Pitong taon na mula nang nakangiti siyang lumabas ng hospital na iyon matapos ang kanyang last round of chemo pero heto siyang muli, muli na namang pinupuno ng takot.

"Gising ka na pala."

Mabilis siyang napangiti nang makita ang kanyang kuya OJ na nasa tabi ng kanyang kama. Naka upo ito sa isang upuan habang naka pangalumbaba sa kanyang higaan. Magulo ang buhok nito at nakasuot ng simpleng t-shirt.

"Pa-kiss ako." kinikilig niyang ani. Luminga muna ang kanyang kuya OJ sa palibot bago tumayo at yumuko para halikan siya sa labi. Dampi lamang iyon pero sobrang sumaya na siya. "Nasaan nga pala sila mama at papa, kuya OJ?" tanong niya habang namumula ang pisngi.

"Kausap iyong dati mong doktor." simple nitong tugon at muling yumuko at hinalikan siya sa noo. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.

"Ok na ako. Sumakit lang siguro ang ulo ko, kuya OJ." tugon niya.

"Tinakot mo sina mama at papa." seryoso nitong ani. "at tinakot mo rin ako."

Napakagat labi siya. "Pasensya na. Nabigla lang talaga ako sa matinding sakit." naluluha niyang ani. Naiinis rin siya sa kanyang sarili dahil napa ikli ang kanilang outing dahil sa kanya.

"Huwag kang humingi ng pasensya. Magpagaling ka para maitanan pa kita at malahian." anito na nagpangiti sa kanya. "Nagugutom ka?"

Umiling siya. "Busog pa ako sa almusal natin kanina, kuya OJ."

"Kumain ka. May mga prutas dito." anito at kumuha ng isang apple sa basket ng prutas sa kanyang tabi. "An apple a day keeps Aleksandr away."

"Doktor iyon." nakangiti niyang pagtatama.

Nag kibit balikat lang naman ito. "Parehas lang iyon. Kapag binato ko ng mansanas ang unggoy na iyon, lalayo iyon." anito at kumuha ng maliit na kutsilyo at sinimulang balatan ang mansanas. Matapos iyong mabalatan ay hiniwa iyon ng kanyang kuya OJ at inilagay sa isang platito.

"Salamat." aniya ng iabot sa kanya nito ang platito. Kumuha siya ng isang hiwa at kumagat. "Ang tamis." nakangiti niyang ani.

"Ubusin mo iyan." anito at muling umupo sa kanyang tabi. Seryoso lamang siya nitong tiningnan. "Ako ang mag aalaga sa iyo at kutos ka sa akin kapag hindi ka sumunod." banta nito.

Napasimangot naman siya. "Grabe naman." aniya at muling kumain ng mansanas. "Bawal kaya saktan ang may mga sakit."

"Iba ako mag alaga." anito.

Napatigil sila nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kanyang mama at papa. Mabilis siyang dinaluhan ng kanyang ama. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Kumusta na ang prinsesa ko?" tnag aalala nitong tanong.

Nginitian niya ito. "Ok na ako, pa. Pwede naman na tayong umuwi." aniya.

Umiling ito. "Mamaya na, anak. Titingnan ka pa ni Dr. Rafael. Tanda mo pa siya, hindi ba?" tanong nito.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon