CHAPTER 25

7.9K 245 30
                                    

Chapter 25

When it rains, it pours.

"Pagod na ako, kuya OJ." nanghihina niyang kumpisal. Isipin niya pa lamang na muling pagdaanan ang operasyon at napakaraming chemotherapy ay pinanghihinaan na siya ng loob. Ayaw na niyang muling makulong sa apat na sulok ng hospital, ayaw na niyang muling gugulin ang kanyang mga araw na pagod, may iniindang sakit, at nagdurusa. Mas pinapatay pa siya ng gamot sa kanyang sakit kesa ng mismong kanser.

"Sshhhh... Alam ko." bulong nito. "Ayos lang na mapagod, Argo. Pero bawal kang sumuko."

Napaluha na lamang siyang muli. Hinihiling niya na sana ay ganoon kadali ang lahat na kapag lantang gulay na siya sa walang katapusang operasyon, chemo, tests at scans ay hindi pa rin siya sumusuko. Sana ganoon kadaling sabihin at labanan ang kanyang sakit.

"I will let you rest for today, Argo. Alam kong mahirap para sa iyo at sa pamilya mo itong balita. I will help you again, Princess Argo." ani Doktora Rafael.

Napakagat siya ng labi at napatingin sa mukha ng doktora. Kita niyang nalulungkot at nasasaktan rin ito kahit na pilit iyong itinatago ng doktora sa propesyonal nitong postura.

"I wanna see you tomorrow. Okay?"

Hindi siya tumugon sa doktora at ibinuro niya lamang ang kanyang mukha sa dibdib ng kanyang kuya Oj. Ayaw niyang makita na mabigo ang kanyang doktora kapag umiling siya at tumanggi sa mga gamot at operasyong plano nitong ibigay sa kanya.

"Pwede bang simulan na natin ngayon, doktora?" tanong ng kanyang papa na nagpa iyak lalo sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang ama na malungkot ang mukha.

Umiling ang doktora. "Kausapin nyo muna si Argo, Oscar." suhestiyon nito. "He needs you all now more than the treatment."

Natigilan ang kanyang papa at talunang tumango. Iyak lamang nang iyak ang kanyang mama na nakayakap rito. Sobra siyang nasasaktan na makita ang kanyang magulang sa ganoong estado at mas winawarak niyon ang kanyang puso sa kaalamang siya ang dahilan niyon.

"Maiwan ko na kayo." ani ng doktora.

Nang makalabas ang doktora ay mabilis na nagtungo sa kanya ang kanyang mama at niyakap silang dalawa ng kanyang kuya OJ. Humahagulgol ito ng iyak. Mas nasasaktan pa ito sa kanya. Totoo nga ang sinasabi nila na mas malaki pa ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak kesa sa sarili nito.

Gusto niyang lumaban para sa kanyang kuya OJ, mama at papa pero napanghihinaan na siya ng loob. Ayaw niyang mamatay ng na nasa loob ng kanyang kwarto sa hospital. Ayaw niyang mamatay na mahina, may iinindang sakit at nakaratay sa higaan niya. Kung papatayin man siya ng kanyang sakit, gusto na lamang niyang gugulin ang natitira niyang mga oras na masaya sa piling ng kanyang kuya OJ at magulang. Gusto niyang mamatay ng masaya. Hindi naman iyon sa pagmamalabis, hindi ba?

"Umuwi na muna tayo, Argo. Ipagluluto kita ng paborito mong lumpia. Gusto mo iyong may halong patatas, 'di ba?" lumuluha nitong ani habang sinusuklay ang kanyang itim na buhok gamit ang daliri nito. "Bibili rin tayo ng paborito mong ice cream na strawberry ang flavor. Tapos papanoorin natin mamayang gabi ang paborito mong palabas na SpongeBob. Gagawin natin ang lahat—" hindi na nito naituloy ang sinasabi matapos pumiyok at napaluha na lamang.

Napaluhod ito sa tabi ng kanyang higaan at mabilis na dinaluhan ng kanyang papa. Binuhat nito ang kanyang nanghihinang mama. Lumuluha para sa kanya. "Tama na, mahal." pag aalo ng kanyang papa.

"Ang sakit lang, Oscar. Bakit si Argo pa? Bakit ang anak pa natin? Kabayaran ba ito ng mga naging kasalanan natin? Kung oo, ayaw ko ng ganito. Patigilin mo ito, mahal. Parang awa mo na." umiiyak nitong ani.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon