CHAPTER 37

6.4K 163 26
                                    

Chapter 37

"Mahal, gising na."

Nagising si Argo dahil sa boses na iyon at pagmulat niya ay ang gwapong mukha kaagad ng kanyang kuya OJ ang bumungad sa kanya. Mabilis na nagising ang kanyang tulog na diwa.

"Nandiyan na sina mama at papa. Hinahanap ka." anito at bahagya pang hinimas ang kanyang pisngi.

Napangiti siya at dahan-dahang bumangon. Iniabot nito ang kamay nito sa kanya na kanya ring mabilis na tinanggap at magkahawak ang kamay sila nitong bumaba ng hagdan kung saan naabutan nilang dalawa sa sala ang kanilang mga magulang.

"Ma, pa." untag niya at yumakap at humalik sa pisngi ng dalawa habang nilalaro naman ang paa niya ni Betamax. "Hello rin sa'yo, Betamax." natatawa niyang bati.

"Nagugutom ka na, prinsesa ko?" tanong ng kanyang papa.

Umiling siya bilang tugon pero para sa kanyang mama, ang ibig sabihin niyon ay "oo" dahil maagap itong tumayo.

"Lulutuan ko kayo ng merienda ng iyong kuya OJ." anito at mabilis na nagtungo ng kusina.

"Hindi ba napapagod si mama? Lagi na lang siyang nagluluto para sa atin." aniya at umupo sa tabi ng kanyang papa at kinuha si Betamax sa sahig na mabilis ring lumipat sa kandungan ng kanyang papa Oscar.

Napatawa na lamang siya. Umupo na rin ang kanyang kuya OJ sa pang isahang sofa at nakinuod sa Basketball game na ipinapalabas sa telebisyon.

"Hindi napapagod iyang mama mo. May resistensya pa nga iyan mamayang gabi eh." ani ng kanyang papa na may nakalolokong ngiti sa labi habang nilalaro ang tuwang tuwa na si Betamax. "Atsaka gustong-gusto ng mama mo ang ginagawa niya. Malalaman mo iyan kapag may pamilya ka na, prinsesa ko."

Napangiti siya.

"Biro lang. Kapag mag aasawa ka. Dapat siya lagi ang magsisilbi sa iyo. Sumbong mo sa akin kapag pinagtrabaho ka." ani ng kanyang papa na nagbabanta ang tono.

"Papa naman eh. Si mama nga pinapagtrabaho mo sa bahay eh." pagrarason niya.

"Iba ka sa mama mo. Ang mama mo, sanay iyan sa trabaho at hindi iyan mapakali kapag walang ginagawa sa bahay o sa kusina pati na rin sa kwarto hehehe." ani ng kanyang pilyong papa na bahagya pang tumawa sa pinagsasabi nito.

"Pag gumaling ako, gusto ko mag trabaho." aniya. "Kahit na sa bahay lang ako."

"Hindi pwede. Bawal magtrabaho ang prinsesa ko." kontra ng kanyang papa. "Atsaka kung ang kuya OJ mo ang gusto mo at kung magiging kayo man sa huli, kailangan munang patunayan ng kuya OJ mo na kaya ka niyang alagaan at protektahan." ani ng kanyang papa at binigyan pa ng masamang tingin ang kanyang kuya OJ na tahimik lang na nanunuod pero alam niyang naririnig nito ang kanilang pinaguusapan.

Mabilis na namula ang kanyang mukha sa sinabing iyon ng kanyang papa. Napakagat labi siya.

"Inalagaan niya ako dati at siya ang nagbantay sa akin." pagrarason niya.

"Alam ko, prinsesa ko. Pero, ibang usapan na kapag gusto na ninyong bumuklod at bumuo ng isang pamilya." seryoso nitong ani.

Natahimik siya at napalingon sa kanyang kuya OJ na tahimik lang rin na nakatingin sa kanya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya sa isiping kahit papaano ay tanggap na ng kanilang papa ang kanilang pagiibigan.

"Hindi ko pa kaya na wala sa tabi ko ang aking prinsesa." dagdag pa ng kanyang papa.

"Naku, umatake na naman ang pagiging praning ng mister ko." rinig niyang pag singit ng kanyang mama na inalis si Betamax sa kandungan ng kanyang papa at ito ang pumalit. Nagpakawala na lamang ng malungkot na tunog si Betamax at nagkompromiso na lamang sa paa ng kanyang papa Oscar.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon