CHAPTER 05

12.4K 389 83
                                    

CHAPTER 05

"Oh, anak. Mag mano ka sa ninong Kristoffer mo."

Nag iwas siya ng tingin sa kanyang kuya OJ. Naglakad siya sa kanyang ninong Kristoffer at nag mano. Inakbayan siya nito.

"Ang laki na pala ng inaanak ko ah. Manang-mana kay Ethan hehehe." anito at ginulo pa ang kanyang buhok na ikinatawa ng kanyang mama at papa.

"Oo, pre. Pinaliit na bersyon ni misis." ani ng kanyang papa.

"Dumito muna kayo Kristoffer. Magluluto ako ng hapunan, sumabay na kayo ni Aleksandr."ani ng kanyang mama.

Muli siyang napalingon sa sala. Aleksandr. Ngayon ay alam na niya ang pangalan ng gwapong binatilyo na prente at tahimik na naka-upo sa kanilang sala.

"Naku, huwag na, Ethan. Napadaan lamang talaga kami rito upang mangamusta." ani ng kanyang ninong Kristoffer.

"Hindi, pare. Kilala mo si Ethan pagdating sa pagluluto. Ayaw niyan ng tinatanggihan." ani ng kanyang papa.

Napa ungot na lamang ang kanyang ninong. "Kaya ka na u-under ng misis mo eh." dagdag nito bago tumango bilang pag payag.

"Beer tayo, pre." ani ng kanyang papa at inutusan ang kanyang kuya OJ na kumuha ng dalawang bote.

Nang ibaling niya ang tingin sa kanyang nakatatandang kapatid, nakita niyang seryoso ang tingin na ipinukol sa kanya bago tumalima sa inutos ng kanilang papa.

"Kausapin mo muna doon ang kinakapatid mo, Argo." utos sa kanya ng kanyang papa.

Tumango na lamang siya bago umalis sa hapag at hinayaan ang kanyang ninong at mama at papa na mag usap. Nahihiya siyang nag tungo sa sala.

"Hi, baka gusto mong manood ng tv." bati niya kay Aleksandr. Napansin niyang mas gwapo ito sa malapitan at kagaya ng kanyang ninong, barako rin ito at sigurado siyang matangkad rin ito.

Saglit na napatingin sa kanya si Aleksandr bago tumango. "Aleksandr," pakilala nito at inilahad ang kamay.

Saglit siyang natigilan bago tinanggap ang kamay nito. "Argo," pagpapakilala niya rin habang nakikipag kamay rito. Ramdam pa niya ang init at laki ng kamay nito kumpara sa kanya.

Siya na ang unang nagbawi ng kamay dahil sa hiya. "Hindi ka naman siguro pinilit ng papa ko na samahan ako rito, hindi ba?" tanong nito sa kanya ng nakangiti.

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pag init sa kanyang mga pisngi dahil sa ngiti nito. Umiling na lamang siya bilang tugon.

"Mabuti naman." maikli nitong ani.

Kinuha na lamang niya ang remote sa kanilang tv at pinaandar iyon. "Baka may gusto kang panooring pelikula," tanong niya. "O netflix?" dagdag niya.

"Netflix and chill? Biro lang. Kahit ano na lang." anito. Hindi niya na-gets ang ibig nitong sabihin kaya inilipat na lamang niya ang tv sa sports channel dahil iyon ang madalas na panoorin ng kanyang papa at kuya.

Umupo siya sa kabilang dulo ng mahabang sofa at itinuon ang atensyon sa telebisyon na boxing ang palabas. Medyo naasiwa siya. Hindi niya talaga gusto ang mga ganoon ka pisikal na palabas, lalong lalo na iyong ufc na kung saan kadalasang duguan ang mga naglalaban.

"Not a fan of boxing?"

Napalingon siya rito at timid na ngumiti sabay iling. "Hindi eh."

Tumango ito at nagkamot pa sa baba na animo ay may interesanteng bagay na natutunan. "Pwede mong palitan kung gusto mo." anito.

Nakaramdam siya ng hiya. Bisita nila ito pero ito pa ang mag a-adjust para sa kanya. "Hindi na, ayos lang sa akin." pag tanggi niya at nginitian ito.

"For a guy you look pretty."

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon