SPECIAL CHAPTER 01

8.8K 214 49
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

I had the sweetest dream last night.

Nag aapoy ang lagnat at masakit ang katawan ni Argo kinagabihan. Muntik na naman nga siyang isugod sa ospital ng paranoid niyang papa Oscar pero kinausap ito ng kanyang mama at pinakalma. Ito rin ang umawat sa kanyang papa nang muntik na nitong sugudin ang kanyang kuya OJ nang mapansin siyang iika-ika sa paglalakad.

Wala silang ideya kung papaano nalaman ng kanilang papa ang namagitan sa kanila ng kanyang kuya OJ. Hindi ito masaya sa nangyari at maging siya na may sakit ay nasama sa panenermon nito. Hindi rin umobra sa kanyang papa ang kanyang pag iyak. Ganoon man, naiintindihan niya parin kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito.

"Uminom ka ng gamot mo mamaya, anak. Kapag nagugutom ka, tawagan mo lamang ako at ipagluluto kita ng lugaw." ani ng kanyang mama matapos siyang painumin ng gamot sa lagnat at pain reliever.

"Maraming salamat, ma." aniya at nginitian naman siya nito. "Galit pa ba si papa?"

"Lalamig rin ang ulo ng papa mo. Hayaan mo muna siya. Nabigla lang siguro siya na ang baby niya ay nagiging mapusok na." anito at hinimas ang kanyang buhok.

Napabuntong hininga siya. "Mahal ko lang talaga si kuya OJ, ma."

"Alam ko, anak at suportado ko kayong dalawa. Pero hindi mo maiaalis sa papa mo na mag react nang ganoon, napaka protektado nito pagdating sa iyo."

Malungkot siyang napangiti.

"Huwag ka nang mag alala. Ako na ang bahala sa papa niyo. Huwag mong kakalimutan ang iyong gamot ah para mabilis ka na gumaling." Humalik ito sa kanyang noo. "I love you, anak."

"I love you too, mama." ganti niya.

"Pagaling ka kaagad at para makapunta na tayo sa Palawan, anak. Hiling mo iyon sa papa mo diba?"

Tumango siya at ngumiti. "Opo, mama."

Ginulo lamang nito ang kanyang buhok at ngumiti bago lumabas na ito sa kanyang kwarto.

Tumagilid siya ng higa at nakaramdam nang lungkot na makita ang kabilang panig ng kama na hindi ukopado ng kanyang kuya OJ. Sa kabilang kwarto ito pinatulog ng kanilang papa. Parusa daw nito iyon sa kanilang dalawa dahil sa kanilang kapusukan.

Nabigla siya nang mag vibrate at umilaw ang kanyang cellphone. Inabot niya ang cellphone at nakita na may notification siya mula sa Messenger.

Oscar James Torrero sent a message.

Napangiti siya at binuksan ang mensahe.

Oscar James: Pssst... 😡

Mabilis siyang tumipa ng kanyang reply. Hindi niya maalis ang ngiti sa labi habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Argo: Hi. 🤭

Oscar James: Uminom kana ng gamot mo? 😡 Baka hindi ka makatulog kasi wala ako sa tabi mo.

Argo: Tapos na, kuya OJ. ☺️ Miss na kita.

Oscar James: Hindi kita nami-miss. 😡 Huwag mo i lock pinto mo mamaya.

Mas lumapad ang kanyang ngiti. Kahit kailan talaga ay hindi magaling sumunod sa utos ang kanyang kuya OJ.

Argo: Bawal baka may pumasok na unggoy sabi ni papa. 🤭

Sigurado siyang nanggigigil na ito dahil inasar niyang unggoy.

Oscar James: Unggoy mo mukha mo. 😡 Patay na patay ka nga sa pagka-gwapo ko eh.

Napatawa na lamang siya sa reply ng kanyang kuya OJ.

Argo: Punta kana dito, kuya OJ. 🥺

Oscar James: Mamaya. Patulugin muna natin si Mama at Papa. Baka mahuli ako. 😡

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon