CHAPTER 19

10.1K 304 74
                                    

CHAPTER 19

Napakagat labi siya. Nanghihina ang bawat parte ng kanyang katawan sa ginawa nitong pag halik. Banayad lamang iyon pero ramdam niya ang intensidad sa kung papaano laruin ng dila nito ang kanya, sa kung papaano nito sinipsip ang kanyang dila, sa kung papaano nito inangkin ang kanyang labi. Isipin niya pa lamang ang pinagsaluhang halik ay para na siyang magde-deliryo. Masyadong mainit ang halik ng kanyang kuya OJ para sa kanya.

"Maaari bang mahalikan pa kita." pakiusap nito.

Walang pag aalinlangan siyang tumango. Sa hindi niya malamang dahilan, nagustuhan niya ang kakaibang init na ibinibigay ng labi nito. Naaadik siya sa lasa ng laway nito. Gusto niya iyong muling matikman. Gusto niyang muling magpa angkin sa kanyang kuya OJ.

Muli siya nitong hinalikan. Sa pagkakataong iyon, ramdam na niya ang kakaibang gutom nito para sa kanyang mga labi. Nang maglapat ang kanilang mga labi, wala itong sinayang na sandali para ipasok sa kanyang bibig ang dila nito pero nang hindi niya naibukas ang kanyang mga labi, pwinersa siya nito sa pamamagitan ng mariing pagkagat sa kanyang ibabang labi.

"Ummmmppp..." impit niyang pag ungol at sinamantala iyon ng kanyang kuya OJ para ipasok ang dila sa kanyang bibig. Muli niyang nalasahan ang alak at laway nito. Wala siyang nagawa kundi lunukin iyon at mas nauhaw lamang siya sa ginawa. Gusto pa niya. Gusto niyang malunod sa mga halik nito.

Binati niya ang dila nito gamit ang kanya. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa. Ginagaya niya lamang ito. Nakipag sayaw ng dila siya rito. Ramdam niya ang lambot, dulas at init ng dila nito. Matapos makipag espadahan ng dila, sinipsip nito ang kanyang dila. Kagaya ng ginawa niyang paglunok ng laway nito, ginagawa rin iyon ng kanyang kuya OJ.

Kinakapos na siya sa paghinga nang pakawalan nito. Ganon din naman ang kanyang kuya OJ. Ramdam niya ang malalim nitong pag hinga sa kanyang palad na nakalapat sa dibdib nito. Para siyang mapapaso sa init ng balat nito.

Mula sa dibdib nito, ibinaba niya ang kanyang palad sa tiyan nito. Dinama niya ang bawat hubog ng batak na kalamnan doon. Matigas, mahulma, at nakapaso ang ganda ng katawan ng kanyang kuya OJ at may kung anong pwersa rin ang nagtutulak sa kanya na ibaba pa ang kanyang mga kamay sa boxers nito.

Kagat labi niyang sinunod ang pwersang iyon. Bago pa man niya maibaba ang kanyang kamay sa boxer nito ay pinigil siya ng kanyang kuya.

"Huwag, Argo. Gusto ko rin pero dapat mong malaman na kaya kong maghintay para sa tamang oras." anito.

Napayuko na lamang siya. Sobra-sobra ang kahihiyan niyang nararamdaman. Hindi siya makapaniwalang sinunod niya ang pwersang iyon. Pero hindi niya iyon sinasadya. Sobrang nag iinit narin siya. Para siyang sinisilaban at may binubuhay ang init na iyon sa kanyang kaibutaran at maging sa kanyang kaselanan.

Hinawakan siya nito sa kanyang baba at iginiya patingala ang kanyang ulo. Naluluha at kagat labi siyang tumingin sa kanyang kuya OJ. Sinsero at may kakaibang emosyon siya nitong tiningnan. "Ipangako mo sa akin, aking prinsesa. Na hihintayin mo ang oras na iyon at kapag dumating iyon, ipaparamdam ko sa iyo ang lahat ng sarap na mararanasan mo mula sa isang lalaki."

Kagat labi siyang muling tumango at sinelyuhan nito ang kanilang kasunduan sa isa na namang mainit na paghalik.

"Matulog na tayo. Hindi mo alam kung gaano mo binuo ang gabi ko, Argo." anito at hinawakan siya sa kanyang kamay. Nauna itong nahiga sa kanyang higaan at sumunod siya. Otomatikong napayakap siya sa mainit nitong katawan at isiniksik niya ang kanyang mukha sa gilid nito. Muli niyang sinamyo ang natural nitong amoy na kinakalma siya.

"Maraming salamat, aking prinsesa." seryoso nitong ani at tumagilid ng higa upang makaharap siya.

Napalunok siya bago niya tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha para muli itong halikan. Siya man ang humalik rito, ito parin ang domomina. Inangkin nito ang kanyang labi na para bang ginawa ang mga iyon para sa kanyang kuya OJ.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon