CHAPTER 26

7.1K 206 18
                                    

Chapter 26

Humigpit ang kanyang kapit sa bewang ng kanyang kuya OJ nang mabilis nitong pinaharurot ang minamanehong motorsiklo. Idinantay niya ang kanyang pisngi sa malapad nitong likod at hinayaan ang init ng katawan nito na ibsan ang malamig na hanging humahampas sa kanila. Malabo ang buong paligid sa kanyang paningin dahil sa bilis nitong magpatakbo.

Napalunok siya. Naku-konsensya siya sa ginawa nilang pagtanan mula sa kanyang mama at papa. Alam niyang malulungkot ang mga ito oras na malaman ang kanilang ginawa pero huli na para tumalikod. Nasimulan na nila at papanindigan nila iyon. Nag iwan siya ng sulat para sa mga ito at sa sulat ay ipinaliwanag niya ang lahat at humingi na rin ng kapatawaran. Gusto niyang mapasaya ang mga ito pero sa pagkakataong ito, ang kanyang kaligayahan naman ang kanyang uunahin. Alam niyang makasarili ang kanyang naging pasya pero bago man siya mawala sa mundo, gusto niyang maranasan ang maging malaya kasama ng kanyang kuya OJ. Malaya sa sakit at pag aalaga ng kanyang magulang.

Hindi niya namalayan na muling tumulo ang kanyang mga luha. Inilagay niya sa sulat na babalik siya. Hindi niya alam kung kailan pero alam niya na babalik siya para personal na humingi ng tawad at para na rin mayakap at mahagkan ang kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung tatanggapin siya ng mga ito na bukas ang mga kamay pero umaasa siya. Bago pa man siya patayin ng kanyang sakit, gusto niyang muling maramdaman ang yakap ng mga ito sa huling pagkakataon.

Ramdam niya ang pagbigat ng bag sa kanyang likod. Laman niyon ang kanyang mga gamit at damit. May dala ring bag ang kanyang kuya OJ at suot nito iyon ng pabaliktad kaya naman ang umbok ay nasa harap nito. Sa kanilang pagmamadali ay nalimutan nilang mag dala ng helmet.

Nangako ang kanyang kuya OJ na bukas, hindi na sila magkapatid. Kakalimutan na rin nila na siya ay may kanser. Gagawa sila ng mga bagong memorya na kung saan normal ang lahat at malaya sila sa kanilang napiling relasyon. Bagong bukas, bagong simula at bagong buhay. Alam niyang magiging masaya siya sa piling nito at hindi na siya makapag hintay na sumubok ng napakaraming bagay kasama nito. Pinilay at ikinulong na siya ng kanser noong kabataan niya at hindi niya muling hahayaan ang sakit na gawin iyon sa kanya sa ikalawang pagkakataon.

Tutuklasin niya ang mundo kasama ng kanyang kuya OJ at handa na rin siyang alamin ang kakaibang nararamdaman para sa nakatatandang kapatid. Hindi niya mabigyang pangalan ang nadarama pero malakas iyon. Kaya nitong tambulin ang kanyang dibdib, bigyan ng napakaraming paru-paro ang kanyang sikmura, at paikutin ang kanyang isip. Kinakabahan siya pero handa siya kung ano man iyon.

Sa ngayon, ang alam lamang niya ay hindi niya kayang wala ito sa kanyang tabi, lalo na sa pagtulog. Hinahanap-hanap niya ang presensya nito. Natatakot siya kapag wala ito. Alam niya kasing sa piling nito, siya ay ligtas at handa siyang ipag laban ng kanyang kuya OJ ng walang takot. Nauna niyang naramdaman ang kaligtasang iyon sa bisig ng kanyang papa noong siya ay bata pa pero mas tumindi iyon sa kanyang kuya OJ. Hindi na lamang kaligtasan ang dala ng bisig nito. Kaya rin nitong silaban ang kanyang kayawan sa kakaibang init. Nakapapaso pero nadadarang siya sa apoy. Gusto niyang makipag laro at hindi niya alam kung saan hahantong ang paglalarong iyon.

Huminto sila sa isang saradong bangko pero bukas parin ang ATM sa tabi nito. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa kanya. Isinubsob niya lamang ang kanyang mukha sa likod nito dahilan para mabasang kanyang luha ang damit nito. Inamoy niya rin ang natural na amoy nito na pamilyar na pamilyar na sa kanya. Lagi siyang pinapakalma niyon.

"Ayos lang ako, kuya OJ." tugon niya.

"Huwag kang mag alala. Pagkatapos kong kuhain ang naipon kong pera ay maghahanap kaagad tayo ng matutuluyan para makapag pahinga ka." anito.

"Salamat, kuya OJ." aniya. Bumitaw siya sa pagkaka kapit sa bewang nito at bumaba ng motorsiklo. Sumunod rin ito matapos na mapatay ang makina at makuha ang susi. Humarap ito sa kanya, nakaupo parin sa nakaparadang motorsiklo.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon