CHAPTER 17

9.8K 308 64
                                    

CHAPTER 17

"Sasama ka ba sa akin kapag sinabi kong magtatanan talaga tayo?" tanong ng kanyang kuya OJ.

Napatingin siya sa mukha nito. Magkatabi silang nakahiga sa kanyang higaan ngayon. Naka unan siya sa matipuno nitong braso at nakayakap sa hubad baro nitong katawan. Katatapos lamang nila lumabas para kumain ng betamax sa night market ng kanilang syudad at hindi siya makapag hintay na maulit iyong muli.

Napakagat labi siya at pinamulahan ng pisngi. "Hindi ko alam, kuya OJ. Natatakot kasi ako atsaka baka magutom lang tayo kapag umalis tayo sa poder nila mama at papa." kumpisal niya at pasimpleng suminghot sa nakaka adik na amoy ng balat nito. Dinadama niya rin ang init ng brusko nitong pangangatawan na lumalaban sa lamig na dala ng gabi at aircon sa loob ng kanilang kwarto.

"Kaya ko namang mag trabaho. Bubuhayin kita at lagi kang busog sa akin." seryoso nitong ani.

"Ummm... hindi mo naman kailangan iyong gawin, kuya OJ. Komportable na tayo dito." aniya. Kinikilig siya sa isiping itatanan siya nito. Pero kung iisipin niya at aaminin sa kanyang sarili, alam niya na sasama siya rito kapag nagkataon.

"Kailangan kong gawin iyon lalo na kung itatanan talaga kita. Alangan namang asahan kita eh hindi ka nga marunong ng kahit isang trabaho." anito.

"Grabe ka naman, kuya OJ." nakanguso niyang ani pero hindi siya nagalit, alam naman niyang totoo iyon. Hindi siya nito maaasahan sa mga trabaho lalo na kung manual iyon at kailangan ng lakas ng katawan.

"Totoo naman eh. Pang kama ka lang ata talaga." anito.

Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Ramdam niya ang pag init ng kanyang mukha sa hiya. Wala pa nga siyang karanasan sa kahit na anong sekswal na aktibidades at sinabihan ka agad siya nito na pangkama lamang.

"Kuya OJ!" pag angal niya.

"Ang ibig kong sabihin doon ay pang bahay ka lamang." anito pero hindi siya naniwala. Iba ang pang bahay sa pang kama.

"Eh wala naman akong alam na gawaing bahay bukod sa pagtulong sa pagliligpit ng hapag at pagbabanlaw ng plato para mai-load sa dishwasher." kumpisal niya.

"Edi alam mo na ngayon." anito.

Muli siyang napanguso. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang kuya OJ pa talaga ang magsasabi sa kanya niyon. Isiniksik na lamang niya ang kanyang sarili sa gilid nito.

"Argo." untag nito.

"Kuya OJ?"

"Nagbibiro lang ako. Baka isipin mo na sinasabi kong wala kang kwenta. Matalino ka at masipag pero kailangan mo ng mag aalaga sa iyo." seryoso nitong ani na ikinakilig niya.

"Ummm... Sino naman?" tanong niya.

"Ako." anito.

Napangiti siya. "Ayoko. Baka ikama mo lang ako." pagbibiro niya pero napangiwi rin siya nang lubos na maunawaan ang mga binitiwang biro. Parang gusto niyang lamunin na lamang ng lupa sa dismaya na nagbiro siya patungkol sa pakikipag sex sa kanyang kuya OJ.

"Kasama na rin iyon." tugon nito na ikinapula ng kanyang buong mukha.

"Kuya OJ naman eh." reklamo niya. "Pero kung itatanan mo talaga ako. Sasama ako sa iyo, kuya OJ. Aalagan mo naman siguro ako, hindi ba?" namumula ang mukha niyang kumpisal.

"Ituturing pa kitang prinsesa."

Kinilig siya sa sinabi nito. "Para tayong hindi mag kapatid, kuya OJ." aniya. Napapa isip siya na sana nga ay hindi na lamang sila magkapatid. Na sana ay hindi na lamang iisa ang kanilang kinikilalang magulang. Sigurado siyang magiging madali ang lahat.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon