CHAPTER 10

10.8K 303 122
                                    

CHAPTER 10

KINAUMAGAHAN...

Nagising si Argo na wala na sa kanyang tabi ang kanyang kuya OJ pero rinig niya ang paglagaslas ng ng kanilang shower mula sa CR. Bumontong hininga siya. Ramdam niya na may kakaiba sa kanyang kuya OJ. Ibang-iba ang kilos at mga pananalita nito kagabi matapos siyang mahuli na tumitingin sa larawan ni Aleksandr. Pakiramdam niya tuloy ay parang nagseselos ito at naguguluhan rin siya kung bakit naman ito magseselos.

Umikot siya ng higa at isinubsob ang mukha sa higaan. Bahagyang namula ang kanyang pisngi nang maramdaman ang mainit na parte ng higaan kung saan pumwesto ang kanyang kuya OJ. Samyo niya rin ang naiwang amoy nito doon na labis na nagpa ngiti sa kanya. Parang naaadik na nga siya sa amoy nito dahil mas nagugustuhan na niya iyon kumpara sa kanyang pabangong ginagamit.

Napa lingon siya nang bumukas ang pinto ng kanilang paliguan at iniluwa niyon ang bagong ligo niyang kuya OJ. Tanging tuwalya lamang na nakatapis sa bewang nito ang nag tatakip sa kahubdan nito. Tumutulo pa sa moreno nitong balat ang ilang butil ng maligamgam na tubig nitong ipinampaligo at may ginigising na init ang imahe nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

Dumako ang tingin niya sa mukha nito at nakita niyang nakatitig rin ito sa kanya, pero hindi sa kanyang mukha, kundi sa kanyang tiyan. Medyo tumaas ang kanyang suot na tshirt dahilan para lumantad rito ang kanyang tiyan. Agaran niyang kinuha ang kanyang kumot at tinakpan iyon.

Natigil ang pag titig nito at nag iwas ng tingin. Itinuon nito ang atensyon sa damitan at inilabas ang naka hanger na uniporme. "Ano, hihilata ka na lang diyan?" anito nang hindi lumilingon sa kanya. Napa nguso siya sa pa almusal nitong pag susuplado.

"Good morning rin, kuya OJ." aniya na lamang at tumayo. Inayos niya muna ang kanilang hinigaan bago nagtungo sa kanilang paliguan.

Pagkatapos niya maligo ay wala na ang kanyang kuya OJ sa kanilang kwarto. Mabilisan siyang nag bihis. Nag spray pa siya ng paborito niyang pabango sa kanyang leeg at nag lotion. Saglit rin siyang tumingin sa salamin at nang makitang maayos na ang kanyang hitsura ay nagtungo na siya sa kanyang study table para kunin ang kanyang bag ngunit wala na ito roon.

Lihim siyang napangiti bago lumabas ng kanilang kwarto at bumaba sa hapag kung saan naabutan niya ang kanyang mama, papa at kuya OJ na hinihintay siya para mag almusal.

"Mukhang blooming ang prinsesa ko ngayon ah." bati sa kanya ng kanyang papa na nginitian niya bago umupo sa tabi nito. "May boyfriend ka na?" tanong pa nito.

Namula ang kanyang mukha. "Papa naman." pag saway nya rito. Napatingin siya sa kanyang kuya OJ na mukhang bagot na bagot.

"Hindi ka pa pwedeng mag boyfriend." ani rin ng kanyang papa kalaunan. "Baka mabuntis ka nang maaga."

Nanlaki ang kanyang mata at namula ang mukha. "Papa naman." inis niyang ani. "Mama oh." pag hingi niya ng saklolo sa kanyang mama na tinitingnan rin ng masama ang kanyang tumatawang papa.

"Oscar!" saway ng kanyang mama at kinurot pa ang kanyang papa sa tagiliran nito. "Kumain na kayo. Sasabay ako sa inyo mamaya dahil may pupuntahan kami ng papa niyo."

Nagsimula na silang kumain ng almusal. Tahimik lamang sila ng kanyang kuya OJ na kumain habang ang kanilang magulang ay nag uusap. Tutusukin na sana niya ng tinidor ang natirang chicken nugget nang maunahan siya ng kanyang kuya OJ. Sinundan niya ng tingin ang tinidor nito. Nag iwas siya ng tingin nang makita siya nito.

Nabigla siya nang ilagay nito sa kanyang plato ang chicken nugget. Nag init ang kanyang pisngi sa ginawa nito at nakangiting kinain iyon. Tiningnan niya ito at nakitang abalang-abala lamang ito sa pag ubos ng dalawang magkapatong na pancake sa plato nito. Nag tataka talaga siya na kahit sobrang dami nito kumain ay hindi ito tumataba.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon