CHAPTER 23

8.4K 248 51
                                    

Chapter 23

Napakagat labi siya sa narinig. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata sa kakaibang kasiyahang nararamdaman. Bukod sa matinding bugso ng damdamin, kinakabahan din siya sa magiging reaksyon ng kanyang mama. Natatakot siyang baka pigilan nito ang kanilang relasyon at ayaw niya iyon. Hindi niya kayang mahiwalay sa kanyang kuya OJ.

Narinig niya ang mahinang pag tawa ng kanyang mama. "Para ka talagang papa mo. Napakadali niyong basahin lalo na kapag nagmamahal at nagseselos. Teka nga, hindi ka sigurado?" pagka klaro nito.

"Hindi ko alam ang dapat sabihin, ma." kumpisal ng kanyang kuya OJ. "Magagalit ka ba sa akin? Kapag sinabi kong, sigurado na ako na mahal ko na si Argo?"

Bahagya niyang iminulat ang kanyang mata at nakita niya kung papaano umiling ang kanyang mama. Malabo man dahil sa luhang hindi pa bumabagsak kita at aninag niya pa rin naman ang dalawa. "Hinding-hindi ako magagalit sa iyo, OJ anak, dahil lamang sa nagmahal ka. Nagkataon nga lamang na sa kapatid mo pero sino ako para husgahan ka gayong nahulog rin ako sa inyong papa na aking tito."

Nakita niya kung papaano nag pahid ng luha ang kanyang mama at nakita niya rin kung papaano nahabag ang kanyang kuya OJ. Matigas ito at matapang pero lumalambot at tumitiklop ang kanyang kuya OJ pagdating sa kanilang mama. Katulad ito sa kanyang papa na sumusunod kaagad sa utos at gusto ng kanilang mama.

"Wala akong karapatan, anak pero bilang ina ninyo, may karapatan akong magsalita at magbigay ng aking saloobin." hinaplos nito sa buhok ang kanyang kuya OJ, sinuklay iyon gamit ang mga daliri nito. "Kung may gusto ka talaga o mahal mo na talaga si Argo. Hahayaan kita, OJ."

Hindi na niya napigilang mapaluha. Pansin niyang natigilan rin ang kanyang kuya OJ. Tanging ang liwanag lamang ng buwan na tumatagos sa nakabukas na bintana ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kanilang cottage pero kitang-kita niya ng malinaw ang mukha ng kanyang kuya OJ at mama. Kita niya ang pagmamahal sa mata ng kanyang mama at kita niya ang saya sa kanyang kuya OJ.

Ngumiti ang kanyang mama. "Pabor na pabor ako sa iyo para kay Argo, anak. Nakita ko kung papaano mo prinotektahan at minahal ang iyong kapatid noong bata pa kayo at alam kong ipagpapatuloy mo iyon ngayong pareho na kayong binata. Ipangako mo lamang sa akin, OJ na huwag na huwag mong sasaktan ang damdamin ng iyong kapatid dahil mas masasaktan ako kapag nangyari iyon."

Pareho silang lumuluha ng kanyang mama habang binibitiwan ang mga katagang iyon. Humahanga siya sa kanyang mama dahil kahit na nakakalito para sa inang katulad nito ang sitwasyon nila ng kanyang kuya OJ, napili parin nitong suportahan sila at higit sa lahat ay unahin ang kanilang mga nararamdaman imbes na sarili nito.

Tumango naman ang kanyang kuya OJ.

"At kung mamahalin mo man si Argo, ipangako mo sa akin na magtitira ka ng kaunti para sa iyong sarili, OJ. Hindi ko gustong makitang isuko mo ang iyong sariling kaligayahan at buhay para lamang kay Argo. Kung mamahalin mo si Argo, mahalin mo siya sa paraang hindi ka masasaktan. Pareho ko kayong anak. Pareho ko kayong mahal at parehong kapakanan ninyo ang nasa aking isip." anas ng kanyang mama at hinaplos ang pisngi ng kanyang kuya OJ.

"Ayokong gumaya ka sa iyong papa na ibinuwis ang kanyang buhay para sa akin. Hanggang ngayon ay binabangungot parin ako sa mga tagpong iyon. Hindi nyo alam kung gaano ako natakot at nasawi nang mawalan ng buhay ng panandalian ang inyong papa. Halos isumpa ko ang sarili ko nang sandaling iyon. Kasalan ko iyon at hindi ko kayang mabuhay na wala ang inyong papa at mas lalong hindi ko kayang mabuhay sa isiping ako ang naging dahilan ng kanyang naging kamatayan. Hindi iyon ang depinisyon ng pagmamahal na gusto kong matutunan mo, OJ. Hindi batayan ang pagbubuwis ng buhay para malaman mong mahal ka ng isang tao. Sapat na ang presensya mo sa kanyang tabi." huminga muna ng malalim ang kanyang mama bago nagpatuloy.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon