CHAPTER 27

7.1K 210 16
                                    

Chapter 27

Nang magising si Argo kinabukasan ay napangiti kaagad siya. Magkatabi pa rin sila ng kanyang kuya OJ sa higaan. Nakayakap siya rito at nakaunan sa braso nito. Magkaharap sila kaya ang kanyang mukha ay nakasubsob sa matipuno nitong dibdib. Balot ang kanilang katawan sa manipis na kumot ng inn na kanilang tinuluyan. Malamig man sa kanilang kwarto dahil sa aircon, hindi niya iyon alintana. Sapat na ang hubad barong katawan ng kanyang kuya OJ para panatilihin siyang mainit at hindi giniginaw.

Imbes na bumangon ay dinama niya na lamang ang sandali. Gusto niya ang ganoong pwesto. Ramdam niya ang init nito at ang dalang kaligtasan ng matipuno nitong katawan. Alam niyang palaging nasa tabi niya ang kanyang kuya OJ para panatilihin siyang ligtas. Po-protektahan siya nito gaya ng pagprotekta nito sa kanya noong mga bata pa sila.

Nabigla siya nang gumalaw ito at niyakap siya. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito dahilan para mas masiksik siya sa katawan nito. Mas napansin niya tuloy kung gaano ito kalaki kumpara sa kanya. Halos hanggang dibdib lamang siya nito kapag nakatayo silang pareho at baka nga hindi pa siya umabot sa timbang nito. Bukod sa tangkad nito, brusko rin ang pangangatawan nito. Hindi bato-bato kagaya ng mga naggi-gym na mga lalaki, natural ang kakisigan nito na namana sa kanilang papa at medyo aktibo rin ito at pawisin kaya hindi tumataba.

"Naiipit ako, kuya OJ." daing niya dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya. Ramdam niya ang pwersa at bigat ng braso nito sa kanyang lambuting katawan. Kumpara rito, medyo mahina ng kanyang mga masel. Katamtaman lang rin ang kanyang pangangatawan. Napapaisip siyang dala na rin siguro iyon nang pinagdaanan niyang chemo noong bata siya, hindi tuluyang nakarekober ang kanyang katawan. Isa na rin iyon sa rason kung bakit hindi siya pinagta-trabaho. Kung ang papa niya nga lang ang masusunod ay kapag natapos siyang mag aral ay mag travel na lang daw siya at mag enjoy.

Niluwagan naman nito ang pagkakayakap sa kanya. "Nagugutom ka?" tanong nito sa kanya.

"Oo, kuya OJ." tugon niya. Hindi pa naman talaga kumakalam ang kanyang sikmura pero ayaw na niyang hintayin iyon. Gusto niyang mag almusal kasama ito.

"Anong gusto mong kainin? May sandwich pa pala akong binili kagabi kaso baka hindi ka mabusog doon." anito.

"Kain na lang tayo sa labas, kuya OJ. Please." pakiusap niya at tiningala niya pa ito para pungayan ng kanyang mga mata.

Napa ungot ito. "Sige. Mag bihis ka na at susunod ako."

"Yehey. Salamat, daddy OJ." biro niya at bahagyang bumangon para padampi itong halikan sa labi.

Kumunot naman ang noo nito at tumalim ang tingin. "Huwag mo nga akong tawaging daddy."

"Daddy." muli niyang pang aasar. Nagiging komportable na siyang alaskahin ito dahil sa nasanay na siya sa ugali nito at nitong mga nakaraang araw simula nang maging sila ay nabawasan ang pagiging bugnutin nito. "Daddy Oscar James."

"Okay, baby." namula ang kanyang pisngi sa pag tawag nito sa kanya ng "baby," medyo malumanay at halos pabulong iyon na kumawala sa bibig ng kanyang kuya OJ. Napaka erotiko nang dating at para siyang inaakit. "Gusto mong makipag laro, baby?" nakangisi nitong ani.

"Kuya OJ!" daing niya at kumuha ng unan at niyakap iyon nang mahigpit at binuro ang kanyang namumulang mukha.

"Mahiyain ang baby ko? Lapit ka kay Daddy at gagawin kitang Mommy." anito.

"Ehhhh! Kuya OJ naman eh!" asiwa niyang ani at itinatago ang kanyang nag iinit na kaselanan gamit ang yakap na unan. Masyado iyong senswal para hindi siya maapektuhan.

"Ano, tatawagin mo pa akong Daddy?" tanong nito.

Umiling siya. Napakagat labi siya sa hiya dahil natikman niya ang sarili niyang gamot mula rito.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon