CHAPTER 28

6.7K 210 5
                                    

Chapter 28

Pag gising ni Argo ay wala na sa kanyang tabi ang kanyang kuya OJ. Nakaramdam siya nang takot kaya mabilis siyang bumangon na kanya namang pinagsisihan dahil nakaramdam siya nang matinding pagkahilo. Mula sa pagkahilo ay napalitan iyon nang matinding sakit ng ulo.

"Kuya OJ!" hiyaw niya sa sakit at napakapit sa manipis na foam na kanilang hinigaan na nakapatong sa isang papag na gawa sa kawayan. "Ang sakit!" lumuluha na niyang usal.

Mula sa kanilang lababo ay narinig niya ang mabilis at mabibigat na yabag ng kanyang kuya OJ at hinawi nito ang kurtina na tumatakip sa kanilang kwarto. Naabutan siya nitong umiiyak dahil sa sakit. Agaran rin siya nitong dinaluhan.

"Ang sakit, kuya OJ." pagsusumbong niya rito habang sinasapo at halos sabunutan na ang kanyang ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Pakiwari niya ay nilalagare ang kanyang ulo at umiikot pa ang kanyang nanlalabong paningin.

Niyakap siya nito at ipinalibot na rin niya ang kanyang braso sa batok nito at umiyak na lamang sa balikat nito. "Shhhh... Gusto mong dalhin kita sa hospital?" nag aalala nitong tanong sa kanya.

Umiling siya at umiyak na lamang. "Ayoko, kuya OJ."

Wala na itong nagawa kung hindi ang yakapin siya nang mahigpit at siya naman ay iniyak na lang ang nararamdamang sakit. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil bigla na lamang nagdilim ang kanyang paningin.

Nang magising siya at magmulat ng mga mata. Ang seryosong mukha ng kanyang kuya OJ ang bumungad sa kanya. Mapait niya itong nginitian. Magkaharap sila na nakahiga sa kanilang higaan at maliwanag na ang buong tahanan nila dahil sa nakabukas na bintana.

"Ayos ka na?" tanong nito sa nag aalalang tono. Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi na nagpainit sa kanyang mukha sa kilig.

Tumango na lamang siya. "Nabigla lang siguro ako sa pagbangon, kuya OJ." pagsisinungaling niya kahit na alam naman nilang dalawa ang tunay na rason sa pagsakit ng kanyang ulo.

"Mabuti naman. Nagugutom ka na?" tanong nito at patuloy pa rin sa paghimas sa kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay nito. "Nagluto ako ng paksiw na isda. Nabili ko sa kapit-bahay natin at may mga gamit sa kusina rin dito na naiwan siguro ng mga naunang umupa."

Napangiti siya. "Masarap ba ang luto mo, kuya OJ?" tanong niya rito. Hindi na siya makapag hintay na matikman ang luto nito. Noon kasi sa kanilang camping ay ihaw lamang ang ginawa nito.

"Mas masarap ako sa niluto ko." anito.

"Niloloko mo naman ako, kuya OJ eh." namumula ang pisngi niyang reklamo at napanguso pa.

"Bumangon na tayo para matikman mo ang niluto ko tapos ako naman ang sunod mong tikman atsaka mo ikumpara kung ano o sino ang mas masarap."

"Kuya OJ talaga." naiiling na lamang niyang turan. Humalik muna siya sa labi nito bago bumangon. Sumunod rin naman ito pero bago siya lumabas ay iniligpit muna niya ang kanilang higaan.

Hindi man ganoon kalambot ang kanilang higaan. Hindi naman niya maikakaila na masarap ang kanilang naging tulog. Malamig sa kanilang kubo kapag gabi dahil sa nasa tabi lamang sila ng dagat. Malakas at presko ang hangin at dama niya iyon na nanunuot sa manipis nilang kumot. Pero bukod doon, ang init ng bruskong katawan ng kanyang kuya OJ na nakayakap sa kanya ang pinaka dahilan ng mahimbing niyang tulog.

Maaga silang natulog kagabi dahil na rin sa kapwa sila pagod sa mahabang biyahe at medyo nahihilo rin kasi siya.

Matapos maayos ang kanilang higaan ay lumabas siya sa kanilang kwarto at naabutan ito na naghahain ng kanin sa isang plastic na plato. May nakahain na rin na paksiw na isda na nakalagay sa isang maliit na lalagyan. May dalawang plato na kapwa rin gawa sa plastik ang naka pwesto sa maliit na lamesang gawa sa kawayan.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon