CHAPTER 12

9.8K 299 139
                                    

CHAPTER 12

"Kadiri ka naman. Umalis ka nga sa kandungan ko. Halik pa nang halik." pag susungit sa kanya ng kanyang kuya OJ.

Nginitian niya lamang ito kahit na naka-kunot ang noo nito na halos mag dikit na ang makapal nitong kilay. Masama ang tingin nito sa kanya pero wala siyang takot na naramdaman. Alam niyang ayaw lang nito ng madrama kagaya niya.

"Awww..." pag aalo niya rito. "Nagsusuplado na naman siya. Kiss nalang kita ulit." at muli niya itong hinalikan sa pisngi.

Matapos iyon ay umalis narin siya sa kandungan nito dahil medyo hindi na siya nagiging komportable. May matigas kasi na bagay na unti-unting nabubuhay siyang naupuan at natutusok niyon ang sentro ng kanyang pang upo. Napakagat labi siya dahil alam niya kung ano ang matigas na bagay na iyon.

Masama parin ang tingin nito pero nginitian na lamang niya. Kinuha pa nito ang kanyang unan at itinakip sa kandungan nito. "Huwag ka ngang sumampa na lang sa akin nang bigla." reklamo nito at tumayo at nagtungo sa kanilang CR.

Napa iling na lamang siya at hindi pinansin ang pag susuplado nito. Normal na para sa kanya ang pagiging bugnutin pero ang regaluhan siya nito ng alagang tuta? Habang buhay niya iyong tatanawin.

Umupo na lamang siya sa kanilang sahig at bahagyang yumuko upang maharap ang tuta na naka upo at nakatingin sa kanya.

"Betamax..." pag tawag niya sa kulay puting tuta. Tipikal na asong pinoy iyon. Medyo may kapayatan pero malinis naman dahil makintab ang maputing balahibo nito. "Lapit ka sa akin, buddy." pag aalo niya at inilahad pa niya ang kamay sa tuta.

Walang pag aalinlangan namang lumapit sa kanya ang tuta at inamoy ang kanyang kamay. Hinayaan niya ito para makilala siya. Ilang saglit lamang ay inilabas na nito ang dila at kumakawag ang buntot na tumalon sa kanya. Sinalo niya ang tuta at niyakap.

"Awww... I love you kaagad, Betamax." at hinalikan ang tuta sa itaas ng ulo nito. Nahalata niyang bagong paligo ito dahil amoy sabon pa. "Medyo mahaba ang name mo pero pwede narin ang Baby Bet or Bet-Bet."

Napatingin siya sa tiyan ng tuta nang kargahin niya ito na parang sanggol. Lalaki ang kanyang bagong alaga. Napangiti siya. Halos puro na lamang sila lalaki sa kanilang bahay. Muli niyang ibinaba si Betamax at hinayaan niya itong maglaro sa sahig ng kanilang kwarto.

Libang na libang niyang pinanood ang masiglang tuta na tumakbo-takbo at laruin ang kanyang tsinelas. Sobrang saya niya at ramdam niya ang kanyang dibdib na gumiginhawa habang pinagmamasdan ang alagang kay tagal niyang inasam. Ang kanyang pag aalala noon na baka hindi niya maalagaan nang maayos ang magiging alaga ay nawawala. Alam niyang maaasahan niya ang kanyang kuya OJ na maging katuwang kay Betamax kahit na bugnutin ito.

Napalingon siya sa pinto ng kanilang CR nang bumukas iyon at lumabas ang kanyang kuya OJ. Napakagat labi siya na makitang naka boxer na lamang ito, pawisan at malalim ang paghinga. Inialis niya ang tingin sa katawan nito bago pa niya muling maramdaman ang pag iinit sa pagitan ng kanyang mga hita. May binubuhay kasi sa kanyang kaselanan ang kanyang kuya OJ at natatakot siyang malaman kung ano iyon.

"Bet-Bet." pag tawag niya sa alagang si Betamax na mabilis lumapit sa kanya. Napangiti siya at binuhat ang alaga. Iniharap niya iyon sa kanyang kuya OJ na may mumunting ngiti sa labi nito. Pakiwari niya ay parang nakaraos ito o naginhawaan. "Hi Daddy." aniya at ginamit ang front leg ni Betamax pang kaway.

Nanlaki ang mata nito at kumunot ang noo kalaunan. "Ano!?"

"Sabi ko, Hi Daddy." aniya at nginitian ito. Muli niyang ikinaway ang paw ni Betamax pero mukhang hindi iyon nakikita ng kanyang kuya OJ dahil sa kanya ito nakatitig ng seryoso. Napalunok pa ito.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon