CHAPTER 39

5.9K 174 11
                                    

Chapter 39

OJ

Mahigpit na hinawakan ni OJ si Argo sa kamay nito bago humalik sa labi nito. Wala na siyang pakialam kung nasa tabi lamang nila ang kanilang mama at papa. Hindi niya papalagpasin ang sandaling iyon para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Higit pa sa pagmamahal ng isang nakatatandang kapatid.

"I love you, kuya OJ." usal nito habang nakangiti.

"Mahal na mahal rin kita, Argo." bulong niya bago ito muling halikan. "Hihintayin kita. Lagot ka sa akin kapag iniwan mo ako." pagbabanta niya.

Hindi niya alam kung saan galing ang luha na pumatak mula sa kanyang mata. Hindi siya mahina. Hindi siya iyakin. Pero pag si Argo na ang pinaguusapan ay nag iiba na ang kanyang sarili at nagbabago ang kanyang mundo. May nararamdaman siya hindi niya inaakalang kaya niyang maramdaman.

"Promise." anito. Pinunasan nito ang luha niya na lumandas sa kanyang pisngi. "Hindi ako sanay na makita kang umiiyak, kuya OJ. Hindi bagay."

Napangiti siya ng mapait. "Masisisi mo ba ako? Mahal na mahal kita eh." usal niya. Niyakap niya ito.

Naramdaman niya ang maliit na kamay ng kanyang mama na sumapo sa kanyang likod. Mas humigpit lamang ang pagkakayakap niya sa maliit na katawan ni Argo bago iyon pinakawalan.

"Kung hindi man ako magtagumpay, kuya OJ. Gusto kong palagi mong isipin na ikaw lang ang lalaking gusto at mahal ko."

"Huwag mong sabihin iyan. Gusto pa kitang tumanda kasama ko." aniya. Sa huling pagkakataon ay humalik siya sa labi nito.

Ilang sandali lamang ay dumating na ang attending ni Argo kasama ang ilang mga nars. Itinulak na ng mga ito ang higaan ng nakababatang kapatid patungo sa surgery room. Ngayon na ang operasyon ni Argo. Ito na ang araw na magdidikta sa magiging kapalaran ng kapatid. Isa sa mga magiging huling laban nito sa sakit.

Sumabay ang kanyang mama sa mga iyon. Umiiyak ito habang hawak ang kamay ng kapatid. Mula sa nanlalabong mata dahil sa mga luhang hindi na pumapatak, napatingin siya sa kanyang papa. Hindi man ito nagsasalita, ramdam at kita niya sa mga mata nito na natatakot at nalulungkot rin ito. Mahal na mahal nito si Argo, higit pa sa kanya at maaring sa sariling buhay nito pero wala siyang nararamdamang inggit.

Bata pa lamang sila ni Argo ay iba na ang turing nito sa kanyang kapatid kahit na noong wala pa itong sakit. Laging ito ang inuuna nito sa mga bagay. Laging ito ang una sa atensyon ng kanilang ama. Ito ang paborito nitong anak. Pero kahit kailan ay hindi siya nakadama ng inggit. Ni minsan ay hindi siya nag isip ng masama laban sa kapatid at sa kanyang papa.

Alam niyang hindi iyon sinasadya ng kanilang papa. Sadyang kailangan lamang talaga ni Argo ng magtatanggol rito dahil hindi nito iyon kayang gawin para sa sarili nito.

Lumapit ito sa kanyang kinatatayuan at niyakap siya ng mahigpit. Doon na niya pinakawalan ang luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata.

"Ang sakit-sakit, pa. Hindi ko kaya na makita si Argo sa ganoong estado." usal niya. Dama niya ang pananakit ng kanyang dibdib. Para bang mayroong humahawak sa kanyang puso at pinipisa iyon ng sobrang higpit.

"Naiintindihan kita, anak pero tandaan mong ganyan ang epekto kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Mas masakit na makita silang nahihirapan kesa sa sarili mong paghihirap. Mas gugustuhin mo pa nga minsang ikaw na lang ang masaktan kesa sa kanila. At ayos lang ang lahat ng iyon, anak. Ang kailangan mo na lamang gawin ay tatagan ang iyong loob para sa kanila."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa ama. "Hindi ko ata kaya iyon, papa. Hindi ko kayang maging matatag lalo na kung ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob ay kinakain ng sakit, nahihirapan, at nanghihina."

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon