CHAPTER 40

7.9K 187 21
                                    

Chapter 40

Do you believe in miracles? Because I do.

Isinarado ni Argo ang kanyang laptop matapos maitipa iyon sa kanyang isinusulat na libro. Isang taon na mula nang siya ay operahan sa utak. Isang taon na nang mapagtagumpayan niya ang pinakamalaking laban niya sa sakit na kanser. Ilang buwan rin siyang sumailalim sa chemotherapy at mga therapy. Kaninang umaga lamang ay nakatanggap siya ng isang mabuting balita. Cancer free na siya mula sa mga test.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa magandang view na nasa kanyang harapan. Tanaw niya ang malawak na taniman at matataas na kabundukan mula sa terasa ng kanilang vacation house. Hindi niya naiwasang mapaluha habang nakatingin sa magandang tanawin. Ibibigay niya ang lahat makasama niya lamang si Betamax ng kahit ilang sandali lamang habang hinahangaan ang magandang tanawin.

Sigurado siyang magiging masaya ito na tumakbo sa malawak na hardin at taniman doon kasama niya at ng kanyang kuya OJ pero isang taon na ring wala sa kanila si Betamax. Nang gabing mapagtagumpayan niya ang kanyang operasyon ay siya nitong paglisan. Alam niya na si Betamax ang rason kung bakit pa siya buhay ngayon. Sa sobrang loyal at pagmamahal ng kanilang alaga ay ibinigay nito iyon para sa kanya.

Hindi niya maiwasang mapaisip sa mga sandali kung saan tahimik lamang na nakatingin sa kanya si Betamax na para bang nakikita at nadarama nito ang kanyang sakit. Kapag inaatake siya ng sobrang tinding pananakit ng ulo ay lagi itong nasa tabi niya. Naiintindihan nito ang sakit niya at hindi siya makapaniwalang inako nito iyon para sa kanya.

Marami na siyang nababasang teorya na ang mga alagang pusa at aso daw ay handang akuin ang mga masasamang mangyayari na dapat ay para sa mga amo ng mga ito.They are so loyal that they are willing to give up their life for their owners.

Kung may milagro man sa kanyang buhay. Isa doon ang tsansang makilala at mahalin si Betamax. Hindi niya na nga alam kung kaya pa ba niyang magkaroon ng iba pang alaga bukod rito. May pwestong inukupa at iniwan si Betamax sa kanyang puso at hindi niya alam kung may kaya bang pumuno doon.

Tumayo na siya sa kinauupuan bago nagtungo sa kanilang kwarto ng kanyang kuya OJ. Payapa itong natutulog sa kanilang pinagsasaluhang higaan. Kagaya ng nakasanayan na niya ay hubad baro ito. Pinasadahan niya ng tingin ang brusko nitong katawan. Isinarado niya muna ang pinto sa kanilang terasa bago ito dinaluhan sa higaan.

Yumakap siya sa mainit nitong katawan at isinubsob ang mukha sa tagiliran nito. Inamoy niya ang nakakalma nitong natural na amoy bago satispadong pumikit. Narinig niya ang pag ungot nito bago tumagilid ng higa upang yakapin siya pabalik. Ikinulong siya nito sa mainit nitong bisig. Napasubsob siya sa dibdib nito.

"Bakit ang aga mong nagising?" tanong nito sa kanya. Nadama niya ang pag amoy nito sa kanyang buhok na ipinagpapasalamat niya dahil bumalik na iyon sa dati nitong haba at pagtubo.

"Ang tagal mo kasing gumising eh." aniya.

"Napaka komportable kasi dito. Tinatamad akong bumangon." usal nito. Nadama niya ang simple nitong paglapat ng harapan nito sa kanyang binti. Napalunok siya nang madama ang matigas na kahabaan ng kanyang kuya OJ. "Pero may mas nauna pa atang magising sa atin." natatawa nitong usal.

"Mukha nga, kuya OJ. Galit na galit eh." natatawa niyang ganti. Kay tagal na niyang hindi nakakasalamuha si little OJ, nangako kasi ang kanyang kuya OJ na hihintayin siyang gumaling bago daw siya, kung gagamitin ang salita nito, pupunlaan ng lahi nito. Gayon pa man, minsan ay nakikita niya pa rin ito at nahahawakan pa kung minsan.

"Pakalmahin mo, mahal." nangaakit nitong bulong.

"Ayoko nga kuya OJ at baka lalong magalit sa akin iyan." pagtanggi niya. Nakaramdam siya ng mahinang pagkulo sa kanyang tiyan. Namula ang kanyang pisngi dahil sigurado siyang naramdaman din iyon ng kanyang kuya OJ.

BROTHER'S DESIRES [BXB] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon