CHAPTER 1

557 5 0
                                    

YAEL'S

   
   I was staring at my wife's face while she's still unconscius. Dalawang taon ko itong ipinahanap sa kaibigan ng family namin na  private investagator ngunit hindi ito natagpuan. Ang huling lead na binigay nila sa akin about sa asawa ko ay ang footage sa isang coffee shop kasama ang isang babae. Simula noon ay hindi na ito umuwi sa amin ngunit andito ito ngayon bigla na lang sumulpot sa dulo ng lupain ng hacienda ko na puro galos at walang malay.

'Ano ba ang nangyari sayo at bigla kang nawala?'

Piping tanong ko.

Nakita kong tumayo si RJ, also known as Dr. Roe June Camposano. One of my trusted friend, kasalukuyan siyang nasa hacienda ng matagpuan ang asawa ko na si Dianne, ng mga tauhan ko sa dulo ng hacienda. Isa sa mga tauhan ko na matagal ng nagta-trabaho sa akin ang nakilala ang asawa ko.

"Kamusta ang lagay niya?"

"Hintayin natin siyang  magising. Sa ngayon kailangan niya munang mag-pahinga. And when I say pahinga, she needs a lot of it. As for her injuries hindi naman malala aside from her ankle na napuruhan  yata kaya namaga."Huminga muna ito ng malalim. "Don't let her walk kapag nagising na siya. Hintayin muna na mawala ang pamamaga. We don't know what happened to her. By the way, I took a sample of her blood to test."

"For what?" Nagtataka kong tanong.

Umiling lang ang kaibigan ko atsaka niya tinapik ang balikat ko.

" Just to make sure.  Hintayin mo nalang siyang magising saka mo tanungin kung ano ba ang nangyari sa kanya. I will give you the result  after one week."

Matapos niya sabihin iyon ay lumabas na Siya ng silid. Pinakatitigan ko muna ang asawa ko nang mabuti bago ako lumabas ng silid para ihatid ang kaibigan ko.

_______________________________________

YANA'S

"Mommy~ Wake up"

"Mommy"

"Mommy"

Paulit-ulit kong naririnig ang maliit na boses na iyon. Naramdaman ko rin ang marahang pag-haplos sa pisngi ko ng isang maliit na palad na tila kamay ng isang paslit. Dahil doon ay unti-unti kong iminulat ang aking mga  mata. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa isang hindi pamilyar na silid ako at may batang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig ito  sa akin. Dahil nanunuyo ang lalamunan ko, ay  isa lamang ang naisatinig ko.

"T-tubig"

Agad itong bumaba ng higaan at tumakbo papuntang pinto habang sumisigaw papalabas ng silid.

" Yaya , Daddy !"

Hindi ko alam kung kaninong silid ako naroroon. Pero sigurado ako na hindi sa akin ang silid na ito. Sumisigaw sa karangyaan ang silid na iyon. Iniisip ko ngayon ay kung paano ako nakarating sa silid na ito. Ang huli kong natatandaan ay umalis ako ng probinsya para katagpuin ang biological father ko. Na ayon sa kabaranggay namin na si Aling Isay ay kilala daw nito ang aking ama, at dadalhin ako nito upang magkita na kami ng biological father ko. Nasa loob ako ng isang Van kasama ang ilang kababaihan, apat na lalaking maskulado at si Aling Isay. Bukod doon ay wala na akong maalala pang iba.

Nabaling ang tingin ko sa pinto ng silid ng may pumasok na isang gwapong lalaki doon. Kulang ang sabihin na namangha ako sa dating ng lalaki. Para siyang isang modelo na sa mga magazine at TV mo lang makikita. 'Ni sa hinagap ay hindi ko kailanman naisip na may makaka-salamuha akong katulad niya. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya pero kahit na ganoon ay hindi man lang mabawasan ang kagwapohan nito.

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now