CHAPTER 13

263 1 0
                                    

YAEL'S

Hininto ko ang kotse sa may guard house papasok ng subdivision. Nang makita ako ng gwardya ay nginitian at binati ako nito. Kilala ako ng mga guard na tumutoka sa subdivision dahil isa ako sa  mga kauna-unahang nagpatayo ng bahay doon.

"Balik syudad na po pala kayo, Sir. "

Ngumiti ako dito saka sumagot.

"Pansamantala lang kami dito. Sige mauna na kami."

Nakita ko pa na sumaludo ito sa akin  bago kami tuluyang maka-pasok ng subdivision. May caretaker akong kinuha para tumao sa bahay namin dito sa city kapag nasa bagiuo kami. Kaya hindi problema ang pag-lilinis ng bahay. Dahil naaalagaan naman ito.

Naka-abang na ang katiwala ko sa gate ng bahay kaya hindi na ako bumaba  para buksan ang gate ng garahe. Deretso ko ng pinasok ang sasakyan. Nang lingunin ko ang anak at si Yana ay parehong himbing na natutulog ang dalawa. Nang makababa ako ay inutusan ko si Mang Ben— ang caretaker— na kunin na ang mga gamit sa trunk ng sasakyan.  At ng makuha nito iyon ay nauna na ito  sa loob ng bahay.

"Yana, wake up. Nandito na tayo."

Ang dalaga ang una kong ginising. Bahagya lamang itong umungot bilang tugon. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan itong muli. I could see the peace in her expression while asleep. Hindi kagaya kapag gising ito.

Hindi ko mapigilan ang sarili na mapa-titig sa mukha ng dalaga. Mahahabang pilik-mata, maliit pero pointed na ilong at higit sa lahat ang perfectly shape lips nito. Napalunok ako habang naka-titig sa labi nito. Ang natural color lips nito na walang bahid ng kahit anong lip product, idagdag pa ang pagka-moist niyon.

May bumubulong sa akin na ilapat ang labi sa labi ng dalaga, ngunit hindi ko ginawa. Bahagya kong pinilig ang ulo upang mawala ang nasa isip. Hindi ko nais na matakot ang dalaga muli sa akin. Ayaw kong kamuhian pa ako nito ng husto.

Muli kong ginising ang dalaga at sa pagkakataong ito ay medyo inuga ko na ito ng bahagya. Nakita ko ang unti-unting pag-mulat nito. Nang mag-tama ang mga mata nila dahil tuluyan na itong nagising ay nakita ko rin ang gulat sa mukha nito.

"Nandito na tayo sa bahay ko." Wika ko rito. "Bubuhatin ko na lang si Sab."  

________________________________________

YANA'S

Ang mukha ni Yael ang bumungad sa akin ng magising ako. Medyo malapit ang mukha ng lalaki sa akin at bahagya ko rin naa-amoy ang mabangong hininga ng lalaki dahil sa lapit ng mukha nito sa akin.

"Nandito na tayo sa bahay ko. Bubuhatin ko na si Sab"

Narinig kong wika nito. Napatango na lang ako dito. Nasa kaliwang bahagi ko ang lalaki habang si Sab naman ay nasa kanan niya. Nang kukunin na ni Yael si Sab ay bahagya itong lumapit pa sa akin. Mas na-amoy ko ang mabangong panlalaki nitong amoy.

Hindi iyon matapang sa ilong kagaya ng iba na nakasalamuha ko. Bahagya ko itong inamoy, ngunit tila naramdaman iyon ng lalaki kaya ng makuha nito si Sab ay tumitig muna ito sa akin habang nakangisi bago umalis.

"Sumunod ka na lang."

Pinamulahan ako sa pagka-pahiya. Nais kong kutusan ang sarili dahil sa ginawa. Nauna na ang lalaki buhat ang anak nito papasok ng bahay kaya sinundan ko na lamang ito. Naka-salubong nila ang isang matandang lalaki sa hagdan ng makita sila. Gumilid ito at pina-una sila sa pag-akyat. Kitang-kita sa mata ng matanda ang galak ng tumingin ito sa akin.

"Sir, 'buti naman po at nakita niyo na si Ma'am Dianne."

Turan ng matanda. Huminto ang lalaki at tumngin dito bago sa akin.

"Hindi siya  si Dianne, Mang Ben. Bukas ko na ipapaliwanag sayo kung bakit. Sa ngayon gusto ko muna siya ipa-kilala sa inyo." He sigh. " Siya si Yana at hindi ang asawa ko."

Tumango ang matanda na tila naiintindihan nito si Yael ngunit bakas pa rin ang kalituhan sa mukha.

" Sige po, Sir. Kung may kailangan po kayo katukin niyo lang ako sa kwarto sa baba."

Paalam ng matanda sa kanila saka sila iniwan. Nag-patuloy ang lalaki sa pag-akyat pataas sa ikalawang palapag ng bahay habang nakasunod naman ako dito. Huminto ito sa isang kwarto na may nakalagay na 'PRINCESS ROOM'. Marahil ito ang kwarto ni Sab.

Binuksan nito ang pinto atsaka pumasok deretso sa kama upang ihiga ang bata.

" Sa kasunod na kwarto ang kwarto mo."

Wika nito matapos mai-ayos ng higa ang bata. Binuksan nito ang aircon ng bata at nilagay sa dim na ilaw ang kwarto. Saka sila lumabas para pumunta sa kasunod lang na kwarto ni Sab.

Malawak ang loob niyon at may malaking kama rin. Bigla niyang nilingon ang lalaki.

"Ok lang ba na sa kwarto na lang ni Sab ako matulog? Masyado 'atang malaki ang kwarto na ito para sa akin."

"Hindi pa pwede sa ngayon. Baka mag-taka ang bata kung makikita niya na lagi kang sa kwarto niya matutulog. Baka isipin niya mag-kaaway tayo kaya hindi tayo nag-tatabi. "

Sagot ng lalaki. Nagtataka akong tumingin dito.

"Ibig sabihin mag-sasama tayo sa iisang kwarto? Dito?"

"No, ofcourse not. Ayokong dagdagan pa ang kasalanan ko sayo. I know you won't like that. Kaya ang gagawin natin, pauunahin natin na patulugin si Sab sa kwarto niya para hindi niya maisip na magka-hiwalay  tayo ng kwarto. Sa masters bedroom ako matutulog."

Paliwanag nitong muli.

Bahagya akong namulang muli ng ma-realize na nag-assume agad ako na mag-sasama kami sa kwarto. Kinastigo ko ang sarili sa nagiging reaksyon ko  sa mga kilos ng lalaki. Pilit kong pina-aalalahanan ang sarili na may asawa ang lalaki at hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano para sa lalaking bumaboy sa akin.

Ngunit hindi ko alam kung paano susupilin ang sarili. Nais kong layuan ang lalaki ngunit hindi ko pa magawa dahil tinutulungan ako nito na mahanap ang totoong magulang ko kahit pa sabihin nga na hindi ko naman iyon hiniling sa lalaki.

_______________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora