CHAPTER 23

200 2 0
                                    

YANA'S

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naka-tulog. Basta nagising na lang ako na nangangalay na ako sa pwesto ko. Tumingin ako sa katabi ko na kasalukuyan pa rin na nagda-drive. Naramdaman niya siguro na gising na ako kaya lumingon siya sa akin para sulyapan ako na panadalian.

"Your up."

Sabi niya. Ngumiti ako ng bahagya. Hindi na katulad ng dati ang mga ipina-pakita ko sa kanya at sa tingin ko may nag-bago sa akin. Hindi ko palang alam sa ngayon kung ano ba 'yon.

"Hindi ka pa ba pagod? Kanina ka pa nagda-drive."

I heard him chuckled a little.

"Why? Do you want to switch?"

Nagtaka ako sa tinuran niya.

"Hindi ko maintidihan. Alam mo naman na hindi ako marunong mag-drive 'di ba?"

Doon ko na narinig ang tawa niya matapos kong sabihin 'yon.

"Ofcourse, I know. I am just teasing you."

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong reaksyon. Lalo pa at hindi ko naman nakuha ang biro niya. Tumingin na lang ako sa unahan para pagmasdan ang lugar na nadadaanan namin. Saka ko napansin na malapit na kami sa mismong bayan namin.

"Ilang oras na pala simula ng umalis tayo sa bahay mo? Para kaseng ang bilis ng byahe natin."

I said.

"It's been a, seven hours. Why? Malapit na ba tayo sa inyo?"

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

______________________________________

YAEL'S

Having a simple conversation with Yana makes me happy. Kahit pa sabihin na hindi naman mga importanteng bagay ang mga iyon. The thought of her talking to me without giving me a scared expression, is giving me hope. That maybe, her trauma from what I did, ay unti unti nang nawawala.

" Ihahatid kita sa bahay niyo saka ako magre-rent ng hotel para matuluyan ko habang kasama mo ang lolo at lola mo."

Wika ko kay Yana.

" Huwag ka nang mag-rent. Pwede ka naman sa bahay namin. May bakante naman na kwarto sa amin. Yun ay kung hindi ka naman maarte sa kwarto."

Sagot niya pa.

" You sure? Papayag ba ang lolo at lola mo?"

I asked.

"Bakit naman hindi? Ipapaliwanag ko sa kanila ang mga nangyari. Tatanggapin ka nila as bisita sa bahay."

Sabi niya pa. Hindi na ako sumagot. I really hope na matanggap ako ng pamilya niya, as a guest to their home. Dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag bigla akong naligaw sa lugar nila. It's not because I can't stand on my own feet in a very unfamiliar place. I can, and I do actually, because I know how to ask. And there is waze, I can always use. Ayaw ko lang maramdaman na, I am lost. I always got that feeling whenever and wherever I see myself standing in a unfamiliar place.

Gays at it may sound, but, lagi ko kaseng naaalala ang nangyari noong bata pa ako. Isa sa mga gabi kung saan nakita kong sinasaktan ng tatay ko si mama. Ipinag-tanggol ko siya sa tatay ko. I tried to hit him using a baseball bat. Tinamaan ko siya, pero dahil bata lang ako kaya mahina lang ang nagawa kong hampas sa kanya. I saw how my father turned to me and tried to hurt me. Pero hinawakan ni mama ang paa niya. Atsaka ako sinigawan para paalisin. My mom told me to run. Dahil sa takot ko noon ay sinunod ko ang nanay ko. I ranned out of the house. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na malaman kung nasaan ako.

Dati-rati natatakot at nanginginig pa ako kapag mapupunta ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. But now, sa paglipas ng panahon. Natutunan kong labanan ang takot ko na 'yon. I just feel lost, whenever that happened.

"Sir Yael."

Boses ni Yana ang nakapag-pabalik sa akin sa malalim na pag-iisip. Naka-kunot ang noo na nilingon ko siya. Akala ko pa naman medyo naging close na kami. But I guess I was wrong.

"Can't you just call me, Yael?" I asked.

"S-sige, Si- Yael."

Nautal pa niyang sagot.

"It's better to hear my name without the word 'Sir', from you." Nakangiti kong sabi. " So, ano pala yung sasabihin mo?"

"Pwede po ba tayong huminto sa bayan namin? Bibilhan ko lang ng mga prutas ang lolo at lola ko."

Yana said with a shy tone.

"Ofcourse." Sagot ko agad sa kanya. "Malapit na rin tayo sa bayan niyo, according kay waze. Sta. Elena, right?"

"Opo. Salamat, Yael."

Natawa ako ng bahagya sa sagot niya. Hindi nga ako tinawag na 'Sir'. Hindi naman naalis ang 'po' at 'opo' niya sa akin.

"Please, stop addressing me with 'po'. Parang ang tanda ko na tuloy kapag kinaka-usap mo ako."

I said. Nakita ko na napa-ngiti pa siya. Siguro dahil na-realize niya na ang sinasabi ko.

Nang makarating kami sa bayan nila Yana, ay itinuro niya sa akin kung saan ako pwedeng mag-park. After ko mai-park ang sasakyan ay bababa na rin dapat ako ng pigilan niya ako.

"Ako na lang ang bababa, Yael. Mabilis lang ako."

Sabi niya habang nakahawak sa braso ko. Napatingin ako doon saka ko ibinalik ang tingin sa mukha niya. I know, Yana can see me smiling. And I am. Hindi ko na kase nararamdaman ang panginginig niya habang hawak ako. At masaya ako dahil doon.

"Ok, I'll wait you here."

Sagot ko. 'Saka niya lang na-realize na kaya ako naka-ngiti ay dahil naka-hawak siya sa braso ko. Parang napapasong inalis niya ang kamay doon. I saw her blushed. Tinanggal niya ang seatbelt saka lumabas ng sasakyan. Tinanaw ko na lang siya side mirror hanggang makita ko siyang bumibili na sa fruit stall na nadaanan namin. Hindi ganoon karami ang mga stablishment pero sapat na para masabi kong nasa isang kabayana kami. May ilan akong mga nakikita na mga naka-uniporme na student. Mga driver ng tricycle at iba pang mga tao na nag-lalakad sa kalsada ng bayan ng sta. elena.

Nang muli kong sulyapan si Yana ay nakita ko na tapos na siyang bumili. Alam kong dederetso na siya agad sa sasakyan ko, pero bigla siyang huminto dahil may mga taong lumapit sa kanya.

______________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon