CHAPTER 31

173 2 0
                                    

YAEL'S

Seeing Yana happy, smiling all ears is making me feel how to be contented. Kaya kahit ayoko na sumama kami nang ayain siya ng mga kaibigan niya na maligo sa waterfalls na ito na tinatawag nilang busay, ay sumama pa rin ako. Ngayon lang ulit niya nakasama ang mga kaibigan niya, simula ng mapadpad siya sa lugar ko. Pagbibigyan ko na. Tutal aalis rin naman kami. Ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit sobrang touchy ng mga kaibigan niya lalo na yung Carlo. I don't mind her girl friend Jenn being touchy with her because they are both girls. But the man named Carlo. I don't think so.

He should know his place. I need to say it to his face. So he can rendered his action. Alam ko naman na kaya ako ganito dahil nagseselos ako sa closeness nila. Hell. I can't even deny it. Lumapit sa akin si Yana at inilahad ang kamay niya.

"Tara maligo tayo, para mawala yung pagod mo sa haba ng nilakad natin pababa dito."

Mataman ko siyang tiningnan. She is wearing a short shorts and a t-shirt. Habang ako naman ay nakasando at short lang rin. I accepted her hand. Ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan niya at iba pang naliligo doon na nakatingin sa amin. At hindi ko alam kung bakit nila kami tinitingnan.

"Why is everyone staring at us?"

I asked in her right ear. Enough for both of us to hear. She chuckle a little before she answered me.

"Naga-gwapo-han lang sila sayo."

Hindi ako naniniwala sa kanya. But I just shrugged it off. We swim and chased each other in the water. Like we are the only person that matter in our own world.

"Tara doon tayo." Tukoy niya sa may waterfalls. "May maliit na cave sa likod ng waterfalls nitong busay. Pwede tayong mag-relax doon."

Agad akong sumama sa kanya.

Yana is right.Behind the falls is a small space of cave. Baka nga mga apat na tao lang ang kasya doon. Dahil ang bandang dulo ng kweba ay ipis na lang ata ang may kayang pumasok.

"Ang ganda dito 'no? Walang ganito sa syudad."

She said. I must say that she is right. The place is really magnificently beautiful. And although the place is captivating, there is only one that can capture my attention aside from the nature. She is. I am looking at her. Mesmerized by her natural beauty. Pareho lang naman sila ng mukha ni Dianne pero sa kanya lang ako napapatitig ng ganito.

I always thought before that I won't ever experience this kind of thing. Being contented, just doing nothing but enjoying the moment with someone special to me.

_________________________________________

YANA'S

Masaya ako. Walang duda. Masaya ako na kasama ko si Yael sa mga simpleng ginagawa namin. At kahit na alam kong gustong magtanong ng mga kaibigan ko tungkol sa aming dalawa, ay pinagsasawalang bahala ko na lang muna. Dahil wala akong maisip na dahilan na sasabihin sa kanila. Sinabi ko sa kanila na boss ko si Yael, pero iba ang nakikita nila. Kaya hindi ko sila masisisi kung ano man ang naiisip nila ngayon tungkol sa akin.

Wala akong makapang pagsisisi sa mga ikinilos ko. At nawala na rin ang pakialam ko sa sasabihin ng iba, dahil naranasan ko na kung paano ba maging pinaka importante sa buhay ni Yael ngayon.

Iisipin ko na lang kung ano ang gagawin ko kapag dumating na ang asawa ni Yael. Kapag dumating na ang araw na kailangan ko ng umalis sa buhay nilang dalawa ni Sab. At kahit pa napatunayan na namin na kapatid ko si Dianne, hindi pa rin tama na mamuhay ako kasama sila. Dahil sigurado akong magiging komplikado lang ang lahat.

Hanggang makauwi kami ay hindi mawala wala ang saya na nararamdaman ko. Pero parang nananadya ang panahon dahil parang gusto nitong tapusin agad ang saya na nararamdaman ko.

Nang makauwi kami sa bahay ay biglang nakatanggap ng message si Yael galing sa mama niya.

"My mom said, that we should go back now."

He said.

"Ngayon agad?"

"Yeah. They said it's urgent."

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Naglinis lang kami ng mga sarili namin saka inayos ang mga gamit namin bago nag-paalam sa lolo at lola ko.

"Ang bilis naman. Aalis agad kayo. Kakarating niyo pa lang."

"Uuwi pa naman ulit ako, lola. May emergency lang sa bahay ni Yael. "

Wika ko dito. Mabuti na lang at nakinig na siya sa akin. Kaya ng tapos na akong mag-paalam sa kanila ay aayain ko na dapat si Yael ng lumapit siya sa lolo at lola ko. Inabutan niya ang mga ito ng pera.

"Tanggapin niyo po ito. Maliit na halaga lang para makatulong."

" 'Wag na hijo. May pera naman kami. Binigyan na kami ng apo ko atsaka may kinikita naman kami sa pagbebenta ng mga kakanin."

Tanggi ng lolo ko. Lumapit ako sa kanila. Naka-kunot noo, habang nakatingin kay Yael.

"Anong ginagawa mo?"

Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Gusto ko lang sana silang bigyan kahit kaunting pang-gastos lang. The-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinutol ko na siya.

"Hindi mo kailangang gawin yan. Hindi mo sila obligasyon. "

"I just wanted to help."

He insisted.

"Look. Mas marami pang mas may kailangan sa binibigay mo na tulong sa pamilya ko. At hindi kailangan 'yan ng pamilya  ko. "

Hindi na siya nag-pumilit. Pero ng makaalis na kami at habang binabaybay namin ang daan pabalik pauwi sa syudad ay hindi siya nag-sasalita. Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa paligid namin.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Pakiramdam ko na-offend ko siya. Dahil tinanggihan ko ang binibigay niyang tulong sa lolo at lola ko. Anong gagawin ko? Wala naman kase siyang obligasyon para mag-bigay ng pera sa pamilya ko.

Walang kami. Totoong masaya ako sa mga nangyayari sa aming dalawa. Pero hindi ibig sabihin n'on na hahayaan ko na lang siya na mag bigay ng pera sa pamilya ko. Hindi mabubura noon ang katotohanan na walang kami. May asawa siya. At nakikihati lang ako sa atensyon niya  dahil wala ang asawa. Na balang araw kapag bumalik na ang babae ay hindi rin malabong bumalik na ako sa dati kong buhay.

'Yung walang Yael at Sab na iniisip.

________________________________________

  💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now