CHAPTER 34

176 3 1
                                    

YANA'S

"Yael, ang sabi mo sa akin. Kapag nakarating na tayo dito, sasabihin mo sa akin ang reason kung bakit ka nag desisyon na pumunta tayo dito. Pwede mo na bang sabihin sa akin agad?"

Tanong ko sa kanya. Nakahiga kami sa kama at parehong walang saplot. Nagpapahinga dahil sa pagod sa mga pinag-gaga-gawa namin.

"I don't want us to go back, yet."

He said, habang banayad niyang hinahaplos ang ulo ko na nakaunan sa braso niya.

"Pwede bang maging specific ka? Bakit ayaw mo pang bumalik tayo? Ang sabi ng mama mo may urgent na nangyari."

I heard him sigh. Tiningnan ko siya sa mukha. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya na sabihin sa akin.

"They are in the hospital-"

Napaupo ako sa kama dahil sa gulat. At kahit medyo masakit pa ang pagka-babae ko ay hindi ko iyon alintana.

"Bakit sila nasa hospital? Sino ang na-admit? May nangyari ba kay Sab? O, sa mama mo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. "Dapat hindi na tayo huminto dito. Ano ba kase ang naisipan mo?"

Wika ko pa sa kanya saka nagmamadaling tumayo, nang bigla akong pigilan sa braso ni Yael. Dahilan kung bakit muntik na akong matumba. Mabuti na lang at naging maagap siya.

"Careful"

"Careful? Kailangan na nating umalis. Baka kung ano na ang nangyayari kay Sab."

"It's Dianne." Napahinto ako. "It's not Sab or Mom. They've found Dianne."

Hindi ako agad nakapag-salita.

"She's the one who is currently in the hospital. Na-rescue siya sa ginawang operasyon ng mga pulis sa hide out ng mga sindikato na kumuha sayo noon. They've mistaken her as you."

Dapat maging masaya ako dahil nakita na nila si Dianne. Pero hindi, dahil dumating na ang panahon na kinatatakutan ko. Dumating na ang araw na kailangan ko ng ibalik ang lahat kay Dianne. Dahil kung tutuusin hiniram ko lang naman sa kanya ng panandalian ang buhay na meron siya. Bilang nanay ni Sab at asawa ni Yael. Pero ngayong bumalik na siya, babalik na rin ako sa dating buhay ko. Bilang si Yana.

"Bumalik na tayo sa inyo. Hinihintay ka na ng pamilya mo." Mahina kong turan. "Baka mag-taka si Sab na bumalik na ang mama niya, tapos ikaw wala pa."

Naramdaman ko ang pag-lukob ng init sa katawan ko ng ikulong niya ako sa yakap niya. Pinipigilan ko ang maging emosyonal. Dapat rationale ako mag-isip. Pero hindi ko magawa. Nag-uulap ang mga mata ko. Pinipigilan kong humikbi. Ayoko na makita niya na nahihirapan ako. Na nahihirapan akong mag-isip ng tamang gagawin.

"Can't I be selfish for once? Pwede bang kahit dalawang araw lang yung mga sarili muna natin ang isipin natin? At hindi ang sitwasyon natin?"

Pwede ko bang gawin 'yun? Pwede rin ba akong maging selfish kahit sandali lang?

Humarap ako kay Yael.

"Pwede ba nating gawin 'yun?"

Tanong ko sa garalgal na tinig. Tuluyan na ngang pumatak ang luha ko. Agad naman iyong pinahid ni Yael. Hindi sumagot si Yael. Sa halip ay yumuko siya at ginawaran ako ng matamis na halik. Matagal na nag-lapat ang mga labi namin. Tila ayaw pakawalan ang isa't isa.

_________________________________________

YAEL'S

Binuksan ko ang ref sa kusina para mag-hanap ng maluluto. Alam kong gutom na si Yana. Pareho kami,  ni hindi ko na nga maalala kung kailan kami huling kumain. Dahil sa dami ng mga iniisip namin ay nakalimutan na namin pati ang pagkain. Kung hindi pa nga namin nag-alboroto ang mga sikmura namin ay hindi pa namin maaalala na hindi pa kami kumakain.

Nang may makita akong longganisa at bacon ay inilabas ko iyon at binabad sa tubig dahil frozen pa. Dahil parehas na kaming gutom at di kaya pang mag-hintay ay nag-toast na lang ako ng tinapay na ipa-partner ko sa bacon at longganisa.

Nang matapos kong maluto ang bacon at longganisa ay  inihanda ko na iyon sa mesa. Sakto naman ang paglabas ni Yana sa kwarto.

"Upo kana magtitimpla lang ako ng kape natin."

Wika ko pa sa kanya. Bahagya siyang ngumiti.

"Para naman akong prinsesa. Pinagsisilbihan pa."

Nginisihan ko siya.

"Dapat lang. Pinagod kita e."

"Loko."

Natatawa niyang wika.

"Anong gusto mo sa kape mo? May creamer o wala? "

"Wala. Hindi naman uso sa amin ang creamer e."

Mabilis kong tinapos ang pagtitimpla ng kape.

"Here is your coffee without cream."

Nang maibigay ko ang kape niya ay umupo na rin ako sa tabi niya. Nag umpisa kaming kumain. Masaya kaming nagki-kwentohan ng kung ano anong bagay habang kumakain.

Napag-usapan namin kanina sa kwarto na panandalian namin na kakalimutan ang mga problema. Ii-enjoy naming pareho ang company ng isa't isa. Nang walang iniisip na iba.

"Masarap ba?"

Nakangiti kong tanong na ang tinutukoy ay ang pagkain.

"Ni-prito mo lang naman 'tong  bacon at longganisa e. Atsaka nag-toast ka lang ng tinapay."

She answered teasing me.

"Ok. But, how about the coffee?"

"Pwede na."

She said while trying to suppress a smile.

"Ah, ganon?"

Tumayo ako at binuhat siya. Nilagay ko siya sa ibabaw ng mesa.

" Yael!"

Tili niya sa pangalan ko.

"Kumakain pa ako."

"Yeah? I am just asking for a little compliment. And here you are teasing me. I should give you a punishment for making fun of me."

I said sensually.

"Anong punishment ka d'yan?"

Namumula ang mukha na tanong niya.

"I think you already have an idea, what kind of punishment I have in mind?"

Lalo siyang namula. Natawa ako ng mahina.

'Cute'

My inner voice said.

"Wala ka bang kapaguran?"

Nanlalaki ang mata na wika niya.
Inilapit ko ang bibig ko sa punong tenga niya at bumulong.

"When it comes to you? Wala."

Nang tingnan kong muli ang mukha niya ay hindi ko na napigilan ang matawa ng malakas. Tinulak niya ako at nakanguso na muling bumalik sa upuan niya.

"Pinagti-tripan ako."

"You should've seen your face. Priceless."

Natatawa ko pa rin na wika.

"Nakakatawa. HA HA."

She said sarcastically.

"Kidding." Wika ko saka lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Alam ko naman na napagod ka sa byahe at sa ginawa natin. Kaya pagpapahingahin na muna kita."

Tumingin siya sa akin na ngayon ay nakangiti na.

"Baka di ka na makalakad e. May bukas pa naman."

Pahabol kong biro. Mahina niya akong hinampas sa braso. Mabilis ko naman na hinuli ang kamay niya atsaka hinalikan.

________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon