CHAPTER 44

205 2 0
                                    

YANA'S

Lahat kami ay natigilan sa sinabi niya. Tumingin ako kay Yael. Pinapahid niya ang gilid ng labi niya na may dugo dahilan nang pagkaka-suntok ni Papa.

"Anak, ano bang pinagsasasabi mo? Asawa mo si Yael. Gusto mo bang masira ang pamilya niyo? At sumasangayon ka pa talaga dito sa lalaking ito?"

Wika ni Mama sa kanya. Nang makahuma ito sa sinabi ni Ate Dianne. "Hindi ako makakapayag na sirain ng asawa mo ang buhay ng kapatid mo. Ikaw ang asawa niya, sa mata ng tao at mata ng diyos ikaw ang asawa. Ayokong marinig sa iba na tatawaging  home wrecker ang anak ko.  Mas mabuti pang ipakasal ko na lang siya kay Alex." Nanggigigil pa rin na wika ni Papa.

"Dad!" Sigaw ni Ate Dianne dahil sa gulat sa sinabi ni Papa.

"Tito Rick, sorry to butt in." Singit ni Alex. "Pero sa tingin ko dapat si Yana ang nagdedesisyon kung sino ang dapat niyang pakasalan. Hindi ako, kayo, o ang kahit na sino."

" 'Alex, stop it!" Suway naman ni Tita Ria. "Pasensya na aalis na muna kami. This is a family matters, sa susunod na lang kami bibisita ulit." Wika niya pa. Saka umalis hila hila si Alex.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanila. Gulong gulo ang isip ko. Sinisisi ko ang sarili ko. Kung pinigilan ko lang sana ang nararamdaman ko, edi sana walang gulo na nangyayari ngayon. Lumapit sa akin si Mama.

"Anak, ayaw lang namin na masira ang buhay mo. Kaya sana pumayag ka na, ipapakasal ka namin kay Alex. Para matigil na itong sa inyo ni Yael. Kase anak mali 'to. Ayaw kong maging home wrecker ka. Kapatid mo si Dianne kaya alam kong maiintindihan mo." Paliwanag niya.

Tuloy tuloy lang ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang isasagot. Sa nanlalabo kong paningin-- dahil sa luha---ay kita ko ang pag iling ni Yael. Sasagot na dapat ako ngunit bago pa man mangyari 'yun ay naunahan na ako ng isang tinig.

"Masisira ang family ko? Home wrecker? Sisirain mo po ang family ko Mommy Yana? Magiging broken family na ako?"

There is Sab, standing in my rooms open door. Her eyes is clouded by her tears. Nahabag ako sa mga tanong niya at hindi alam kung ano ang isasagot.

"No, baby. Mommy Yana is not a home wrecker." Si Yael ang sumagot sa kanya. "She's part of our family."

"Your Dad is right." Segunda naman ni Ate Dianne. "Remember? When your looking for me, because... I wasn't around. Mommy Yana came, and love you... and took care of you."

_______________________________________

YAEL'S

"Yaya kunin mo muna si Sab." Utos ni Dianne. "Anak, hindi masisira ang family natin. Madadagdagan lang. Hindi mo maiintindihan sa ngayon pero pag-laki mo maiintindihan mo rin. Sige na, sumama ka na muna kay Yaya."

Paliwanag pa ng huli. Kahit umiiyak  ang anak ko ay sumunod siya. Hindi ko alam pero parang lumakas ang loob ko na sabihin sa kanila ang nararamdaman ko, nang makaalis na si Sab.

"Hindi ako papayag na ipakasal niyo si Yana sa iba. Ako lang ang may karapatan na baguhin ang apelyido niya."

Susugudin dapat  ako ni Papa Rick nang pigilan siya ni Mama Rosenda. Samantalang hinila ko naman sa tabi ko si Yana.

" Aba't gago ka talaga ano? Ano, dalawang anak ko ang aasawahin mo. Mas lalong hindi ako makakapayag. Dadaan ka muna sa akin bago mangyari yun." Galit na galit niyang wika.

"Hindi po ako natatakot sa inyo." I said with a conviction. " I respect both of you po. But... this is the first time in my life that I felt this wonderful feelings. And, I won't let you ruin my chance. I love Yana with every bit of my being. At kung kinakailangan na itakas ko siya sa inyo para lang hindi siya tuluyang mawala sa akin gagawin ko."

Hinawakan ko ang kamay ni Yana nang mahigpit. Para maiparating ko sa kanya na wala akong balak pakawalan siya. Sasagot pa sana sila at balak dapat bawiin ni Papa Rick sa akin si Yana. Nang muling mag-salita si Dianne.

"I'm a lesbian, Mom, Dad." Simula niya. "I was really young back then, when I came to my own realization. I got scared. Kaya ginawa ko ang lahat para hindi niyo mahalata. Baka kase hindi niyo ako matanggap e. Kaya may Sab, kase nilasing ko Yael. Ni-plano kong mabuntis sa kanya para pakasalan niya ako. Pero noong manganak na ako... pinag-sisihan ko ang lahat. Hindi ko po pinag-sisihan na may Sab kami. Pero pinag-sisisihan ko ang mga ginawa ko para ikulong si Yael sa isang loveless marriage. Kaya iniwan ko siya, at ang anak namin." Umiiyak siya habang patuloy na nag-sasalita. " Alam kong hindi tama na basta ko na lang sila tinakasan. But, I really want to be my own person. Kaya pinili ko na maging selfish. I know... I know, you probably thinking that I'm a failure, a disappointment or whatever. Basta ang alam ko lang sa ngayon, ayaw ko nang maging selfish. Magdi-divorce na kami ni Yael para itama ang lahat."

Lahat ay tahimik. Maging si Yana na hawak ko pa rin ang kamay ay wala ring ka-imik imik. Habang ang mga lolo at lola naman ni Yana na nakamasid lang kanina ay lumapit sa amin.

"Apo, walang masama na mag-mahal. Wala kang dapat ika-takot lalo na at wala ka naman pa lang natatapakan na tao." Wika ni Lolo Edel kay Yana.

"Tama ang lolo mo." Sang-ayon naman ni Lola Felly. " 'Wag mo nang isipin ang iba."

Hindi makapag-salita si Yana. Tumitingin siya sa akin, sa mga magulang niya at kay Dianne.

"Pwede ba talaga akong sumaya?" Kapakuwan ay tanong niya sa akin.

Naka-ngiti akong tumango. "Mahal kita, Yana. Paulit-ulit kong sasabihin sayo 'yun. And, even if... your parents is against us, ilalaban kita, Yana. I will fight for us."

Hindi ko na inintindi ang mga nasa paligid namin. I automatically kiss Yana on the lips, after I said that. I kissed her deeply and made her feel how intense my feelings for her is... infront of his sister, grandparents, and parents. Hindi naman ako nabigo, dahil tinugon niya ang halik ko.

At bago ko pa makalimutan na may ibang tao sa paligid ay pinutol ko na iyon. Hinalikan ko siya sa noo at marahang bumulong sa punong tenga niya. "I love you."

"Mahal rin kita." Ganting wika niya naman.

Nang tumingin kami sa mga in-laws ko. Ay nakita namin ang pag-talikod nila at pag-alis. Sumunod naman sa kanila si Dianne. Pero bago 'yun ay may ni-wika muna siya. Partikular kay Yana.

"Ako na ang bahala kay Mom at Dad."
Bagama't may lungkot sa mga mata niya, ay nagawa niya iyong sabihin nang may ngiti sa labi. Parang bigla tuloy akong na-guilty dahil na preasure ko siya na mag-come out sa sitwasyon na 'to. "Be happy Yana. You deserve each other."

Matapos yun ay sumunod na siya sa magulang niya. Alam kong mahaba habang paliwanag pa ang sasabihin niya sa kanila. At ayoko ng mag-hintay pa para usisain siya. Dahil hindi naman kwento ng pagkatao ko ang isasalaysay niya sa magulang niya. Kun'di, sa kanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Yana. At ang mga plano ko para sa aming dalawa.

_______________________________________

💜
To be continued...

A/N:
Hi po sa mga silent readers na ayaw mag-comment. 😅🤣🤣🤣
Thank you po sa pagbabasa nitong kwento na ito. Ito na po ang huling chapter dahil epilogue na ang next. Kung may mga grammatical error po o kahit anong mali. Okay lang na punahin niyo ako. Dahil ang ibig sabihin lang noon binasa niyo talaga at inabangan ang istorya na ito. Muli maraming thank you po. Love you po💜
  

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now