CHAPTER 38

169 2 0
                                    

YAEL'S

Matapos kong kausapin si Dianne ay muli akong lumabas ng silid. Nakita ko naman na nakatulog na doon bench sa labas ng kwarto ni Dianne si Sab. Nakaunan siya sa lap ni mommy.

"Mom, iuwi niyo na po muna si Sab. Para makapag-pahinga kayong dalawa ng maayos."

Wika ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Galing ka rin sa byahe. Hindi ka ba pagod? Maiintindihan naman nila kung sasama ka sa amin."

"Magpapaiwan ako. Sabay kaming uuwi ni Yana. Hi-hintayin ko lang siya na matapos kausapin ang parents niya."

Tinitigan ako ni Mama. Nag-iwas ako ng tingin.

"What's the use?"

Seryosong wika niya. Bago pa ako maka-sagot ay  narinig ko na ang galit na tinig ni papa Rick.

"Yeah, what's the use? Hindi na sasama sayo ang anak kong si Yana."

"Sa amin na uuwi si Yana." Segunda pa ni Mama Rosenda. " Wala akong makitang rason para sumama pa siya sa inyo, sa bahay mo."

She said wearin' a poker face.

This is not the way they treated me before. Parang may nag-bago. I look at Yana, para makita ko na hindi niya gusto na sumama sa kanila. But the moment our eyes met, I already knew. She told them. But, why? Hindi ko maintindihan. It was suppose to be me and her.

"Naiintindihan ko po."

Wika ko na lang. Pilit kong hinuhuli ang paningin niya, ngunit hindi siya tumitingin sa akin.

"Ikaw na lang ang mag-bantay kay Dianne. Tutal asawa mo naman siya." Madiing wika ni Papa Rick. "Iuuwi namin si Yana si bahay para makapag-pahinga."

"Magpapaalam lang kami kay Dianne."

Wika naman ni mama Rosenda. Pumasok sila sa loob ng silid ni Dianne. Para akong na-estatwa sa pag-iisip. Ito na ba? Dito na ba matatapos ang sa amin ni Yana? No, I will make sure that this is not the end fo me and her.

____________________________________

YANA'S

Kulang ang sabihin na nagulat ako, nang makaharap ko na ang babaeng naging dahilan kung bakit kami nagka-kilala ni Yael. Hindi ako makapaniwala. Kumapara sa akin mas maganda at makinis siya. Kaya hindi ko ngayon ma-gets kung paano akong napagkamalan ni Yael.

"Dianne meet yout twin sister, Yana."

Pakilala sa akin ni Mama sa kanya.

"What? Since when?"

Tanong niya na may halong gulat at pagtataka sa mukha niya.

"Since you were born." Wika ni Mama. Ini-kwento niya ang tungkol sa kung paano kami nabuo sa mundo at kung bakit kami hindi mag-kasamang lumaki.

"Ako si Queyana  Balatazar, Yana na lang."

Pakilala kong muli sa sarili nang matapos mag-kwento ni Mama. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay ko.

"I bet kilala mo na ako."

Nakangiti niyang wika.

"Oo naman." Akala ko hindi niya ako matatanggap. Pero sa tingin ko tanggap niya naman ako. "Magpagaling ka agad.Miss na miss ka na ni Sab at Yael."

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "How do you know Yael?"

Matipid ako ngumiti bago sumagot.

"Hayaan mong siya na ang mag-sabi sayo. Pero siya ang dahilan kung bakit nakilala ko ang parents mo. I mean, parents natin."

Tumango-tango naman siya. Matapos iyon ay nag-paalam na kami sa kanya. Palabas na kami ng maka-salubong namin ang isang babaeng maganda na papasok ng silid. Ngumiti lang siya sa amin at yumuko. Nang tumingin siya sa akin ay nagulat siya. Bumuka ang bibig niya para mag-salita pero hindi rin natuloy ng gumawi na ang tingin niya sa hospital bed. Nag-pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Dianne.

"She's Yana, my twin sister. I know it's shocking."

Wika ni Dianne na medyo natatawa pa.

"I'm Stacey. Dianne's..." Tumingin siya kay Dianne bago nag-patuloy sa pagsa-salita. "one of her friend."

"Nice to meet you." Nasabi ko na lang.

She cleared her throat.

"Aalis na po kayo agad? Hindi niyo po ba gustong mag-stay?"

Tanong niya sa amin.

"Syempre gusto namin mag-stay. Pero kailangan mag-pahinga ni Dianne. Kaya magpapahinga na lang rin muna kami sa bahay."

Sagot ni mama sa kanya. "Yeah, babalik na lang kami bukas. Pagod rin kase sa byahe itong isa naming anak."

"Ikaw hija? Hindi ka pa ba uuwi? Pwede ka namin isabay."

Tanong sa kanya ni Papa. Nagtaka ako nang bigla siyang tumingin kay Dianne bago sumagot kay Papa.

"Thank you po, pero magi-stay muna ako saglit. And, dala ko rin po ang kotse ko e."

Ipinag-kibit balikat ko ang sagot niya.

"Ganoon ba? So, mauna na kami. Salamat sa pag-babantay sa anak ko."

Pasa-salamat sa kanya ni Mama.

"Walang pong anuman." Nakangiti at tipid niyang sagot.

Nang makalabas kami ng kwarto ni Dianne ay si Yael na lamang ang nakita namin sa labas. Agad siyang tumayo.

" Nauna na po si Mommy kasama si Sab."

Tumango lang si Mama sa kanya saka ako hinila paalis. Nakita ko naman na nagpaiwan si Papa. Huminto ako sa paglalakad. Nakita ko na kina-kausap ni Papa si Yael.

"Ma, si Papa." Wika ko sa kanya ma huminto rin sa paglalakad. "Baka kung ano ang gawin niya kay Yael."

"Kakausapin lang siya ng Papa mo. Karapatan niya yun bilang ama. Kung tu-tuusin nga dapat dalawa kami ang ko-kompronta sa kanya."

Wika niya saka ako hinila paalis. Nag-patianod na lang ako sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nangyayari ito ngayon. Kung sana hindi na lang ako nagka-gusto kay Yael. Pero si Yael kase yun e. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

'Di bale na, makakalimutan ko rin siya. Ngayong nandito si Dianne. Babalik na ang lahat sa dati ang relasyon nila ni Yael. Ang dapat ko na lang gawin ay umiwas at 'wag maki-gulo sa kanila.

Naghihintay kami ni mama sa sasakyan kay Papa. At sa kakaisip ko, namalayan ko na lang na puma-pasok na sa loob ng sasakyan si Papa. Nasa driver seat siya habang si mama naman ay nasa passenger  seat. Samantalang sa likod naman ako naupo. Napatingin ako kay Papa ng pumasok siya sa kotse.

Gusto ko sanang mag-tanong kung ano ba talaga ang pinag-usapan nila ni Yael. Pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Ayoko na dagdagan ang inis ni Papa.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad nila akong iginiya sa loob.

" I know this is not your first time here. But I —I mean, we still want to welcome you. This is your new home."

Masayang wika ni Mama saka ako niyakap.

______________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon