CHAPTER 42

186 3 0
                                    

YAEL'S

Everything is going according to my plan. I set this situation to get Yana back in my arms. At walang makakapigil sa akin. Kahit pa si Papa Rick. Call me manipulative, I don't care. I just want Yana. I miss her terribly. Planado ang lahat, pati nga ang pag-aasikaso ko ng divorce paper namin ni Dianne ipina-asikaso ko na sa abogado ko. Mabuti na lang talaga naipasa na sa senado dito sa Pilipinas ang divorce.

My marriage with Dianne will end by the time come, like it was a blurry image of the past. This is me being selfish. Nangunot ang noo ko ng iparada ko ang sasakyan ko sa likuran ng isang pulang raptor na nakaparada sa harap ng bahay nila Papa Rick. Hindi ito pamilyar sa akin. May bisita ba sila? O bagong bili nila ito? Mukhang bago kase ang sasakyan.

Nang makababa ako ay pinag-buksan ko ng pinto si Dianne at Sab. "Yes, I'm going to see my granpa and granma and Mommy Yana." Masayang wika niya nang makababa siya ng sasakyan.

Si Dianne ang nag-door bell. Hindi naman nag-tagal ay may nag-bukas ng gate sa amin. Nagulat ako ng makita ko ang taong nag-bukas noon. Ang lolo ni Yana? What are they doin' here? Pinasundo ba sila ni Yana?

"Yael?" Gulat rin niyang wika. Napatingin siya sa mga kasama ko. "Marahil ay ito na ang asawa mo na si Dianne-na kakambal ni Yana. At ito naman si Sab na anak niyo?"

"Opo, 'Lo." Ipinakilala ko siya kay Sab at Dianne. "Siya ang Lolo ni Yana na nag-palaki sa kanya."

Nakipag-kamay si Dianne sa kanya, habang si Sab naman ay magiliw na niyakap siya.

"Kung lolo ka po ni ni Mommy Yana, ibig sabihin Lolo na rin kita." Masigla pa niyang wika.

Natawa kami sa ni-wika niya. "Oh siya sige, tumuloy na kayo. Pasok kayo."

Nang makapasok kami sa loob ng kabahayan ay hindi ko napaghandaan ang naabutan namin sa sala ng mga Alvarez. Papa Rick and Mama Rosenda has a visitor. It's Tita Ria, Mama Rose k-drama best friend. I've only met her once. Nakaupo silang tatlo sa tatlong  single sofa, at ang nakaupo naman sa mahabang sofa ay ang lola ni Yana, si Yana at isang lalaki na ngayon ko lang nakita na katabi niya. They are laughing together.

Naikuyom ko ang kamay ko. Mukhang masayang masaya si Yana kahit hindi kami nagkikita ah. Binalot ng selos ang buong pagkatao ko lalo na ng akbayan ng lalaki si Yana.

"Granpa, granma!" Sigaw ni Sab na nakakuha sa atensyon nilang lahat. Tumakbo siya sa dalawa at nang makalapit ay hinagkan ang mga ito sa pisngi. "Namimiss ko na po kayo, kaya kami nag-visit."

Nag-tagpo ang tingin namin ni Yana. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Kahit ramdam ko ang paninitig sakin ni Papa Rick ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Yana. She is still looking so beautifully radiant as always.

"Dapat sinabi niyo na bibisita kayo. Para nakapag-ready kami sa pag-dating niyo." I am not naive, not to notice what my father in laws trying to say.

"Okay lang, Dad. Kumain na kami on the way."

Sagot ni Dianne sa kanya. Magsa-salita dapat si Mama Rosenda, pero  hindi na natuloy nang lumapit si Sab kay Yana at siniksik ito ng yakap. Doon napatingin si Yana sa aming dalawa.

_________________________________________

YANA'S

Hindi ko makuhang mag-salita. Parang akong nilukob ng isang mainit na pakiramdam. Agad na nag-tubig ang mga mata. Naguguluhan akong tumingin sa kapatid ko at kay Yael. Nang tumango si Yael, ay naintindihan ko agad ang ibig sabihin. Alam na ni Sab. Siguro sinabi na nila sa kanya. Agad kong ginantihan ng yakap ang pag-yakap sa akin ni Sab.

"Miss na miss kita, baby." Wika ko na may bikig sa lalamunan. Hinalik- halikan ko pa siya sa ulo.

Nangingilid rin ang luha niya sa mata. "Akala ko hindi mo ako na-miss e. Hindi mo na kase ako pinuntahan simula nang dumating ang Mommy Dianne ko."

"Akala ko kase magagalit ka sa akin e."
Para akong bata na nakalabi pa. Hindi ko binitawan si Sab. Inabutan ako ng tissue ni Alex.  Na agad ko naman na tinanggap para ibigay kay Sab.

Nang tanggapin niya 'yun ay sa akin din naman niya ipinahid ng makita niya ang pumatak na luha mula sa mata ko. Napatawa na lamang ako ng bahagya. Muli kong tiningnan si Dianne. I mouthed 'thank you' to her. Tumango lang siya sa akin. Ipinakilala ko si Sab kay lola. Tuwang tuwa naman si Sab sa kanya. At ipinag-mamalaki pa na tatlo na ang lola niya.

"Make it four. Malapit na, kapag natuloy ang love story ng Mommy Yana mo at ng anak ko." Nakangiting singit naman ni Tita Ria.

"Mom, please?" Saway ni Alex sa ina. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Lahat sila ay hinihintay ang magiging reaksyon ko. Pero hinayaan ko lang sila at hindi ako nag-komento.

Sa halip ay si Sab ang pinagtuunan ko ng pansin. "Isasama ko lang si Sab sa kwarto ko. May mga binili kase ako noong nag-mall kami ni Mama. Pwede ba ate?" Nakangiti kong paalam kay Ate Dianne. Tumango naman siya.

Nagpaalam rin ako kay Alex at maging sa iba pa na nasa sala, maliban kay Yael. Pilit kong iniwasan ang mga mata niya ng madaanan ko siya. Akay ko si Sab na masaya na ngayon at excited habang hawak ko at inaalalayan siya papunta sa kwarto ko.

Nang makarating kami sa kwarto ay pinaupo ko muna siya sa kama. Pumunta ako sa walk in closet at kinuha ang mga pinamili ko kay Sab. Tuwing lalabas kase kami ni Mama para mag-mall. Walang araw na hindi ko siya naisip. Kaya sa tuwing may makikita akong laruan na sa tingin ko ay magugustuhan niya, binibili ko kaagad.

"Mommy ang dami naman po nito." Masaya niyang wika. "Thank you po."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Ganyan kita ka-miss." Sabi ko pa.

"Si Sab lang ba ang na-miss mo? Paano naman ako?"

Wika ng isang tinig. Sabay kaming napalingon ni Sab sa pinto. It was Yael, nangunot ang noo ko. Bakit siya sumunod? Hindi ba siya natatakot sa iisipin ni Dianne at sa galit ni Papa?

"Bakit ka nandito? Hindi mo na kailangan pa samahan si Sab. Ibibigay ko lang naman kay Sab itong mga pinamili ko sa kanya. Tapos bababa na rin kami."

I said trying to keep my straight face in front of him.

_________________________________________
💜
To be continued...

 

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now