CHAPTER 36

163 4 0
                                    

YANA'S

Mabilis kaming nakarating ng Maynila. Dahil first time kong sumakay sa sasakyang kagaya ng helipad ay hindi ko maiwasan ang matakot habang nasa ere kami. Ang kamay ni Yael ang pinagkuhanan ko ng lakas kanina para mawala ng kaunti ang takot ko.

Sa rooftop kami ng hospital ibinaba ng piloto. Anak ng may-ari ng hospital ang kaibigan ni Yael kaya pinayagan daw kami na dito na bumaba. Nang makababa na kami ay lumayo ako ng bahagya kay Yael. Kailangan ko ng dumestansya. Uumpisahan ko ng umiwas. Napansin ni  Yael ang paglayo ko sa kanya. Na gets niya siguro kaya hindi na siya nagtangka na lumapit pa.

"Nasa third floor sila. Nandoon ang kwarto ni Dianne."

Wika niya. Tumango lang ako bilang tugon.

Nang makarating kami sa third floor ay nakita agad naman ang mommy ni Yael at ang mga magulang ni Dianne kasama si Sab. Kita ko ang pamamaga ng mata ng bata. Marahil ay umiyak ito ng umiyak.

Agad nila kaming nakita. Lumapit kami sa kanila. I saw Sab expression when she saw Yael. Sinalubong niya ang ama. But then, she saw me. Bago pa siya makalapit kay Yael ng tuluyan. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin.

"M-mommy? H-how? Your inside that room, but then you are also here."

Confused pa rin niyang wika.

"She's not your mom. She is your tita Yana. Your moms twin."

Ang mama ni sir Yael ang sumagot.

"I didn't know about that."

Gusto kong yakapin kanina si Sab pero hindi ko ginawa dahil baka magulat ko siya. Itinuloy ni Sab ang naudlot na pag-lapit niya kay Yael. Lumuhod siya sa harap ng anak.

"Daddy, bakit wala ka na naman? Bumalik na si Mommy pero ikaw wala pa rin. Bakit ngayon ka lang?"

Nagtu-tubig ang mata na tanong ni Sab kay Yael. Parang nadurog ang puso ko sa  nakitang sakit sa mga mata niya.

"Sinundo ko kase ang tita Yana mo na kapatid ng mommy mo." Pagsi- sinungaling ni Yael. "But don't worry. I am here now. Hindi na aalis si Daddy."

Niyakap ni Yael si Sab. Gusto ko rin siyang yakapin at aluin. Pero dahil alam ko na hindi ko lugar iyon ay hindi ko na lamang ginawa. Bukod pa doon ay nandito ang mga magulang ni Dianne at si Ma'am Cita.

"Pwede po bang mag-tanong? Bakit po kayo nandito sa labas lahat? Sino po ang kasama ni Dianne sa loob ng silid?"

Baling ko na tanong sa mga magulang ni Dianne. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na kilalanin sila, bilang mga magulang ko.

"Nasa loob ang kaibigan niya. Si Stacey, pinalabas muna kami ni Dianne dahil may gusto daw siyang sabihin kay Stacey."

Wika ni Mrs. Alvares. Siguro dapat sanayin ko na nga ang sarili ko na tawaging Mama at Papa ang mga magulang ni Dianne. Dahil magulang ko rin naman sila.

"Mama, Papa." Kuha ko sa atensyon ng mag-asawa. "Pwede po ba tayong mag-usap nang tayong tatlo lang?"

Bakas ang gulat at saya sa mga mukha nila. Nag-tinginan ang mag asawang Alvares. Atsaka sabay na tumango. Matapos iyon ay nag-paalam kami kay Yael at Ma'am Cita. Samantalang nginitian at hinaplos ko naman ang ulo ni Sab, bago kami tuluyang umalis.

________________________________________

YAEL'S

Sinundan ko ng tanaw ang papaalis na bulto ni Yana at ng mga byenan ko.

"Ma" Baling ko kay Mama. Binuhat ko si Sab. "Sino 'yung Stacey na tinutukoy ni Mommy Rose?"

Tumitig lang siya sa akin at hindi sumagot. Dahil sa kuryusidad ay ibinigay ko muna si Sab sa kanya. Saka ako pumasok sa kwarto ni Dianne.

Naabutan ko ang isang babae at si Dianne na magka-hawak kamay. Tila napapasong nag-bitiw silang dalawa.

"Ya-yael. A-anong?"

Nauutal pa siya na parang nais mag-paliwanag.

"No need to explain. I saw your journal." Malamig kong wika. " Is she the reason? Why you choose to abandon your daughter?"

Alam kong nasa hospital kami at galing siya sa traumatize situation. Pero wala akong pakialam.

"Hindi." She sigh. Bago humarap sa babaeng katabi niya. " Labas ka muna, babe. Mag-uusap lang kami."

Tumingin sa akin ang babae. Na parang ayaw niya pang umalis. Iniisip 'ata na sasaktan ko si Dianne. Pero sumunod rin sa kanya ang huli. Hinalikan muna ng babae si Dianne bago tuluyang lumabas. Napailing na lang ako.

"So? Sasabihin mo na ba? Kung bakit mo iniwan si Sab?"

Matalas kong tanong. Wala naman akong pakialam dapat pero dahil si Sab ang nag-dusa ng umalis siya. Nagagalit ako. Anak ko ang nag-dusa.

"Ikaw ang rason." Maiksi niyang wika.

"How come? Wala naman ako ginawa sayo."

Namamangha kong wika sa kanya.

" 'Yun na nga, wala kang ginawa. Minahal kita ng higit pa sa kahit na ano. Kinalimutan ko ang sarili ko para sayo. Nagpakababa ako para sayo. Pero kahit kaunting pagmamahal wala kang pinaramdam sa akin."

"Did I ask for any of that?"

Kunot noo kong tanong. Dahil sa pagkakaalam ko, wala akong sinabi na gawin niya ang mga bagay na 'yun.

"No." Mahina niyang sagot. "I was nine when I got confused in my own sexuality. Naa-attract ako sa kapwa ko babae. Akala ko dumadaan lang ako sa tinatawag nilang pace. But time goes by, hindi nawawala yun. Natakot ako na baka hindi ako matanggap ng parents ko. Kaya ginawa ko ang lahat para maging straight. You were there, your my friend. Your perfect for my plan. I did everything para isipin mo na gustong gusto kita. And I succeeded. Pero kasabay nun, ay natutunan ko rin na mahalin ka ng totoo."

Ngumiti siya ng matamlay.

"Sabi ko sa sarili ko. Eto na straight na ako na babae. Kase na-inlove ako sayo e. Pinikot kita para hindi kana makawala, kase feeling ko babalik ang pagka-tibo ko. Pero para akong nagmamahal ng bato. Kaya kahit ang saya saya ko dahil magkaka-anak na tayo, parang kulang pa rin. Kase kahit kaunting pagmamahal hindi mo ibinalik sa akin."

Napaisip ako sa ipinag-tapat niya. Saka ako nag-salita ng mga kataga na hindi ko alam na masasabi ko pala.

"Hindi naipipilit ang love. Kusang nararamdaman 'yun."

"Your right." Sangayon niya. "Kaya noong manganak ako umalis ako. I planned to find myself again. Gusto kong mahalin ang sarili ko ulit. Balak ko sanang isama ang anak natin. Pero naisip ko na baka mapabayaan ko siya. I was so broken mentally. Then I met Stacey. She save me. She loves me for who I am."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong biglang sinuntok ng katutuhanan. Ako ang rason kung bakit lumaking walang ina si Sab. Kasalanan ko ang lahat.

_________________________________________
💜
To be continued...




GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now