CHAPTER 18

229 1 0
                                    

YANA'S

"Nabanggit niyo po kahapon ang pangalan ni Aling Isay. Bakit po wala na siya sa poder niyo?"

Tanong ko sa mag-asawa na Alvares. Bumalik kami kinabukasan sa bahay ng mga Alvares dahil ngayon gagawin ang DNA test ko at ng mga magulang ni Dianne. Kasama rin namin ang ina ni Sir Yael, si Ate Alma at si Sab.

"Ilabas mo muna sa garden nila si Sab."

Utos ng mama ni Sir Yael kay Ate Alma. Nagtatakang nakatingin dito ang mag-asawa.

"Tara Sab labas tayo sa garden. Nakita ko ang daming flowers doon pipitas tayo ng ibibigay sa mommy mo"

Wika naman ni Ate Alma na lalong ikina-kunot ng noo ng mag-asawa.

"Sige po. Sa garden lang po ako mommy, daddy, mamita, granpa at granma."

Paalam naman ng bata saka sila hinalikan isa isa sa pisngi bago sumama kay Ate Alma.

"Bakit mommy ang tawag ng bata kay Yana?"

Si Mrs. Alvares ang unang nag-tanong ng maka-alis ang dalawa.

"Hindi alam ni Sab na hindi siya si Dianne."

Sagot naman ni Ma'am Cita.

"Niloloko niyo ang apo natin? Alam mo ba na pwede siyang masaktan kapag nalaman niya ang totoo?"

Wika pa ni Mrs. Alvares.

Bago pa sumagot si Ma'am Cita ay inunahan ko na ito. Ayokong mag-away pa sila kaya inako ko na ang paliwanag. Dahil baka maipit lang ang bata sa dalawa kapag nag-away ang mga ito.

"Wala pong kasalanan si Ma'am Cita." Wika ko saka tumingin kay Yael. "Maging si Sir Yael po ay wala rin kasalanan. May picture po si Sab ni Dianne, at dahil kamukha ko po si Dianne ay inakala niya na ako ang mommy niya. Hindi lang po muna namin sinasabi sa kanya ang totoo dahil gusto ko po na ako mismo ang mag-sabi na lang. Sabik sa isang ina ang bata kaya hindi ko pa po masabi. Pero alam niyo po ba hindi siya mahirap mahalin. "

"Salamat dahil minahal mo si Sab, siguro dahil yan sa lukso ng dugo. Pero kailangan niyo pa rin sasabihin ang totoo sa kanya? Karapatan ng apo ko na malaman ang totoo."

Wika naman ni Mr. Alvares.

"Bukas ko po sasabihin sa anak ko ang totoo Dad. Kakausapin namin siya ng sabay ni Yana. Hindi pwede na si Yana lang ang kumausap sa kanya. Ako ang tatay kaya sasamahan ko siya."

Sagot naman ni Yael habang nakatingin sila sa isa't isa.

"Make sure na masabi niyo sa bata ang totoo. Para hindi na siya malito oras na dumating na ang totoo niyang ina." Wika naman ni Mrs. Alvares na nakatingin sa akin.

Marahil ay nakita nito ang pagsasalubungan ng mga tinginan nila ni Yael dahil may kakaibang pahiwatig ang mga tingin nito. Tila ba nahuli sila nito sa isang bagay na hindi dapat.

"Mabalik tayo sa topic. Ano ang tinatanong mo tungkol kay aling Isay?"

Tanong ng ginang.

" Sabi niyo po kahapon dating katulong niyo si aling Isay? Bakit po wala na siya sa poder niyo?"

Tanong ni Yael muli.

"Sabi ko sayo kahapon hindi nakuha ni Carmela ang bayad namin sa kanya para sa pagiging surrogate mother niya sa anak namin. We found out kase na ang ibinayad  naming pera kay Carmela ay si aling isay pala ang tumatanggap. Nang komprontahin namin siya tungkol sa bagay na iyon. Sinabi niya lang na hindi niya na mahanap kung nasaan na si Carmela kaya siya muna ang humawak ng pera. She didn't tell us anything after that day. Pero after two days nagulat kami ng asawa ko na pag-balik namin galing sa check up ni Dianne— sa hospital noong baby pa siya— wala na si aling isay at wala na rin ang ibang mga alahas at pera na nasa loob ng vault ko. Ninakawan niya kami saka siya umalis at nawala na parang bula."

Paliwanag pa ng ginang.

"Sa tingin ko po nag-sinungaling siya sa inyo na hindi niya alam kung nasaan si mama. Dahil bumalik at nanatili lang po si mama sa probinsya namin kasama ako at pti na rin ang lolo at lola ko. Doon na po namatay si mama noong four years old ako. At nito lang po bago ako mapadpad sa lugar ni Sir yael natatandaan ko po na bumalik siya sa lugar namin. Kilala siya ng lolo at lola ko, dati daw po kase nakatira doon si aling Isay. Pinapaiwas ako nila lolo sa kanya sa hindi ko malaman na dahilan. Pero hindi ako nakinig sa kanila kase gusto kong makilala ang tatay ko."

Namuo ang luha sa mga mata ko ng maisip na maaaring niloko rin ako ni aling Isay.

"It's okay hija. Natagpuan mo na ako. Kahit walang DNA test alam ko na anak kita. Anak ka namin"

Mr. Alvares said.

"Ayoko po umasa. Antayin po sana muna natin ang magiging result."

Sagot ko naman dito.
____________________________________

YAEL'S

Gusto kong  pagaanin ang loob ni Yana pero hindi ko magawa dahil nasa harap kami ng mommy at mga in laws ko. Baka kung ano ang isipin ng mga ito sa mga ikikilos ko kaya pinipigilan ko ang sarili.

"Sabi ng PI ko may lead na sila kung nasaan si aling Isay."

Wika ko sa mga kasama. Kakatapos lang kuhanan ng laway ang mga magulang ni Dianne at si Yana. Na gagamitin para sa DNA test.

"Bakit mo pinahanap si aling Isay?"

Yana ask her.

"Dahil siya lang ang pwedeng maka-sagot kung ano ba talaga ang nangyari sayo. Hindi natin pwedeng hintayin na bumalik ang memories mo."

"Yael is right, Yana. Kailangan na natin malaman agad ang nangyari sayo."

My mom said.

"Paano kung may kinalaman siya sa nangyari sayo, Yana? What will you do, Yael? Or maybe, what if? What if Dianne is in her hand?"

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Dad Rick.

" 'Wag naman sanang magka-totoo ang ang sinabi mo mahal."

Nababahalang wika ni Mommy Rose.

" Ililigtas ko siya."

Wala sa sariling sagot ko habang nakatingin kay Yana. Nag-yuko ang dalaga ng marinig ang sinabi ko. Saka ito napa-hawak sa ulo. Agad ko itong nilapitan ng makita iyon.

"Hey, Yana are you okay?"

Hindi ito sumagot nakahawak lang ito sa ulo na tila may iniinda. Hanggang sa bigla itong mawalan ng malay. Nataranta ang dalawang ginang habang maagap ko naman na binuhat ito. Dinala ko siya sa guest room at hiniga sa kama.

"Dad pabalikin niyo ang family doctor niyo dito. Yana needs a doctor. Nasa baguio si ang kaibigan kong doctor na gumamot sa kanya. Matatagalan pag siya pa ni-contact natin."

Agad naman tumalima ang father in law ko sa akin.

Pinagmasdan ko ang dalaga may butil ng luha na pumatak sa gilid ng mata nito. May butil butil rin ito ng pawis sa noo. Inilabas ko ang panyo ko mula sa bulsa at pinunasan ito.

'Please, be okay. Don't make me worried'

Piping kausap ko sa dalaga.


______________________________________

💜
To be continued... 

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now