CHAPTER 10

288 1 0
                                    

YANA'S

"Why are you still awake?"

Napalingon ako sa gulat sa nag-salita. Nakita ko si Yael sa may bukana papasok ng kusina. Medyo natapon pa nga ng kaunti sa suot kong kamiseta ang tubig na iniinom ko.

"Nagising lang po para uminom ng tubig."

Sagot ko dito.

Nang matapos akong uminom ay mabilis kong hinugasan ang pinag-inuman. Ramdam ko kase ang nakakapasong titig ng lalaki. Pinag-krus  ang mga kamay sa bandang dibdib ko. Manispis lang kase ang suot kong pantulog.

Marahil ay kanina pa nagpi-pyesta ang lalaki sa dibdib ko kakatingin. Dahil huli ko na na-realize na manipis ang suot ko. Kung may pera lang sana ako pambili ng mga gamit. 'Di sana ang mga damit ng asawa nitong nawawala ang suot ko. Akmang aalis na ako para bumalik sa kwarto nang pigilan ako ng lalaki sa braso.

"Wala ka bang ibang damit? Bakit ganyan ang suot mo? Malamig ang weather sa lugar natin. Dapat hindi ka nagsusuot ng maninipis."

Wika ng lalaki sa akin.

"Sir, wala po kase akong damit na pwedeng masuot kun'di ang damit lang ng asawa niyo na naiwan lang sa cabinet."

Sagot ko naman dito. Habang binawi ko naman ang braso ko na hawak nito. Agad naman iyong binitawan ng lalaki. Ang mainit na palad ng lalaki na humawak sa braso ko ay tila nag-iwan ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ko.

"Sige bukas mag-ready ka. Luluwas tayo ng Manila kasama si Mama at Sab. Doon muna tayo pansamantala sa bahay ko sa Quezon City. Mas maganda kaseng mag-shopping doon dahil mas maraming pagpipilian. Mamili tayo ng mga damit kung saan ka komportable."

Kapagkuwan ay wika nito.

"Kahit 'wag na po. Pansamantala lang naman po ako sa inyo. Uuwi na rin naman po ako sa amin kaya wag na po kayo mag-abala na bilhan ako ng mga damit."

"I insist, atsaka para makapag-bonding pa kayo ng anak ko bago ko sana sabihin sa kanya ang totoo."

Pilit pa nito sa akin.

"Parang mas maganda po siguro kung hindi na lalalim pa ang pagsasamahan namin ni Sab. Kase aalis rin naman po ako at baka hindi na rin kami mag-kita."

Sagot niya naman. Medyo malapit sa kanya ang kinatatayuan ng lalaki kaya nalalanghap niya na amoy alak ito.

"Sa tingin mo ba hindi pa rin malapit ang loob sayo ng anak ko? Sabik sa nanay ang anak ko, kaya sigurado ako na minahal ka kaagad niya simula ng makita ka niya."

Hindi ako naka-sagot agad sa sinabi nito. Napa-mahal na rin sa akin ang bata kaya sigurado akong mahihirapan ako oras na umalis na ako at umuwi sa lugar namin kung saan ako galing . Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Sige payag na ako na mamili ng mga damit ko. Sa isang kundisyon."

Kumunot ang noo ng lalaki.

"And what is your condition?"

"Ibawas niyo po sa sahod ko yung ipapamili natin sa mga damit ko. Atsaka gusto ko sa mga mura lang tayo mamili."

"Sige, ikaw ang bahala."

Napipilitan nitong sagot.

"Sige po, mauna na akong matulog."

Paalam ko dito bago tuluyang nilisan ang kusina.

_________________________________________

YAEL'S

Hindi ko alam kung bakit bigla akong sumaya ng mapapayag ko si Yana na mamili at mamasyal kasama ang anak ko. Dapat na ba akong kabahan dahil unti-unti ng nagkakapuwang ang dalaga, hindi lang sa anak ko kundi maging sa akin rin mismo. Wala akong plano na palitan ang mommy ni Sab gamit si Yana. Hindi deserve ng dalaga na maging rebound.

Wala mang love na namagitan sa amin ng ina ng anak ko. Maituturing pa rin na kasalanan ang pagpatol ko sa dalaga. Ang ikinatatakot ko na lang ay ang kalalabasan ng imbestigasyon ng PI ko. Kung lalabas kase na mag-kapatid ang asawa kong si Dianne at si Yana, lalabas na mag-kapatid ang pinatulan ko.

"Yael andyan ang mga kaibigan mo. Nasa salas hinihintay ka."

Sabi sa akin ni Manang Luz. Ang pinaka-matanda naming kasambahay.

"Sinabi po ba sa inyo bakit sila pumunta dito?"

Tanong ko sa matanda.

"Naku walang sinasabi, baka dumayo lang ang mga kabigan mo para humigop ng sabaw. Ang gugulo ng mga kaibigan mo. Puntahan mo na sila at sumunod kayo sa akin sa kusina, para makahigop ng sabaw."

"Sige po manang."

Sagot ko sa matanda saka sumunod dito.

Nang makarating ako sa sala ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatayo sa glass window paharap sa garden. Tanaw kase sa loob ang hardin. Tila may tinitingnan ang mga ito.

"Anong tinitingnan niyo d'yan?"

Takang tanong ko sa mga kabigan. Saka ko sinundan ng tingin ang pinagkukumpulan ng mga ito. It was Yana, Yaya Alma and her daughter Sab. They were chasing each other while laughing. She could see that his daughter is happy.

Napatingin din ako sa dalaga. Ngayon ko ito nakita na abot mata ang ngiti. Hindi iyon maitatanggi. At ngayon ko rin nakikita kung ano ang pagkakaiba ng asawa ko at ni Yana na hindi ko nakita noong unang beses kaming nagkita.

Yana has a dimple under her eyes near her cheekbone and it shows everytime she smile or laugh. While his wife doesn't have any dimple at all. I could see that Yana has a more bright and beautiful smile than his wife.

"Brother"

Tawag sa atensyon ko ni Mike, na nakapag-paalis sa atensyon ko sa dalaga. Tumingin ako dito.

"What?"

"We could see the difference between this girl that look the same as your wife and your wife. Hindi mo ba nakita yun? Noong unang beses mo siyang nakita?"

Jacob asked. Everyone is looking at me now and waiting for my answer.

"I guess my emotion got ahead of me. Kaya hindi ko nakita."

Sagot ko na lang.

"Hindi sa pagiging marites ha. Does this girl hate you?"

Tanong ni Titus. Agad siyang nakatikim ng batok kay Jacob.

"Don't ask the obvious. Ikaw kaya ang gahasain ko? Hindi mo pa rin ako ihi-hate?"

"That's gross man. Don't even think about it. I will surely kill you if you touch me in any in-appropriate way."

Nandidiri naman na sagot ni Titus.

"Ang tanga kase ng tanong mo brother."

Naka-ngisi na sabi naman ni RJ.

"Enough with that talk. Alam ko naman na hang-over soup lang ni manang Luz ang pinunta niyo dito. "

Sabi ko sa mga kaibigan bago pinasunod ang mga ito sa kusina. Tinapunan ko muna ng isang beses pa sila Yana bago ako tuluyang umalis kasama ang mga kaibigan.

________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now