CHAPTER 40

170 5 0
                                    

YAEL'S

"Daddy, bagay po ba sa akin?"

Tanong ni Sab nang lumabas siya sa fitting room para isukat ang damit na natipuhan niya kanina. It was a dress that has a lot of mini flower print all over. Bagay na bagay sa kanya. Sigurado ako na sasangayon sa akin si Yana.

Natigilan ako. Naalala ko na naman siya. Wala namang araw na hindi ko siya naisip. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang puntahan sa bahay ng mga magulang niya. Kaya lang sa tuwing maaalala ko ang pagbabanta ng papa nila ni Dianne umuurong ako.

*FLASHBACK*

Isang suntok ang natanggap ko kay Papa Rick ng sabihin niya na kakausapin niya ako.

"Gago ka! That's for playing both of my daughters feelings."

Wala akong ibang masabi kundi, "I'm sorry po." I don't want to make an excuses, just to justify the things I did.

" 'Wag ka na lalapit kay Yana. Kung ayaw mong pati si Dianne at Sab ay bigla kong kunin sayo, para itago. Alam mong hindi ako nag-bibiro sa mga banta ko."

Galit niyang wika saka umalis.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Kung saan ako tinamaan ng suntok ni Papa Rick. Hindi ako natatakot kung ilalayo niya sa akin si Dianne, wala akong pakialam. Pero kung ilalayo niya si Sab. Hindi ako makakapayag. I just need to talk to Dianne. Na mag-come out na siya sa parents niya, para makasama ko na si Yana. Dahil kung tutuusin siya ang puno at dulo nito.

I don't want to blame her. But if not for her selfishness, baka si Yana ang asawa ko ngayon at siya rin sana ang nanay ng anak ko.

*END OF FLASHBACK* 

"Daddy, daddy~" Paulit-ulit na tawag sa akin ni Sab. Dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ni Dianne. Kasama namin siya ni Sab. Nag-request kase ang anak ko na mag-mall kami. "Kanina ka pa tinatanong ng anak mo."

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay tumingin ako sa anak ko para humingi ng sorry.

"Baby, I'm sorry. Daddy has lot of things in mind." I sighed when I saw her making a duck face. "What is it? What are you asking?"

"I am asking, if this dress is pretty to me?" Naka-nguso pa rin niyang wika.

Natawa ako ng bahagya bago siya sinagot." Your the most beautiful wearing that dress, baby."

"Really?" I reached for her hand and pulled her.

Umupo ako at pumantay sa kanya. I fished out my phone from my pocket, "Dianne-" and handed it to Dianne. "Can you take a picture of us?"

Nakangiti itong tumango at kinuha ang ang cellphone ko.

"Say cheeseey~"

We both smile at that. After taking the picture of me and Sab, Dianne handed back my phone.

"Baby, kunin mo lahat ng gusto mong bilhin. Babayaran natin, okay?" Nakangiti siyang tumango saka bumalik sa loob ng fitting room para mag-palit.

Sinamahan naman siya ni Dianne. Tiningnan ko ang mga kuha naming litrato ni Sab. Naka-apat na shot pala ng picture si Dianne. Nakangiti ako habang tinitingnan ang litrato namin ni Sab, when I notice something or someone? Sa backround kase ng isang litrato namin, sa labas ng store. Nakita ko ang pigura ng babaeng ilang araw ko nang namimiss.

Kumurap-kurap ako. Hindi ako pwedeng magkamali, agad akong tumayo at dere-deretsong lumabas ng clothing store. My heart is racing like crazy. Iginala ko ang paningin sa labas ngunit hindi ko makita si Yana.

Yes, I know it's her. I saw her figure in the photo. Oo, malabo ang image niya dun. Pero sigurado akong siya 'yun. Napasabunot ako sa  buhok ko. What is she doing here? Nakita niya ba ako? At kung nakita niya ako, bakit hindi siya lumapit? Ang dami kung tanong na hindi masagot.

"Yael" Tawag sa akin ni Dianne mula sa loob ng store. "Bakit nandito ka? Bayaran na natin ang pinamili ni Sab."

Yakag niya sa akin. Nang hindi ako kumilos ay hinila niya ako papasok sa loob. Nagpatianod na lang ako sa kanya nang hindi ko pa rin makita si Yana.

_____

"Tulog na ba si Sab?" Tanong ko kay Yaya Alma.

"Hindi pa po, Sir. Ti-timplahan ko pa po siya ng gatas. Pero nalinisan ko na po siya."

"Si Ma'am Dianne mo? Nasaan? Nasa loob ba?"

"Lumabas po e. May kakausapin daw po sa telepono." Kibit balikat niyang sagot. "Sige Sir, punta na po ako sa kusina."

Pumasok ako sa silid ni Sab nang tuluyan ng makaalis si Yaya Alma. Naka-pantulog na si Sab habang nakadapa sa kama niya at kinukulayan ang story book niya.

"Baby, ano yang kinukulayan mo?" Kuha ko sa atensyon niya.

Ngumiti siya sa akin bago sumagot.

"It's snow white and the seven dwarfs, Daddy."

"Ang galing mo naman mag-color, anak. Sino nag-turo sayo mag-kulay?"

"Si Mommy Yana po." Natigilan ako sa naging sagot niya. Does she know?

"You must be mistaken, baby. Hindi-"

"I already know, Dad." Putol niya sa akin. "Si Mommy Yana ang nakasama natin sa Baguio. At ang totoo kong Mommy nakasama ko lang siya ulit. Bago kayo dumating ni Mommy Yana galing province. At first, hindi ko ma-gets. Ang nakilala kong Mommy hindi nabi-busy sa phone kahit minsan. She will leave everything just for me. But they are different, my real Mommy is always talking with phone. Mabait rin siya. Pero mas nafi-feel ko na mas love ako ni Mommy Yana. Two days ago, when I ask Mamita. She confirmed it. She said that Mommy Yana is my real Mom's twin sister."

"So? Are mad at me? I mean with us? For lying to you?" Alanganin kong tanong.

Inihinto niya ang ginagawa. "At first, opo nagalit ako. But Mamita said, na ginawa niyo 'yun to make me happy. I don't really get it po. That lying to someone special to you, can make him or her happy."

"I'm  sorry, that is all I can say. I don't want to make any  excuses." Malumanay kong wika. "I just hope, na hindi ka magalit sa Mommy Yana mo. Ako ang nag-sabi na 'wag sayong sabihin ang totoo."

"Hindi po ako galit sa kanya. Mabait po siya sa akin atsaka naramdaman ko na love niya po talaga ako. Kahit hindi siya ang totoo kong Mommy." She heaved a deep sigh. " Kaya lang parang hindi naman niya ako namimiss. Kase ilang beses nang bumisita sila granma at granpa. Pero hindi ko siya nakita na sumama sa kanila dito sa bahay."

Kita ko ang lungkot sa mata ng anak ko. Now that I  know na alam na pala ng anak ko ang lahat. Wala ng dahilan para pigilan ko ang sarili ko na puntahan si Yana. Para mapasaya ko ang anak ko. At bukod pa doon ay dahil nasasabik na akong magkita kaming muli.

" 'Wag ka mag-alala, anak. I will make sure na makakasama natin ulit ang Mommy Yana mo."

_________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now