CHAPTER 22

209 2 0
                                    

YAEL'S

I didn't plan to say, na sasamahan ko si Yana pauwi sa probinsya nila. Pero ng tanungin ako ng in laws ko ay para bang automatic na sumagot na lang ako. Kaya pinanindigan ko na. I have a lot of things to say to her, thats why I want to be alone with her. At hindi ko masasabi ang mga gusto kong sabihin kung panay may nakabantay sa mga kilos ko. Kahit walang sabihin si mama sa akin ay kitang kita ko pa rin ang mapag-dudang mga tingin niya kapag natataon na nakikita niya kaming mag-kasama ni Yana.

"Daddy, ilan days po kayo mawawala ni mommy? Kailan kayo babalik?"

Tanong ni Sab sa akin habang nilalagay ko ang mga gamit namin ni Yana sa trunk ng kotse.

"Five days lang kami, anak. Tapos uuwi na ulit kami."

Lumuhod ako sa harap niya para mag-pantay kami. Hinalikan ko siya sa noo.

"Ang tagal naman pala, daddy. Bakit pa kase kayo aalis?"

" We need this, sweetie. Hindi mo pa maiintidihan sa ngayon pero someday mapapaliwanag ko rin sayo."

Muli siyang ngumuso.

"Sabi ni Yaya Alma kaya kayo aalis kase gagawa kayo ng kapatid ko. Bakit kailangan niyo pa umalis?"

Napatingin ako kay Yaya Alma na agad naman nitong kina-taranta.

"Sir, ang dami kaseng tanong nitong alaga ko. Wala akong ibang maisagot."

Wika niya.

"Bakit daddy? Mali po ba ang sinabi ko?"

Inosenteng tanong ng anak ko. Para lang hindi na humaba ang mga tanong niya ay napilitan akong sumang-ayon sa sinabi sa kanya ni Yaya Alma.

"Hindi anak. Tama ka aalis kami para bigyan ka ng kapatid. Para magkaroon ka na ng playmates."

"Ibig sabihin, pagbalik niyo ni mommy kasama niyo na siya?"

Tanong pa niya. Pero bago pa ako maka-sagot ay bigla naman dumating si mama at Yana. Yana is not wearing her usual outfit, she is wearing a yellow sundress with a sunflower print on it. She looks so innoccent and lovely. Hanggang makalapit sila sa akin  ay nakatitig pa rin ako kay Yana.

"Mommy, you look beautiful in that sundress po."

Puri sa kanya ng anak ko.

"Talaga? Baka binobola mo lang si mommy ha?"

Nakangiti niya pang biro kay Sab.

"No, hindi po. Tingnan mo si daddy 'di maalis ang tingin sayo. Inlove na naman yan."

Humahagikgik pa na wika ni Sab sa kanya. Noon tumingin sa akin si Yana. I wanted to look away, lalo na kaharap namin si mama. But I can't seem to take my eyes off of her. I saw her cheeks reddened a little.

"She's right. You look beautiful in that dress."

I said while still staring at her.

"Yael."

I shifted my gaze to my mom when I heard her called my attention. My mom is eyeing me. At alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niya.

"I know, mom."

Sagot ko na lang, 'saka nag-iwas ng tingin.

"Both of you should leave. Eight to ten hours ang byahe papunta sa province ng bicol. Baka gabihin kayo sa byahe."

Sabi ni mama.

"Mommy, babalik ka po ha?"

Narinig kong malungkot na wika ni Sab kay Yana. Nauna na akong sumakay sa driver seat, hinintay ko na lang na matapos mag-usap  ang dalawa.

"Oo naman baby. Babalik ako kasama si daddy. Sige na aalis na kami para mabilis kaming makauwi."

Sagot ni Yana sa anak ko.

Pinagmasdan ko kung paano ginawaran ni Yana ang anak ko ng halik sa pisngi bago siya tumalikod dito, para sumakay sa passenger side. I saw her face saddened seeing my daughter on the side mirror of my car.

" 'Wag ka naa malungkot. Magkikita pa naman kayo ng anak ko. Babalik ka pa naman kasama ko." I said while driving. " Or I'm wrong?"

I asked.

"Hindi ko alam. Paano kung bumalik ako tapos malaman na ng bata ang totoo? Na hindi naman ako ang mommy niya."

She answered as matter of fact.

" Hindi niya malalaman sa iba. Sisiguraduhin ko na  walang mag-sasabi sa kanya kundi tayong dalawa."

Matapos kong sabihin 'yon ay malungkot lang siya na ngumiti sa akin.
I want to talk to her more. I wanna hear her voice more. Kaya kahit wala na akong sasabihin ay nag-isip ako ng pwedeng sabihin sa kanya. Para lang may topic kami.

"Thank you, Yana. For loving my daughter."

" Hindi naman siya mahirap mahalin. Mabait at masayahing bata si Sab. Sa tingin ko dahil 'yun sa pagpapalaki mo sa kanya."

I smiled  at what she said.

" Thank you for seeing it that way. Sa totoo lang hindi naman ako naging perfect na ama sa anak ko. There was a time that I neglected her. You see, when Sab happened, I didn't planned to have her. Dianne tricked me, the reason why Sab is here. " I sigh. "After Dianne gave birth to Sab, Dianne left us. If not for my mother, hindi ko matututunan kung paano maging tatay sa anak ko."

" Mabuti mo siyang napalaki."

Tipid na komento lang niya.

Hindi na ako muling nag-salita pa. I turn on the music playlist in my car. Habang binabaybay namin ang kahabanan ng daan  na nilalakbay namin narinig kong sinasabayan niya ang kanta na tumutugtog.

"Oh I hid his number I almost called.
Like, maybe his hurting after all.
I can't afford to be that naive,
I'm just wishing it was me in that ending scene.

Where they're meeting up half way,
And they're kissing in the rain
It's a little bit cliche,
But I love it anyway."

"Didn't know, you can sing."

Puna ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam na mahilig ka pala sa love song."

Naka-ngiti naman niyang puna sa akin.

Gusto ko pang marinig ang boses niya kaya hindi na ako nag-salita at pinakinggan na lang muli ang pag-sabay ng dalaga sa musika.

"I fall in love with boys I see on a TV screen, the ones in books who are as perfect as they can be
I spent all of my time imaginin'
What it would be like if they existed

My parents tell me I should look for one,
But I get let down by both the bad boys and nice guy
I'm tired of givin'  more than I receive

So I just stick to the boys who don't know me~"

Hearing her voice singing while driving is givin' me a good feeling. Hindi ko maipaliwanag pero kapag kasama ko si Yana, I feel like home.

________________________________________

💜
To be continued...  

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon