CHAPTER 16

244 2 0
                                    

YANA'S

Kapansin-pansin ang pag-iwas ko kay Yael at alam kong nahahalata iyon ng mga bagong dating kanina. Sina Ate Alma at mama ni Sir Yael. Mula sa baguio ay sumunod lang ang mga ito sa kanila para mabantayan si Sab. Aalis kase sila ng lalaki mamaya para puntahan ang bahay ng mga magulang  ng asawa nito.

"Yana, may nangyari ba?"

Puna sa akin ni Ate Alma.

"Ha? W-wala. Wala naman."

Sagot ko lang dito.

Mabuti na lamang at hindi na ito nag-usisa pa.

Nasa kusina sila at nire-ready ko ang pagkain ni Sab ng tanungin ako ng babae. Ayaw kong malaman pa ng mga kasama namin sa bahay ang tensyon sa pagitan nila ng lalaki. Ngunit ayaw 'ata akong pagbigyan ng panahon.

Dahil palabas pa lamang ako ng kusina para tumungo sa dining area upang maibigay kay Sab ang inihanda kong pagkain nito ay nakasalubong ko naman sa pinto ng kusina si Yael. Umiwas ako pakanan para makadaan sa kaliwa ang lalaki ngunit ganoon rin ang ginawa nito. Nagka-tinginan kami ng lalaki. Kita ang malalim na pag-titig nito sa akin. Umiwas ako ng tingin atsaka muling gumilid pakaliwa para maka-daan ang lalaki sa kanan at ako naman sa kaliwa.

Ngunit bago pa ako makalampas dito ay bigla naman ako nitong hinawakan sa pulso upang pigilin sa pag-hakbang.

"Para kay Sab ba yan?"

Tanong nito na ang tinutukoy ay ang dala kong pagkain.

"Opo."

Tipid ko naman na sagot habang bahagya kong hinihila ang pulso sa pagkaka-hawak nito.

"Kumain ka na ba? Maya maya lang aalis na tayo. Hayaan mo na kay Yaya Alma ang pag-aasikaso kay Sab."

Nakawala ako sa pagkakahawak ng lalaki sa pulso ko dahil niluwagan nito iyon. Marahil ay dama nito ang pag-piglas ko ng mahina at hindi ko nais na hawakan ako nito. Habang tumatagal kase ay may kakaiba na akong nadarama para dito. Hindi ko nais na pangalanan kung ano man iyon.

Sa ngayon ay nais ko muna na makawala na sa poder ng lalaki upang hindi ako makagawa ng kasalanan.

"Tapos na naman ako kumain. Kaya ayos lang. Naka-ready na rin naman ako paalis."

Sagot ko naman dito.

Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki. Nangunot ang noo nito habang tila sinusuri ang kasuotan ko. Naka v-neck black shirt ako sa pang-itaas at naka-pantalon na maong naman sa ibaba.

"Yan lang ang susuotin mo? Marami naman akong binili na damit sayo ah?"

"Sa ganitong klase ng damit lang kase ako sanay. Ok na 'to"

"Hindi ka talaga katulad ng mga babaeng nakilala ko. Your —"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay inunahan ko na ito.

" Tama po kayo, iba ako. Naiiba ako sa mga nakilala niyo at lalong lalo na sa asawa niyo. Kaya wag niyo na po akong subukan na ikumpara sa kanila."

Matapos ko sabihin iyon sa lalaki ay iniwan na ito para ibigay ang pagkain ni Sab. Naramdaman ko naman ang bahagyang pag-siko sa akin ni Ate Alma na hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin.

"Ang intense ng sagutan, titigan at hawakan niyo ni Sir Yael. Para akong naunuod ng live na romance-drama."

Biro nito sa akin.

"Tumigil ka Ate Alma baka kung anong isipin ni Ma'am Cita kapag narinig ka. Baka isipin niya may namamagitan sa amin ni Sir Yael. Drama lang pwedeng meron samin ni Sir, walang romance dahil may asawa na siya."

Saway ko naman dito.

"Bakit wala ba? Pero alam mo napansin ko lang bagay pala kayo ni Sir. May chemistry."

Patuloy pa rin nito sa pag-tukso.

"Baka dahil kamukha ko ang asawa ni Sir Yael kaya mo nasasabi yan. Alam mo Ate ang babaeng matino ang pag-iisip hindi papatol sa lalaking pamilyado na. At ganoon ako pinalaki ng lolo at lola ko."

"Uyy, hindi ah. Ni minsan hindi ko nakita si Sir Yael na tumitig ng ganoon ka-intense kay Ma'am Dianne. Sayo ko lang nakita na ang tindi maka-titig ni Sir. Parang makaka-buntis yung titig. Kung may semilya nga lang ang titig ni sir baka lobo na yang tiyan mo tapos may another sabrina na naman."

Wika pa nito saka humagikgik.

Napa-iling na lang ako sa kakulitan nito. Ayaw kong mag-intertain ng ganoong isipin sa utak ko. Dahil malabong mangyare 'yon. Hindi naman ako papatulaan ni Sir Yael. Baka natutuwa lang ang lalaki sa akin dahil kamukha ko ang asawa niya, o baka dahil mabait ako sa anak niya.

_______________________________________

YAEL'S

Hindi ko alam kung paano sisimulan na kausapin muli si Yana. Umiiwas itong muli sa akin dahil sa ginawa kong pag-halik sa kanya kagabi. Tama naman ito mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat ito hinalikan. Pero hindi ko napigil ang sarili. Dahil hindi ko na maitatanggi pa sa sarili ang kakaibang epekto ng dalaga sa akin.

Hindi ko pa naranasan sa mga naging babae ko in the past ang ma- apektuhan sa unang tingin at hawak pa lang. Maging ang aking asawa ay hindi iyon naiparamdam sa akin. Tanging si Yana lang gumagawa noon sa akin. Ang dalaga lang ang nakakapag-paramdam sa akin ng iba't ibang klase ng emosyon.

Kagaya ngayon, mag-kasama sila sa sasakyan habang papunta sa magulang ng asawa ko. Pero ukopado ng dalaga ang buong atensyon ko. Ang simpleng galaw nito ay malaya kong nakikita sa peripheral vission ko. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Nakita ko naman na lumingon ito.

"Kinakabahan ka ba?"

Tanong ko sa kanya.

"Oo."

Sagot naman ng dalaga.

" 'Wag kang mag-alala kasama mo ako. Ako ang magpa-paliwanag sa kanila."

Wika ko naman saka inabot ang kamay ng dalaga gamit ang isang kamay para hawakan ito. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela.
Akala ko ay babawiin nito ang kamay  mula sa pagkakahawak ko ngunit hindi nito ginawa, bagkus ay humigpit pa ang kapit nito sa akin.

Napa-ngiti ako sa ginawa nito. I can feel her warm palm against  mine. And its giving me a warm feeling,

like home.

______________________________________
💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now