CHAPTER 30

197 2 0
                                    

YAEL'S

  I woke up still hugging Yana from the back. Napangiti ako. Akala ko pag-gising ko wala na siya sa tabi ko. But here she is. Still sleeping soundly beside me. Gumalaw si Yana paharap sa akin, habang natutulog pa rin. I stared at her peaceful sleeping face. Her long lashes. Her small yet pointed nose. Her little pinkish lips that making me wants to ravish her. I can feel her warm breath fanning onto my face.

And just because of that I got hard again. Masyado na ba akong naa-addict sa kanya? I know I tired her. Kaya sinubukan ko na pakalmahin ang sarili. Luckily, I did.

Bumangon ako dahil naisipan kong ipag-handa na lang siya ng almusal. Hindi kami nakakain kagabi. I'm sure she is hungry from an actual food.

Nang makalabas ako ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina. I roam around  in their small kitchen trying to find the fridge.

"Anong hinahanap mo, hijo?"

Napalingon ako sa nag-salita. I saw Yana's lola.

"I'm trying--I mean, sinusubukan ko po hanapin ang fridge niyo? Magluluto po sana ako."

Paliwanag ko dito.

"Ano kamo ang hinahanap mo?"

Naguguluhan niyang tanong.

"Refrigerator."

"Ref ba kamo?" Tumango ako sa kanya. "Wala kaming ganoon, hijo."

"Pero paano po kayo nagi-stock ng pagkain?"

Nagtataka ko naman na tanong. Napailing-iling siya.

"Bumibili lang kami sa malapit na tindahan at palengke ng mga kailangan namin sapat para sa lulutuin namin."

She said.

"Oh? Kailangan ko po mag-luto. Hindi po kase kami naka-kain kagabi ni Yana."

Magsasalita pa dapat ang lola ni Yana ng makarinig kami ng papalapit na yabag. Pareho kaming napatingin doon. It was Yanna wearing a oversize shirt with a messy hair. She still looks beautiful.

"Lola? Yael? Anong ginagawa niyo dito sa kusina? Ang aga aga pa."

I am still in awe watching her beautifully walking near us.

"Magluluto daw ang boss mo. Naghahanap ng ref."

Her lola said and giggled a little. I don't know what's funny, all I know is it's because of me. I saw Yana rolled her eyes, before facing her lola.

"Lola, bibili na lang po ako ng almusal. Kayo ano po ang gusto niyo ni lolo?"

"Pandesal at lugaw apo."

Sagot ng lola niya. Dudukot sana ang matanda sa bulsa nang pigilan siya ni Yana.

"Ako na po." Wika naman ng dalaga. "Sumama ka sa akin, Yael."

Agad akong sumunod sa kanya. Ngunit agad ko siyang pinigilan sa braso nang malapit na sa pinto.

"Bakit?"

Kunot noo niyang tanong.

"Your going outside, wearing only that?"

Tumango siya sa naging tanong ko.

"No, mag-suot ka ng pants. Hindi ka lalabas na yan lang ang suot mo."

"Yael ganito ako manamit sa dito sa lugar namin. At kahit ni minsan wala pang nambastos sa akin dito. Kaya hindi ako magpa-pants. Ang init init, tapos magpa-pants ako."

Nakasimangot niya pa na sagot, saka lumabas ng pinto. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa humin kami, five lots away from their house.

At tama siya hindi nga siya tinitingnan ng mga lalaki dito, in a malicious way. Instead they are staring at me, observing me rather. Or maybe that what I just think?

_______________________________________

YANA'S

" Tita Eva, pabili po ng dalawang lugaw. Isang may egg at isang plain."

Wika ko sa tindira. Hindi ko siya relative pero Tita ang tawag ko sa kanya dahil 'yun ang tawag sa kanya ng karamihan. Tumingin siya sa nasa likod ko.

"Ang tagal mong nawala. Mabuti namin at bumalik ka na. Halos araw araw bumabalik sa prisinto ang lolo at lola mo. Para makibalita."

Wika niya habang ginagawa ang order ko. Napatango lang ako sa kanya. Hindi ko kase alam ang isasagot ko. Alam ko naman kase na naco-curious lang siya kung saan ako nag-punta. Inasahan ko na ito sa mga kapitbahay namin.  Mababait naman sila, kaya lang medyo mga osyosera. Lalo na ngayon at may kasama akong lalake.

Naramdaman ko ang pag-lapit ni Yael at ang pag-akbay ng isa niyang braso. Nakita ko kung paano dumako ang tingin doon ni Tita Eva. Nilingon ko na lang si Yael. Mataas siya kaya nakatingala ako sa kanya.

"Ikaw? Anong gusto mo? Maraming almusal dito."

Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya bago sumagot sa akin.

"Ikaw." Tinapakan ko siya sa paa. "Ouch! Ikaw anong kakainin mo? Kung ano ang kakainin mo 'yun na lang rin ang akin."

Pilyong lalaki 'to. Na-chismis na nga ako dahil kasama ko siya e. Lalo pa ako machi-chismis nito dahil sa mga hirit niya.

"Boyfriend mo ba yang kasama mo Yana?"

Tanong ni Tita Eva habang inaabot ang binili ko. Sasagot dapat ako ng hindi nang nauna ng mag-salita si Yael.

"Komplekado po e. Pero masaya ako na kasama siya."

Maluko niyang wika. Siniko ko siya.

"Nagbibiro lang siya, Tita. Close friend na boss ko po siya."

Tumango tango naman si Tita Eva sa naging sagot ko. Kahit halata naman na hindi siya masyadong kumbinsido doon.
Nag-paalam na kami sa kanya para umalis pero bago kami umalis ay may pahabol pa siyang sinabi.

"Bagay kayo."

Napangiti ako dahil doon. Nasabi siguro 'yun ni Tita Eva dahil hindi niya alam na may asawa si Yael. Matapos namin bumili ng lugaw ay isinama ko siya sa bakery. 

Kilala ako ng mga tao doon at kahit hindi sila mag-salita ay alam ko naman na ang mga iniisip nila. Nang matapos kaming bumili ng pandesal ay agad ko ng inaya pauwi si Yael.

Nang makauwi kami ay sabay sabay kaming nag-almusal nila lola at lolo pati na rin si Yael. Masaya ako. Pakiramdam ko kumpleto ako. Bigla ko tuloy nahiling na sana hindi na bumalik si Dianne. Alam kong masama na hilingin ko ang ganoong bagay lalo pa at natitiyak ko na ngayon na kapatid ko siya.

Matapos namin kumain ay nag-ligpit na ako ng mga hugasin sa mesa. Naramdaman ko ang pag-yakap ni Yael sa akin mula sa likuran. He kiss me on my shoulder. Sasawayin ko palang siya ay saka naman may kumatok sa pinto.

"Pakibuksan naman an pinto Yael."

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at tinungo ang pinto. Narinig ko pa ang mahinang pag ungot niya. Na ikinatawa ko.

_________________________________________
💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon