CHAPTER 32

173 2 0
                                    

YANA'S

Hindi ko alam kung ano ba ang problema ni Yael dahil simula ng mag drive kami paalis sa bahay ay hindi na niya ako pinansin. Dahil kaya sa pag-tanggi namin ni lola sa binibigay niya? Ayoko lang naman na isipin niya na sinasamantala ko ang pagiging mabait niya sa akin at sa pamilya ko.

Napabuntong hininga ako. Paano ko kaya siya mapapaamo? Bigla kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko ng maalala ang sinabi niya nang gabing yon.

"I can't get enough of your lips."

Para akong kinikiliti sa tuwing maiisip iyon. Halikan ko na lang kaya siya? Para mawala na ang tampo. Pero bigla ko rin binawi ang naisip. Nagda-drive siya. Baka mamaya mabangga pa kami. Dahil sa kaharutan ko. Susubukan ko na lang muna siyang kausapin.

"Yael"

Tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya ako nilingon. Nakatutok lang siya sa daan, pero alam ko naman na nakikinig siya.

"Sorry sa nasabi ko kanina." Patuloy ko pa. "Gets ko naman na gusto mo lang tumulong. Pero kase ayoko rin isipin mo na sinasamantala ko, namin ang pagiging mabait mo."

Sumulyap siya sa akin at saka muling ibinalik ang tingin sa daan.

" Alam ko naman 'yun. It's just I feel like, parang ayaw mo dumipende sa akin." I heard him sigh. "Pakiramdam ko parang gusto mo laging tapusin kung ano pilit kong sinisimulan kasama ka."

Hindi ko alam pero parang biglang lumakas ang loob ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Bahala na kung ano ang sasabihin o reaksyon niya.

"Yael, may asawa ka. Kahit pag balik baliktarin pa natin ang mundo. Lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na hindi ako ang asawa mo." Pinahid ko ang patak ng luha na bigla na lang pumatak galing sa mata ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Kaya kong iwan ang lahat para sayo. Kaya kong itama ang sitwasyon natin alam mo yan. Ang akin lang pagkatiwalaan mo sana ako."

I breathed out, as I listened to him. And trying to suppress my tears again.

"Alam ko. Sabihin na natin na kaya mong iwan si Dianne. Pero kaya mo bang saktan si Sab? Kaya mo bang sabihin sa bata na hihiwalayan mo ang nanay niya? Kase ako parang hindi ko 'ata kaya. Alam ko ang pakiramdam na hindi kumpleto ang pamilya. Ang pakiramdam na hindi buo ang pagkatao. At ayaw ko na maranasan ni Sab 'yun. Oo, hindi ako ang nanay niya. Pero minahal ko na ang batang 'yun na parang sa akin. Kaya oras na bumalik ang asawa mo, babalik na rin ako sa dating buhay ko. Dahil gusto ko siyang sumaya."

Mahabang litantya ko. Nakita ko na bumuka ang bibig niya pero bago pa siya makapag-salita ay tinalikuran ko na siya.

Naka-tulog ako sa byahe na umiiyak. Nagising lang ako ng maramdaman ko ang pag-hinto ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar. Anong ginagawa namin dito? 'Di ba at nagmamadali kami na makauwi bakit kami huminto.

"Bakit tayo huminto? Anong gagawin natin dito?"

Tanong ko kay Yael habang pupungas pungas pa. Kumuha ako ng wet wipes na nasa box sa pagitan namin ni Yael. Ipinunas ko iyon sa mukha ko dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko. Marahil ay dahil iyon sa natuyong luha kanina.

"Pupunta tayo sa private beach ng kaibigan ko. Nasa batangas tayo ngayon."

"Ha? Nababaliw ka na ba? May urgent daw sa inyo sabi ng mama mo, tapos gusto mong pumunta pa sa beach?"

Naguguluhan kong wika.

"Hindi ako nababaliw. Gusto lang kitang makasama ng tayo lang dalawa."

"Tama ako. Nababaliw ka na. Alam mo naman na ngayon ko lang nakasama ulit ang pamilya ko, tapos umalis tayo dahil lang gusto mo akong masolo? Atsaka paano kung may emergency pala talaga sa inyo? Paano kung tungkol kay Sab kaya pinababalik na tayo ng mama mo?"

I can't believe him. Napaka niya mag-isip. Napapa-isip tuloy ako kung tama ba na nagka-gusto ako sa gaya niya.

"Bumaba kana pupunta pa tayo sa port. Sasakay tayo ng bangka para makarating sa private beach ng kaibigan ko."

Wika niya. Sa dami ng tanong ko wala siyang sinagot. Nauna siyang bumaba. Hindi na sana ako bababa para maisip niya na wala akong plano na sumama sa kanya, kaya lang naisip ko na parang ang childish kapag ganoon. Kaya bumaba na lang ako at sumunod sa kanya.

"Wala kang sinagot sa mga tanong ko. Bakit tayo pupunta sa beach? Nararamdaman kong hindi lang dahil sa  gusto mo akong makasama kaya ka nag-desisyon na pumunta doon." Hinawakan ko siya sa braso para pigilan at iharap sa akin. "May tinatakbuhan ka ba?"

"Sasabihin ko na lang sayo kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. Sa ngayon, bilisan na natin. Hinihintay na tayo ng bangka na maghahatid sa atin."

Nakatitig ako sa kany. Inaarok ang ibig sabihin ng emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Nawala lang ang atensyon ko doon nang marahan niyang pagdaopin ang mga palad namin. Saka ako iginaya sa paglalakad.

Ang mga simpleng ginagawa niya ang nagpapa-kabog ng dibdib ko. Kagaya ngayon hinawakan niya lang naman ang kamay ko pero halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Minsan nga napapaisip ako. Baka naririnig na niya 'yun. Na kaya ginagawa niya ang mga bagay na ito ay dahil naaapektuhan siya sa naririnig niyang tibok ng puso ko.

Pero sino ba ang niloko ko. Wala namang gano'n. Walang espesyal sa ginagawa namin. Nangungulila siya sa asawa. At ako bilang kamukha ni Dianne, ay sa akin niya ginagawa ang mga bagay na dapat ay sa asawa niya ginagawa.

'Yan ang bagay na lagi kong isinisiksik sa isip ko. Pero nararamdaman ko pa rin na espesyal nga ako sa buhay ni Yael. Dahil 'yun ang pina-paramdam niya sa akin. Pero ayoko naman mag-assume na gusto niya ako o mahal niya ako. Wala naman siyang sinasabi na ganoon.

Marahil espesyal nga ako para sa kanya. Pero mahal? Gusto? Hindi ko alam. Aantayin ko na lang siguro na sabihin niya kung ano talaga ang nararamdaman niya saakin.

Kahit pa alam kong mali.

_________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now