CHAPTER 26

195 3 0
                                    


YANA'S

"Ganitong kwarto lang ang kaya kong mai-offer sayo. Ok lang ba? Kung hindi naman pwede kitang samahan sa bayan para mag-check in ng hotel, tapos babalik na lang ako dito."

Wika ko kay Yael habang pina-pakita ko sa kanya ang kabuoan ng kwarto na ipapa-gamit ko sa kanya.

"Hindi na, okay na ako dito. Atsaka paano ka babalik dito? Kung ihahatid mo pa ako sa bayan."

Sagot niya naman.

"Tricycle. Meron naman kaming transportation dito."

"Yeah, right. How dumb I asked that."

Sagot niya pa.

"S'yanga pala walang sariling CR itong kwarto. Iisa lang ang mayroon kami. Nasa may kitchen malapit."

Sabi ko sa kanya.

"Para saan 'tong pinto?"

Tukoy niya sa pinto sa kabilang panig ng kwarto.

"Parang fire exit yan sa inyo. Tuwing may bagyo at lumalaki ang tubig, d'yan kami dumadaan. Kung napansin mo kanina tapat ng ilog itong bahay namin. At tuwing may bagyo laging bumabaha dito."

Paliwanag ko sa kanya. Hindi siya sumagot, bagkus ay nakita kong namamangha niyang binuksan ang pinto.

"Maiwan muna kita para makapag-pahinga ka. Kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Lumabas na ako agad ng silid at sinarado ang pinto. Kung tutuusin ay hindi ko na dapat siya pinatuloy sa amin. Dahil bukod sa baka hindi siya maging komportable dito, ay baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa lugar namin. Pero dahil nandito na siya at inihatid ako, nakita na rin siya ng mga tao. Siguradong hindi ko na mapipigilan ang mga marites sa mga sasabihin nila.

Dumeretso ako sa sala. Naiwan kase doon ang mga kaibigan ko. Matagal ko rin silang hindi nakita. Kaya miss na miss ko talaga sila.

"Twinee."

Si Jenn ang unang tumayo para salubungin ako. Hinila niya ako paupo sa sofa kung saan naka-upo si Carlo. Pina-gitnaan nila akong dalawa.

"Nasaan ang lolo at lola ko?"

Tanong ko nang mapansin ko na wala silang dalawa sa sala.

"Pumasok sa kwarto nila. Napagod 'ata kakaiyak ang lola mo. Kaya sinamahan muna ng lolo mo."

Si Carlo ang sumagot.

"Ayokong i-fry ka sa question kase hindi ka naman chicken, twinee. Pero anong relasyon niyong dalwa bukod sa asawa siya ng kakambal mo? Na hindi namin alam na meron ka pala?"

Tanong ni Jenn sa akin. Umiwas ako ng tingin. Bagama't hindi sumi-sigunda ng tanong si Carlo ay halata naman na naghihintay rin ito ng sagot.

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Boss ko siya. Yaya ako ng anak niya."

" Paano mo ii-explain sa amin ang mga tingin niya sayo, aber? Atsaka, pwede ka naman niya ipahatid sa driver nila. Bakit kailangan pa na siya ang sumama sayo dito? Something is fishy. May hindi ka sinasabi."

Nagdududang wika ni Jenn.

"Tama si Jenn." Sigunda pa ni Carlo. " Nakita mo ba kung paano siya tumingin sa akin kanina? Para niya akong papatayin dahil niyakap kita."

"Imagination niyo lang 'yon. Walang something sa pagitan namin. Amo ko siya at asawa siya ng kapatid ko. Period."

Pagtatapos ko sa mga pagta-tanong nila tungkol sa amin ni Yael. Hindi na sila muling nag-tanong pa sa akin tungkol doon. Alam kase nila ang ugali ko. Na kapag nag-salita na ako ng period,  ibig sabihin ayoko ng pag-usapan pa iyon.

Ayoko nang pag-usapan, dahil ayokong bigyan ng pag-asa ang sarili ko. Na baka pwede kami. Kahit na alam kong imposible. Hindi ko na kase kayang itanggi sa sarili ko na may gusto ako kay Yael. O, baka nga mahal ko na siya. Pero dahil alam kong mali pipigilan ko ang sarili ko na mapalapit sa kanya . Ang hindi ko lang masi-sigurado ay kung hanggang saan o hanggang kailan.

Yaels presence is screaming in attention. Yung tipong dadaan lang siya sa harapan mo mapapasunod ka na ng tingin sa kanya. Nang wala siyang ginagawa, kahit ang tingnan ka. Huminga ako ng malalim saka inaya na lang ang mga kaibigan ko na lumabas para bumili ng makakain. 

———————————————————

YAEL'S

Gusto kong mag-pahinga dahil napagod ako sa pagmamaneho sa buong byahe namin ni Yana. Nang iwan niya ako dito sa kwarto kanina ay gusto ko siyang sundan pero dahil nakaramdam ako ng pagod ay nanatili na lang ako dito. Pero ngayong wala na akong kasama sa kwarto at mag isa ako ay hindi naman ako makaramdam ng antok. 

I scanned the room where I'm at. May mga frame ng picture akong nakita sa pader ng kwarto. Mga litrato iyon ni Yana simula n'ong  bata pa siya. She really is look like Dianne, simula noon hanggang ngayon. Its like there is a two person who look exactly the same, living a different life. Napangiti ako habang nakatitig sa isa sa mga picture frame. Ang baby picture ni Yana. She looks like a baby boy in that picture. Manipis ang buhok na kitang kita ang scalp.

Parang gusto ko tuloy siyang  asarin. Napa-ngisi ako sa naisip. Nai-imagine ko na ang reaksyon niya. One thing about Yana, while spending time with her. She reacts easily in everything. Matapos kong mapag-sawaan na titigan ang baby picture ni Yana ay kumuha ako ng damit sa baon kong bag. Mag-lilinis muna ako ng katawan ko sa ngayon.

Nang makalabas ako ng kwarto ay dumeretso ako sa banyo malapit sa kusina. Kagaya ng sabi ni Yana. Nang matapos akong mag-linis at mag-palit ay lumabas ako para hanapin si Yana. Pero wala siya sa salas ng bahay.

Malapit ng mag-takip silim. Alam kong wala akong dapat ipag-alala dahil nandito na kami sa lugar nila. Pero hindi ko pa rin maiwasan. Naisipan ko na lang lumabas para silipin kung nasa labas ba siya. Agad kinain ng selos ang buong sistema ko, nang makita kong  kasama niya ang kaibigan niyang lalaki. That guy named Carlo is snaking his arm in her shoulder. They're so close to each other. Naikuyom ko ang kamay ko.

  
They're happy together. But I am not. Hindi ako masaya na kayang patawanin ng ibang lalaki si Yana. It makes my blood boil. Bakit niya pa kailangan akbayan si Yana? They're just friends right? Bago pa mag-dilim ang paningin ko ay tinawag ko na si Yana.

"Yana."

Sabay silang napa-tingin sa akin.

_________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now