CHAPTER 41

182 4 0
                                    

YANA'S

It's been two days since I accidentally saw Yael with my sister and Sab. Nakita ko kung gaano sila kasaya. Masakit, oo. Dahil umasa ako na kahit dumating na ang kapatid, ako pa rin ang pipiliin ni Yael. Pero mali ako. Nakalimutan na nga niya 'ata ako e. Ang tanga ko kase. Bakit umasa-asa pa ako, na ako ang pipiliin niya? E hindi naman ako ang asawa.

Atsaka kung tutuusin, kung hindi ako umamin sa mga magulang ko. Baka hanggang ngayon nagkikita pa rin kami. Oo, nagsisisi ako na nag-sabi pa ako ng totoo. But at the same time, I feel relieved. Dahil wala akong itinatago sa parents ko. Ewan ko ba, naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

"Apo may tao sa labas, hinahanap ka." Bungad ni lola nang sumilip siya sa kwarto ko. "Alex ang pangalan. Pinapasok ko na kase sabi kilala mo naman daw siya."

"Sige po bababa na ako."

"Sino ba 'yun apo?"

"Anak po ng kaibigan ni Mama. Pinakilala sa akin ni Tita Ria noong sunduin siya after namin mag-dinner."

Tumango ito saka nauna ng umalis. At dahil naka-sando lang ako, kumuha ako ng t-shirt at sinuot iyon bago ko binaba ang bisita na dumating. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.

"Maupo ka lang. Anong atin? Bakit napa-bisita ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Mabait ang unang empresyon ko kay Alex. Komportable ako agad sa kanya noong ipakilala pa lang siya sa akin ni Tita Ria.

"Nakalimutan kong hingin ang number mo." Nakangiti niya ring sagot. "Kaya hiningi ko na lang kay Mommy ang address niyo para puntahan ka at hingin ang number mo."

Nangunot ang noo ko. "Ang effort ha?"

"Naman." Wika niya sabay tawa. "Pwera biro, I am here because your mom asked my mom to asked If I could take you on a date?"

Napanganga ako at hindi makapag- salita. "Yes, that's the reason why I'm here. I think they're cooking something. And the main ingredient is us."

Kahit hindi ko tanungin si Mama. Alam ko na ginagawa niya 'to para makalimutan ko na si Yael. "So? Aayain mo ba ako ng date?" Seryoso kong tanong.

"I am sorry to say this, but no." Nakangiwi niya na sagot. "I don't mean to offend you. Your beautiful and all, but I already have someone special."

Nakahinga ako ng maluwag. "Hindi naman ako na-offend. Okay lang."

"Grabe ka naman? Makahinga ng maluwag? Parang ako pa ang na-offend ha?" Biro niya na ikinatawa ko.

"Hindi ganun, baliw."

_________________________________________

YAEL'S

"Dianne, I think panahon na para sabihin mo sa mga magulang mo ang totoo." Walang paligoy ligoy kong wika sa kanya.

Nasa loob kami ng office ko sa bahay. Pinapunta ko siya dito para kausapin. Wala na kaseng saysay kong patatagalin pa namin. Sab already know everything.

"Paano ang anak natin?" Nag-aalala niyang wika.

"Really?" I sarcastically asked. " Si Sab ang inaalala mo?"

"Oo, may ib-" I cut her off.

"Oh, shut it Dianne!" Sigaw ko sa kanya. "It's not because of Sab, kaya nag-aalangan ka pa rin na mag-come out sa parents mo. It's because of you." Tumayo ako at dinuro siya. "Dahil hanggang ngayon natatakot ka na baka hindi ka tanggapin ng parents mo kapag nalaman nila ang totoo."

" Inaalala ko rin si Sab." Depensa niya pa.

"Maybe you cared, but not as much as your sister care for your daughter." Nagtataka niya akong tiningnan.

"Paano naman napasok sa usapan ang kapatid ko? Atsaka sinasabi mo ba na mas better mom siya kay Sab kaysa sa akin?" Galit niya na ring wika. "You don't have the right to compare me with anyone, as a mother. I gave birth to your child."

"Yeah, right!" I exclaimed. " You carried her for nine months and gave birth to her. Pero yun lang yun. Dahil pagkatapos no'n iniwan mo na siya na parang tuta."

"I was confused!" Nanggigigil niya na saad. " And I needed to get away because I feel lost."

"You, and your selfish reasons." I sigh. " Sab knows everything. Alam niya na hindi ikaw ang Mommy niya na nakasama namin sa Baguio. She knew that it's Yana, not you. At alam mo ba ang sinabi ng anak mo? Namimiss na niya ang Mommy Yana niya, dahil lagi ka daw busy sa phone. Ikaw ang totoong nanay niya pero iba ang hinahanap niya. Because your not acting like one to her."

Hindi siya agad naka-sagot. Pero nang bigla siyang mag-tanong ay ako naman ang natigilan.

"Aminin mo nga sa akin Yael. Si Sab lang ba? Ang nakakamiss sa kapatid ko? Oh baka naman ikaw rin? Kaya atat na atat ka na na mag-come out ako sa parents ko."

"Tama ka." Wala nang rason para itago ko pa ang nararamdaman. "It's not just Sab, who misses her. I am too. I am missing her like crazy. Na pakiramdam ko mababaliw na ako kapag lumipas pa ang isang araw na hindi ko siya makikita."

She stare at me in shocked. Hindi niya siguro inaasahan ang isasagot ko.

"You fell in love," namamangha niyang wika. " akala ko talaga bato ka at walang pakiramdam. But I was wrong."

"Yeah, kaya hindi ko na mahihintay pa kung kailan ka magiging ready na sabihin ang totoo. I want everything to be right between us now. Pero hindi mangyayari yun kung mananatili kang tahimik at hindi sasabihin sa magulang mo ang totoo."

"Give me time, please?" Sumamo niya sa akin. Na tatanggihan ko sana kung hindi ko lang narinig ang sunod niyang sinabi. " Kung gusto mo siyang makita, pumunta tayo sa bahay ng parents ko. Bumisita tayo, para makita mo siya. Just give me time to prepare my self, na sabihin sa parents ko ang lahat."

Wala akong ibang naintindihan sa sinabi niya ng marinig ko ang salitang bibisita kami sa bahay ng parents niya. Ang naiisip ko lang ay makikita ko na ulit ang babaeng laman ng isip at panaginip ko. Alam kong hindi papayag si Papa Rick kapag nakita niya akong tumapak sa bahay nila. Pero wala na akong pakialam.

Oras na harangan niya ako na makita si Yana, lalabanan ko na siya. Walang alam si Dianne sa pagbabanta sa akin ng ama niya. Sigurado akong hindi hahayaan ni Dianne na magkagulo kaya mapipilitan siya na umamin sa parents niya. Napangisi ako.

_________________________________________
💜
To be continued...


   

GUILTY PLEASUREOnde as histórias ganham vida. Descobre agora