CHAPTER 6

332 1 0
                                    


YAEL'S

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng iwasan ko si Yana. Simula noong araw na nakausap ko ang dalaga tungkol sa nangyari sa amin. Gusto ko sana muli na makausap ang dalaga ngunit naramdaman ko ang pagka-ilang nito sa akin. The reason I'm giving her space for now.

Kaya hinayaan ko na lang muna ito. Inutos ko na lang sa iba naming katulong na wag masyadong pagawain si Yana. Pina-imbestigahan ko na rin ang dalaga at kung ano ba ang koneksyon nito sa asawa ko.

I tried to forget what happened between us. Pero hindi ko magawa, lalo na kapag naaalala ko ang lambot ng mga labi nito nang halikan ko ito. Mali na hanggang ngayon ay ina-alagaan ko pa rin sa isip ang mga naganap sa pagitan namin. Dahil isang pamimilit ang ginawa ko sa babae. Hinihiling ko na lamang na sana ay mapatawad ako nito.

Hagikhik ng anak ko ang bumungad sa akin ng makarating ako sa pool area ng bahay namin. Malamig ang lugar  namin kaya nakatago ang pool sa parte ng bahay namin at meron itong special machine na nakakapag-painit  ng tubig —ayon sa temperatura na kaya ng isang tao—para salungatin ang  malamig na klima ng lugar nila. Naliligo ang anak ko kasama ang babaeng kanina pa tumatakbo sa isip ko. Naka-suot ang mga ito ng swimwear.

" Tama na po Mommy."

Tuma-tawang wika ng anak ko.

Sinasabuyan ng dalaga ang anak ko ng tubig sa pool kaya panay ang layo ng anak ko. Nang umahon sa pool ang anak ko ay agad ako nitong nakita.

"Daddy~"

Matinis nitong sigaw.

Kinuha ko ang bathrobe ni Sab na naka sabit sa upuan malapit sa pool at binigay dito ng lumapit ito sa akin.

"Mukhang nagi-enjoy ang baby ko ah."

Nakangiti kong sabi dito.

"Yes po, Dad. Sobrang saya ko po kase kasama na natin si Mommy. Thank you po Daddy kase tinupad mo ang promise mo na iuuwi mo si Mommy."

Hindi ko alam ang isasagot sa anak ko kaya tumingin na lang ako kay Yana. Na kasalukuyang umaahon sa pool. Napa-lunok ako ng makita ang kabuoan ng dalaga. Suot nito ang isang black one piece suit na kung hindi ako nagkaka-mali ay pag-aari ng asawa ko.

Marahil ang anak ko ang nag-pasuot ng swimsuit sa babae. Kitang kita ko ang maganda at buong kurba ng dalaga. Nang makita naman ng dalaga na nakatitig ako sa kanya ay agad nitong kinuha ang isa pang roba saka isinuot nang mabilisan.

"Sinamahan ko lang si Sab maligo.Inaya niya kase ako."

Sabi sa akin ng babae na tila nagpa-paliwanag.

"It's alright. You don't need to explain. Gawin mo lang ang gusto mong gawin. As long as you make Sab happy."

Tumango lang sa akin ang babae.

"Pwede ka bang maka-usap mamaya?"

Alanganin nitong tanong kapagkuwan. Sasagot na dapat ako sa babae nang tawagin ako ni Yaya Alma.

" Sir, nasa salas po si Mr. Sandoval. May importante daw po na sasabihin."

Sa isipin na baka may bago ng impormasyon ang private investigator ko na dumayo pa sa bahay ko. Ay agad ko nang pinuntahan ito, at hindi na nasagot ang dalaga sa itina-tanong nito sa akin.

_______

"Sumunod ka sa office, doon tayo mag-usap."

Agad kong wika sa private investigator. Nang makapasok kami sa loob ng opisina ay agad nitong ibinigay sa akin ang isang envelope. Agad kong binuksan iyon at binasa.

"Tama po ang sinabi niyo. Hindi siya ang asawa niyo. Sa napag-alaman ko po ulila na sa magulang si Ms. Queyana Baltazar. Nakatira po siya sa isang probinsiya sa bicol kasama ang lolo at lola niya. Apat na taon lang po si Ms. Baltazar noong maulila siya sa ina  niya na si  Ms. Carmela Baltazar. Kaya ang grandparents niya na sina Mr. Edelberto  at Mrs. Fellicisima Baltazar ang nag-palaki sa kanya."

Paliwanag nito sa akin.

"You did a good job digging about her information. Pero hindi mo 'ata nasama dito sa report mo kung ano ang relasyon ng asawa ko kay Ms. Baltazar. O kung bakit ba sila mag-kamukha?"

"May duda na po ako kung ano ba ang relasyon nila sa isa't isa. Pero gusto ko po muna maka-sigurado. Bago ako mag-bigay ng report."

"Sabihin mo sa akin kahit hindi ka sigurado."

"Ang nanay po ni Ms. Queyana Baltazar ay dating katulong sa bahay ng tatay ng asawa niyo, Sir. Sa tingin ko po itinakas si Ms. Queyana ng katulong na iyon na kinikilala niyang nanay sa bahay ng mga Alvares na pamilya naman ng asawa niyo noong sanggol pa lamang siya." Huminga ito ng malalim. " Pero dahil wala naman pong report na may nawawala silang anak kaya hindi po ako sigurado kung tama ba ang hinuha ko na ang asawa niyo at si Ms. Queyana ay kambal."

Napatitig ako sa papel na hawak. There is a big chance that his private investigators hunch is correct. Gusto kong ipaalam sa dalaga na maaaring kilala ko ang ama nito na nais nitong makita. Na naging dahilan kung bakit ito napadpad sa akin. I want to tell her the truth about her  real parents.  Yes, I am sure that Yana is my wifes twin. There is no other explaination why my wife and Yana has one face. Isa sa nagpapatibay pa na totoo ang hinala namin ay dahil doon dating nag-trabaho ang ina ni Yana sa mga Alvares ayon na rin sa report ng PI ko.

"Sige makaka-alis ka na. Mag-bigay ka nang final report sa akin about sa connection ng asawa ko sa kanya.  "

Wika ko pa dito saka  ibinigay ang bayad ko sa kanya na nakalagay sa sobre. Sinilip muna nito ang sobre bago nag-paalam na aalis. Sasabihin ko kay Yana ang impormasyon na nalaman ko kapag hindi na siya naiilang sa akin.

______________________________________

YANA'S

" Baby sama ka muna kay Yaya Alma. Kakausapin ko lang ang Daddy mo."

Kausap ko kay Sab. Tapos na silang maligo sa pool at nakapag-shower na rin. Sabay silang naligo ng bata at sobrang na-enjoy ko na kasama ito. Sa bawat araw na kasama ko ang bata ay lalo akong napapalapit dito.

Nakikita ko ang sarili dito noong maliit pa ako. Kaya naisipan ko na gawin dito ang mga pagla-lambing ng lola ko sa akin sa tuwing nami-miss ko ang nanay ko. Natatandaan ko pa na sinasabayan akong maligo ng lola ko sa banyo at nakikipag-laro pa ito sa akin.

"Sige po mommy. Pero can you tell me po muna if I am pretty?"

Tanong sa akin ng bata. Napa-ngiti ako dito ng matamis bago sumagot.

"Ofcourse, mana ka kaya sa mommy."

Hindi ko nais lokohin ang bata, ngunit hindi ko rin nais pangunahan ang ama at lola nito sa pagsasabi ng totoo. Ang lola mismo ng bata ang nag-sabi na ang mga ito na ang bahala na mag-sabi ng totoo. Ngunit hindi pa rin ako palagay, dahil alam ko na masasaktan pa rin ito oras na malaman nito ang katotohanan.

" Sige po mommy punta ka na kay daddy baka nami-miss ka na din niya. Pupunta na po ako kay Yaya."

Biro pa sa akin ni Sab.

Nang makaalis ito ay agad na akong nag-lakad papunta sa office ng lalaki. Kumatok muna ako sa pinto.

"Pasok, bukas yan."

Narinig kong wika ng lalaki sa loob.

_________________________________________

💜
To be continue...

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now