CHAPTER 12

250 1 0
                                    

YAEL'S

Nang matapos silang lahat na kumain ay agad kong inutusan si Yaya Alma na ihatid si Sab sa kwarto para tulungan maligo at mag-pack ng gamit na dadalhin pa-manila. Susunod sana kay Sab si Yana ng pigilan siya ni Mama.

"Yana, stay here. Kakausapin ko kayo."

Muling umupo ito. 

"Sige Tita alis po muna kami baka importante ang pag-uusapan niyo."

Paalam ni RJ kay mama at aalis na sana kasama ang iba pa.

"Nakikain lang po talaga kami, Tita."

Wika pa ni Jacob.

"Hindi, dito lang kayo. Kasama kayo sa kakausapin ko."

Lahat sila ay tahimik na umupo at hinintay na muling mag-salita si Mama.

"Umpisahan natin sa sinabi ng apo ko. Anong ginagawa niyo kagabi sa kitchen?"

Si Yana ang sumagot kay mama.

"Umiinom lang po ako ng tubig kagabi. Coincidence lang po na nag-kita kami sa kusina ni Sir Yael."

"She's right. At kinausap ko lang rin siya about sa mga bagay bagay."

Dugtong ko naman.

"Ok, I won't ask. Kung ano mang bagay bagay ang pinag-uusapan niyo kagabi. But, let me give you a warning. Hindi dahil wala ang asawa mo, gagamit ka na ng ibang babae. Alam mong hindi ako nangto-tolerate ng ganyang behavior."

Tumango ako sa sinabi ni mama. Saka naman ito tumingin sa mga kaibigan ko.

" I know, you all know na hindi si Yana ang asawa ng anak ko. They just look the same. Sigurado akong nasabi na sa inyo yun ni Yael. Sab didn't know about this, and I hope you can seal your mouth infront of her until my son can finally have some balls to tell this to his daughter."

Sumang-ayon ang lahat sa kanya.

"And Yana, gusto ko rin sabihin sayo. There's a chance that my daugther-in law is your sister and her parents is your biological parents. RJ can explain to you why."

Kita ko ang gulat sa mukha ng dalaga. Hindi ito agad nakapag-salita. Kahit ng nakaalis na sa harap nila ang ina ay nanatili itong tahimik.

_______________________________________

YANA'S

"I tested your blood when you first brought here by Yael's farmer. Ako ang gumamot sayo na doctor. "

Si RJ ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Ang doctor na kaibigan ni Sir Yael.

" At anong resulta? Sinabi ba sa result na kapatid ko ang asawa ni Sir Yael?"

" I tested your blood with Sab. Dahil noong time na ginamot kita, kumuha naman ako ng dugo ni Sab. Dahil kasama yun sa full check up ng bata every month."

Paliwanag pa nito sa akin.

"Full check up? Really brother?"

Hindi makapaniwalang react ng kaibigan ni Yael na tinawag ni Sab kanina na Tito Jacob.

"Wala ka pang anak, kaya tumahimik ka dyan. Go on with your explaination RJ."

"As I was saying, I tested your blood with Sab. And the result says that you two are related. Pero lumabas din sa test na hindi ikaw ang mother ng bata."

"Baka naman kapatid ka ni Dianne."

Sabi naman nung Titus pagkatapos mag-paliwanag ni Doc RJ.

"Hindi ko alam. Sa tingin ko walang alam ang lolo at lola ko dyan. Sabi nila sakin noong nagka-isip na ako. Bigla na lang daw umuwi ang mama ko na may dala dalang sanggol. Gusto ko kaseng makilala ang tatay ko pero dahil namatay si mama noong bata pa ako, wala akong mapag-tanungan kundi    
sila lang. Sa kasamaang palad wala rin silang maisagot sa akin."

Lahat ng mga kaibigan ni Yael at maging ito ay mataman na nakikinig sa akin.

"Kaya noong dumating si aling Isay mula sa Maynila, na dating ka-baranggay namin at sinabi sa akin na  kilala niya ang tatay ko dahil dati silang mag-katrabaho ng mama ko, ay sumama agad ako sa kanya."

"At paano ka naman napunta dito sa bagiuo? Sa poder ng kaibigan ko."

Seryosong tanong noong Mike ang pangalan.

"Hindi ko po alam. Ang huli ko po natatandaan nakasakay kami ni Aling Isay sa isang Van kasama ang iba pang babae tapos tatlong lalaki kasama na yung driver. Yun po ang huli kong natatandaan, tapos nagising na lang po ako andito na ako sa bahay ni Sir Yael."

Si Doc RJ ang sumagot.

"Maaaring mayroon kang dissociative amnesia."

"Amnesia? Hindi ba nagkakaroon lang ng ganon kapag na-aksidente ka or na- stroke."

Singit naman nung Jacob.

"No, pwede rin magkaroon ng amnesia ang isang tao na nakasaksi o biktima ng isang krimen. At tinatawag yun na dissociative amnesia."

Sagot muli ni Doc RJ.

"It means na may nangyaring masama sa kanya bago siya nakarating sa poder mo Yael."

Singit naman nung Mike.

Gusto kong maiyak dahil sa nalaman. Marahil ay niloko lang ako ni Aling Isay para sumama ako dito. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa kaibigan na si Jen na uto uto nga ako minsan. Iniwan ko ang lolo at lola ko para lang makita ang tatay ko na kahit sa picture hindi ko pa nakilala.

"Don't worry, papa-imbestigahan ko ang nangyari sayo."

  
Pag-alo sa akin ni Sir Yael. Naramdaman  ko rin ang pag-lapat ng kamay nito sa likod ko at bahagyang pag-tapik. Gusto ko man alisin iyon ay hindi ko magawa. Dahil ukupado ang isip ko.

"Yael, sa tingin ko kailangan mo siyang dalhin sa bahay ng mga magulang ng asawa mo. Para malaman nila ang tungkol sa kanya at para malaman na rin natin kung kapatid ba siya ni Dianne."

Suhestyon ni Doc RJ.

"I will do that. Luluwas rin naman kami ng Maynila para ipasyal sana si Sab bago namin sabihin ang totoo sa kanya."

Matapos mag-salita ni Sir Yael ay nag-paalam ako dito na pupunta na ako sa kwarto ko para maihanda ang sarili. Nais ko rin abalahin ang sarili sa pag-aasikaso para hindi ko gaanong maisip ang mga nalaman ko tungkol sa sarili. Gusto ko pa rin maniwala na hindi ako niloko ni nanay. Na siya pa rin ang nanay ko at hindi niya ako kinuha lang sa kung kaninong pamilya.

________________________________________

💜
To be continued...  

                 

GUILTY PLEASUREWhere stories live. Discover now