CHAPTER 14

238 2 0
                                    

YAEL'S

I  couldn't hide my smile while staring at my daughter Sab. Masayang naglalaro  ito kasama si Yana sa loob ng skating rink. Hindi ko kahit kailan nakita ang anak na ganito kasaya kapag ipinapasyal ko ito ng kami lang dalawa. Madalas na nakatingin lang ito sa mga ka-edad nito na kasama ang parehong magulang.

Napapaisip tuloy ako kung sasabihin ko pa ba sa anak ko ang totoo mamayang gabi. Ayaw kong lokohin ang anak ko pero ayaw ko rin na mawala ang saya na nararamdaman nito. At si Yana ang nakapag-bibigay niyon sa anak ko ngayon.

Nasa labas lang ako ng skating rink habang tinatanaw ang dalawa. Maya maya pa ay nakita ko ang anak na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Daddy, join us. It'll fun playing with a whole fam."

Wika ng bata ng tuluyan itong makalapit sa akin. Habang nakasunod naman sa likod nito si Yana na hindi makapag-skate ng ayos dahil first time nito.

"Is that ok?"

Tanong ko kay Yana. Nangunot ang noo ng anak ko, marahil ay nagtataka ito kung bakit pa ako nag-tatanoong kay Yana. Habang ang dalaga naman ay nakatingin lang sa akin at nakangiti ng alanganin.

"Ofcourse, it's ok Daddy. You don't have to ask permission to Mommy, because it's normal to have fun with your whole family."

Sa halip ay sagot ng anak ko.

"Tama ang anak mo. Sumali ka na sa amin."

Wika naman ng dalaga.

"Sige, antayin niyo ako dito. Magre-rent lang ako ng roller skate."

Naka-ngiti kong sagot.

Nang matapos akong mag-rent ng roller skate ay agad ko na rin iyong isinuot atsaka pumasok sa loob ng skating rink para lapitan ang anak at si Yana. I know how to skate kaya hindi na bago sa akin iyon.

"Daddy, marunong ka po?"

Tanong sa akin ni Sab nang makalapit ako sa mga ito.

"Yes, I do know how to skate. Your grandma used to bring me in a place like this near our house before. When I was in your age. At kahit na nung nagkaka-edad na ako pumupunta pa rin ako."

Sagot ko naman dito.

"Oh, right! Mamita told before na sa skating rink mo first na na-meet dati si Mommy. Pero bakit si Daddy lang ang marunong? Bakit si Mommy hindi marunong?"

Nagka-tinginan kaming dalawa ng dalaga. Ito na ang sumagot sa tanong ng anak ko.

"Baby, naalala mo ang sinabi ko? Na may sakit si Mommy, kaya may mga memories ako na hindi maalala."

Tumango-tango si Sab sa kanya bago sumagot.

"Gawa na lang tayo ng bagong memory Mommy habang hindi mo pa naaalala ang iba mong happy memories."

Lumayo ang bata sa kanila saka sumigaw.

"Mommy, Daddy ang unang maka-chase sa akin bibigyan ko ng kiss na reward!"

Agad kong sinundan ang anak at ng maabutan ko ito ay agad itong humalik sa pisngi ko.

"I won, anak"

Wika ko sa anak habang naka-ngiti.

"Yes Daddy you won. It's  not fair pala kase hindi marunong si Mommy kase nakalimutan niya."

Sagot naman ng anak ko habang inginunguso si Yana na sinusubukan na mag-skate palapit sa kanila.

"Daddy turuan mo na lang kaya si Mommy? Para mas mag-enjoy tayo."

Suhestyon ng anak.

Sabay nilang nilapitan ang dalaga at nang malapit na sila saka naman ito muntik mabuwal. Mabuti na lamang at maagap ko itong nasalo.

"Ayos ka lang?"

Tanong ko dito habang magkadikit ang mga katawan nila. Hawak ko ito sa bewang habang nakakapit naman ito sa braso ko. Dama ko ang kalambutan ng katawan ng dalaga dahil bahagya kong napisil ang bewang nito ng masalo ako.

Tumingala ang dalaga sa akin. Nahigit nilang pareho ang hininga ng mapag-tanto na sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"Oo ayos lang ako."

Sagot nito at bahagyang lumayo sa akin. Kita ko ang pamumula sa mukha  ng dalaga. Hindi ko nais pakawalan ang dalaga pero dahil naramdaman ko ang bahagyang paglayo nito ay inalalayan na lamang ako ito.

"Uyyy~ Ang sweet naman nila."

Tukso ni Sab sa kanila.

Nakita kong lalong namula ang dalaga sa panunukso ng anak ko.

"Stop teasing us anak."

Saway ko sa bata ng naka-ngiti.

"Ok, pero Daddy turuan mo na po si Mommy mag skate."

Wika naman ng anak. Napabaling sa aking muli si Yana ng marinig ang sinabi nito. Nagtatanong ang mga mata nito. Inilapit ko ang bibig sa bandang tenga nito para ibulong ang nais sabihin upang hindi marinig ng bata.

"I can teach you how to skate, pero kung ayaw mo or hindi ka komportable ayos lang. Kaya lang baka magtaka si Sab kung bakit aayaw ka."

Naamoy ko pa ng bahagya ang mabangong amoy nito bago ako tuluyang lumayo sa tenga nito.

"Sige magpapaturo ako sa Daddy mo. Para mag habulan tayong tatlo pag natuto na ako."

Sagot ng dalaga sa bata. Tuwang tuwa naman ang anak ko sa naging sagot nito. Dama ko na napipilitan lang ang dalaga na magpaturo sa akin. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mangiti dahil lagi nitong kinukunsidira ang nararamdaman ng anak ko. Kaya siguro hindi rin maramdaman ng anak ko na hindi ang dalaga ang tunay na ina nito.

Sinimulan kong turuan ang dalaga, hawak ko ito sa magkabilang kamay habang pinapasunod ito sa gagawin. Madali lang ito matuto pero dahil bago nga lang ang dalaga sa ginagawa ay naa-out balance pa rin ito.

Na medyo sa tingin ko ay kaya na nito ay sinubukan ko itong bitawan at pumunta sa harapan nito limang dipa ang layo mula dito.

"I-try mong mag-skate palapit sa akin."

Sabi ko dito habang panay naman ang cheer ng anak ko dito.

"Go mommy kaya mo yan."

Sinubukan ng dalaga na gawin ang sinabi ko. At laking tuwa naman nito ng magawa nito ng hindi naa-out of balance ang pag skate palapit sa akin.

"Kaya ko na"

Masaya pang wika nito.

"I-try naman natin ng mas malayo. Sabay kayo ni Sab palapit sa akin."

Lumayo pa nga ako dito. Sabay na nag-skate ang anak ko at si Yana palapit sa akin. Ngunit ng malapit na sa akin ang mga ito ay huminto ang anak ko. Samantalang ang dalaga naman ay hindi na nagawang huminto kaya sinalo ko na lamang ito. Sabay silang bumagsak sa ice rink. Nakapatong ito sa akin habnag magka-dikit ang mga labi namin.

Nanlalaki ang mata ng dalaga habang nakatulala sa mga mata ko. Marahil sa gulat nito. Maging ako man ay nagulat sa nangyari. Ngunit sa halip na itayo ang dalaga ay hinawakan ko ito sa batok ang magaan na pinagalaw ang labi upang halikan ito ng banayad.

Ngunit agad ko iyong pinutol ng marinig ang tinig ng anak.

"Daddy ako rin gusto ko ng kiss. "

Masayang wika nito saka lumuhod sa gilid ko at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan ko naman ito sa noo. Sinubsob naman ni Yana ang mukha sa bandang leeg ko. Marahil sa hiya dahil hinalikan ko siya. Kung may makakakita lang sa kanila na kakilala ko. Baka isipin ng mga ito na isa silang masayang pamilya.

Ngunit alam kong hindi naman parte niyon ang dalaga. May sarili itong buhay sa naiwan nitong lugar at balang araw aalis rin ito sa buhay nila. Na hindi ko alam kung bakit ayaw kong mangyari. Ang isipin pa lamang na aalis ito ay tila hindi na matanggap ng sistema ko.

_______________________________________

💜
To be continued... 

   

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon