CHAPTER 8

319 3 0
                                    

YANA'S

"Yana, pinapatawag ka ni Ma'am Cita. Gusto ka daw maka-usap."

Wika ni Ate Alma sa akin.

"Dumating na ulit si Ma'am Cita?"

Takang tanong ko naman. Ang alam ko kase ay matatagalan ito bago makauwi dahil may inaasikaso pa ito.

"Sige susunod ako. Aayusin ko lang ito."

Sagot ko naman dito. Saka itinuloy ang pagliligpit ng mga laruan ni Sab na nakakalat sa playroom. Tulog na kase ang bata kaya inililigpit ko na ang mga laruan nito.

" 'Wag mo na imisin yan. Ako na ang bahala d'yan pumunta ka na sa office ni Sir Yael. Nanduon sila hinihintay ka."

Nagtataka ako sa tinuran nito.

" Sila?"

"Oo, sila. Si Ma'am Cita at si Sir Yael ang naghihintay sayo doon. May pag-uusapan daw kayo."

Hindi na ako sumagot dito at dumeretso na sa office ng lalaki. Naabutan ko na naka-upo ang lalaki sa sofa habang nakayuko kaharap ang ina nito.

"Pinatawag niyo daw po ako, Ma'am?"

Agad kong naagaw ang pansin ng dalawa. Lumapit ang ginang sa akin   at hinawakan ako sa mag-kabilang balikat nito.

"Sabihin mo sa akin hija. Did my son really rape you?" Tanong nito sa akin.

Natigilan ako sa deretsahan na tanong ng ginang. Tumingin ako kay Sir Yael, nakayuko lang ito na parang isang paslit na pinapagalitan ng ina nito. Marahil sinabi ng lalaki ang ginawa nito sa akin. Ayaw ko na sana lumaki pa isyu at manatili iyon na sekreto sa pagitan nila ng lalaki. Ngunit hindi 'ata nito kayang mag-lihim sa ina kaya sinabi nito sa ina ang nangyare.

"Opo, binaboy po ako ng anak niyo."

Deretso kong sagot dito habang nangingilid ang luha sa mata. Binitawan  ako ng ginang habang umiiling-iling.

"Ma, I'm sorry if I disappointed you."

Nanginginig ang boses na wika nito sa ina habang pilit inaabot ang kamay nito.

"You should apologize to Yana and not me hijo. Dapat lumuluhod ka sa harap niya para patawarin ka niya. Dahil hindi gawain ng isang mabuting tao ang ginawa mo sa kanya."

Narinig kong wika ng ginang sa anak. Rinig sa boses nito ang tinitimping galit at pinipigil na iyak dahil sa ginawa ng anak.

"I raised you to be a good person. But you  turn into a monster worse than your father."

Wika pa nito bago lumabas ng silid. Agad kong sinundan ito. Hindi ko gusto na maiwan kasama ang anak nito habang umiiyak. Dahil hindi ko naman kayang aluin ang lalaking sumira sa pagka-babae ko.

"Ma'am Cita, sandali po. Mag-usap po tayo."

Naabutan ko ang ginang sa veranda ng bahay.

"I'm so sorry hija for what my son did to you. Alam kong traumatizing ang ginawa niya at mahirap para sayo na makita siya araw araw."

Wika ng ginang habang nakatitig sa mga mata ko.

"Tama po kayo. Mahirap para sa akin na araw araw kong nakikita ang anak niyo. Pero kailangan ko pong mag-tiis ng isang buwan para makaalis dito."

"What do you mean?"

"Nagta-trabaho po kase ako ngayon dito sa bahay ng anak niyo para maka-ipon ng pera pamasahe pauwi. Pero inalok naman po ako ni Sir Yael ng tulong para  makauwi. Tinanggihan ko lang po. Feeling ko po kase binabayaran niya sakin ang ginawa niyang kagaguhan sa akin."

Napatango-tango ang ginang. Marahil ay naiintindihan nito ang rason ko kung bakit ko tinanggihan ang alok ng anak nito.

"Hindi mo ba ipapa-kulong ang anak ko? What he did to you is a crime."

Wika nito.

"Gusto ko po. Pero kapag nakikita ko si Sab nawawala ang kagustuhan ko na makulong si Sir Yael. Alam ko po ang pakiramdam na lumaking walang magulang at ayoko pong maranasan yun ni Sab. Iniwan na nga po siya ng mama niya tapos tatagkalan ko pa siya ng ama? Hindi ko po yata kayang gawin yun sa kan'ya."

Mahabang paliwanag ko sa ginang.

"I know it's hard for you to decide that. But I want to thank you because you considered Sabrina's feelings. Kahit na hindi mo naman siya kaano-ano."

The woman sincerely said.

"Mabait at sweet na bata po Si Sab kaya hindi siya mahirap mahalin."

Sagot ko naman dito.

"Still, thank you."

Wika nito habang hawak ang isang kamay ko.
_________________________________________

YAEL'S

I feels heavy in my heart. Hindi kailanman nagalit sa akin ang mama ko, ngayon lang. I never dream to be compared to my father, but my mom just did. Mas tama 'ata na sabihin na tinawag akong mas worse ng ina ko kaysa sa tatay ko. And I am not happy about that. I want to be a better man than my abusive father. Pero hindi ko nagawa.

Tumayo ako at nag-pahid ng luha. Ayaw kong mag-isa sa opisina ng bahay kaya naisipan kong tawagan ang mga kaibigan ko at yayain ang mga ito sa kalapit na villa ng hacienda ko na pag-aari ng kaibigan ko na si Jacob.

("Hey fucker, why did you call?")

I  sigh before answering him.

"Want to hang out with me? In your villa."

Natawa ang kaibigan sa kabilang linya.

("Really? Inaaya mo ako sa sarili kong villa?")

"Yes, what's wrong with that?"

("Asking me to hang out, is ok. Pero ang ayain ako sa sarili kong property is wrong. You sounded like you own it.")

Rinig ko ang sarcasm sa tono nito.

"Nakalimutan mo na ba? Your villa is our hang out place together with our friends."

("No, all of you just assume na pumayag ako na ang villa ko ang maging tambayan natin. Pero wala naman akong maalala na pumayag ako. I remember, na lahat kayo feeling niyo inyo ang villa ko.  FYI, that is my place and that is the place where my mom and dad conceive a handsome boy like me.")

Mahabang daldal pa nito.

" Ang dami mo naman sinabi. Gusto ko lang uminom kasama kayo."

Natahimik ang nasa kabilang linya. Alam kase ng mga kaibigan ko kapag nag-aaya akong uminom. Nase-sense agad ng mga ito kapag may problema ako.

("Sige na nga. Ako na rin tatawag sa iba para makapag-simula na tayo sa inuman.")

Sagot nito kapagkuwan.

_______________________________________

💜
To be continue...

GUILTY PLEASUREDär berättelser lever. Upptäck nu